Kabanata 10

22 1 0
                                    

Shance's Pov
Her Half Pain

This is so magical. After that night mas naging sweet pa sya. Palagi kaming naglalambingan. Nag uusap at palaging nag oopen sa isat- isa. Apat na araw na kami dito sa isla at so far, Sobrang saya ko. Sa sobrang saya ko nakakatakot kung anong magiging kapalit in future. Because I believe that when your happy now, the sadness and pain will allure you the next day.

Wait? What am I thinking.

" Wife. What took you so long. Para kang naglalakad sa bwan" Pagkalapit ko sa kanya hinampas ko agad sya sa braso dahilan para mapatawa sya.

" Halika na nga. Kain na tayo" Tumango nalang sya at dumeretso na kami sa table namin, syempre with Gio and Akira. Kapag ganito sabay sabay kaming apat palagi akong nakamasid kay Xander, wondering what does he feel. Eating with his first love and brother who tends to be her first love's husband.

Pero nitong mga nakarang araw parang wala lang sa kanya. Parang hindi na sya apektado sa presensya nila. O baka sadyang sanay na ang asawa ko na masaktan ng harap harapan.

" Hey wife, kanina pa akong nagsasalita hindi ka naman nakikinig" Napalingon ako kay Xander na nakabusangot. Nakataas ang kutsara nito at parang isusubo saakin pero kayna Akira naman ako nakatingin.

" Sorry. . . Ano bang---" Bago ko pa maituloy ay naisbo nya na sa bibig ko ang pagkain
Muntik pa akong mabulunan kayat pinaghahampas ko sya.

" W-w-wa-wait! Ang brutal mo naman. Ikaw na nga ang sinusubuan" Ngayon ay ako naman ang tumawa. Kita ko ang namumula nya nang braso.

" May balak ka pa yatang patayin ako! Alam mong nagsasalita pa ako tapos susubo mo yung pagkain"

" Bakit? Ano bang gusto mong isubo ko?" Agad syang napahagalpak ng tawa ng mamula ako. Nakatanggap nanaman syang ng mag asawang kalmot at hampas sakin.

" Hindi ka naman kasi nakain. Kanina ka pang tulala. Ano bang nagyayari sayo?" Lumapit sya saakin at bumulong pa " Wag mong sabihin na hindi ka maka- get over sa performance ko kaga-- the heck!"  Sinabunutan ko sya dahil sa kabalastugang lalabas nanaman sa bibig nya.

The heck!!

" Just eat. Will you?!" Singhal ko at kahit namumula ay pilit kong isubo ang pagkain para maiwasan narin ang mapang asar na tingin ng mag asawa sa harap namin.

" You two are so sweet" Narinig kong sabi ni Akira na nginitian ko lang. Nagpatuloy ang pagkan namin. Napatingin ako sa bulsa ko ng mag vibrate ito.

" May signal pala dito?" Takang tanong ko at kinuha ang phone ko. Napangiti agad ako ng makitang si Sammy iyon.

MyGod! Speaking of gay. Tumatawag na. Sya and I really miss him.

I excuse myself at agad na sinagot ang tawag

" ATEENGGGGGG" Agad akong napatawa sa maharot nyang sigaw

" I miss you too Sammy. Anong balita dyan? Buhay ka pa ba?" Im so excited at gusto kong i-kwento ang really huge transformation ni Xander

" Oo naman. Bakla ka! May honeymoon pala kayo ng asawa mo hindi ka man lang nag sabi" Sabi nito at naii-magine ko ang maarteng pag irap nito.

" Nuhh. Hindi honeymoon ito. It's just a vacation with Akira and Gio at dahil tumawag ka naalala tuloy kitang bilhan ng pasalubong, what do you want?" Tanong ko dito pero natahimik na ang kabilang linya

" Sammy--"

" So nagpapaka gaga ka nanaman sa asawa mo? With Akira, seriously Ateng? " Napailing lang ako. Ikukuwento ko nalang siguro ang pagkaka ayos namin ni Xander pag uwi ko.

Fall For the Wrong ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon