Kabanata 5

16 1 0
                                    

Shance Pov
Baby Your Worth it

Back to my routine. Pagkahanda ko ng pagkain, ng damit na susuotin. At papasok sa opisina. Parang walang nangyaring aksidente. Ganun parin.

" Good morning Shance" Nginitian ko lang ang mga bumabati saakin

" Shance!!" Napatingin ako sa tumawag saakin. Hindi pa man ako nakakalingon ay may mabigat na braso na ang dumantay sa balikat ko.

" Cristian!" Naalala ko agad ng pag sagip nya saakin kay daryll.

Akala ko tuluyan nya na akong... Hayts. Ayokong balikan. Nandidiri ako.

" Okay ka lang?" Marahan nyang hinawakan ang may peklat ko nang pisngi.

" Okay na ako. At maraming salamat at dumating ka. Utang ko pa tuloy sayo ang buhay ko" Napatawa naman sya sa sinabi ko.

" Your my buddy's wife. At kahit sinong nasa posisyon ko tutulungan ka. Pasalamat yang Daryll na yan at ipinakulong lang sya ng asawa mo. Ano! Kung ako ang asawa mo e p*ta magtago-tago na sya. Papatayin ko yung h*y*p na yun!" Tuloy tuloy nyang sabi at may action pa kaya pati tuloy yung ibang nakakakita saamin ay tintawanan kami.

" Alam mo para kang siraulo dyan. Tanggalin mo nga yang pag kaka akbay mo at baka makita ka pa ng asawa ko" Ngumisi lang sya at tinanggal nga ng pagkaka akbay

" Para namang may pakialam yun. Palagi ka nga nyang pinagti-tripan" Seryosong sabi nito na nakapag pangiti sa kanya.

" Malay mo may gusto sya saakin kaya pinag titripan nya ako" Tinawanan nya lang ako at sinabihan pa ng 'asa'.

Loko talaga!! Napatawa narin ako. Nadala na ako sa tawa nya.

" FERI!!" napapitlag kami ng dumagundong ang boses ni Xander. Nakita kong biglang nagsi ayos ang mga empleyado. Biglang tumahimik at nakakatakot ang awra ng paligid.

" S-s-ir?!" Tiningnan ko sya ng buong tapang

" Puro ka pakikipag landian. I need my schedule. Almost 5 minutes na akong naghihintay sa taas" Tumango ako at sumakay na kaming tatlo sa elevator.

Cristian have a share here. May sarili syang opisina dito sa LChoice. Isa rin sya sa Branch manager. Magkatabi lang ng office si Xander at Cristian kaya halos araw araw nya akong binubwiset.

" Patay ka shance. Ginalit mo ang dragon" Napahagikhik ako sa bulong ni Cristian. Inapakan ko agad ang paa nya using my black Stiletto.

" ARAY!! PUCHA NAMAN!" Hindi ko na napigilan ang malakas na pagtawa. Napataas pa ang paa nya at nagtatatalon sa sakit.

" Butinga sayo!!!" Hahabulin nya na sana ako pero mabilis akong nakatakbo sa kabilang side. Bago pa nya ako mahuli ay dumagundong na ang boses nya

"D*mned!! Where's your manner? Habulan sa elevator? Really?" Galit na singhal ni Xander na nakapagpa tahimik sa aming dalawa. Tinignan ko si Cristian na masama ang tingin saakin, dinilaan ko lang sya.

Napadako naman ako kay Xander at tinahip na naman ng kaba ang puso ko ng makitang nakatingin sya saakin ng masama.

" My schedule?" Umuna na si Cristian sa office nya. Kumaway pa sya bago pumasok kaya napailing na lang ako.

" Sir your schedule by now. . . " In-open ko ang ipad ko at tinignan ang schedule nya.

" Kay Mr. Cordova, 9:17 of October 27 at----" napatigil ako sa pagsasalita ng may rumehistro sa utak ko.

" And?"

Hindi maari!! Paano--

" October 27" Ulit ko pa. Nanghihinang naibagsak ko ang ipad ko. Paano ko nakalimutan ang bagay na iyon!!

Fall For the Wrong ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon