Chapter 12

15 1 0
                                    

Christine's P.O.V

Haysss! Mang gising ba naman para lang isama sa pasyalan. Nakakainis talaga! -_ _ _-

Habang nasa sasakyan, tumawag si Pame. Isa sya sa mga nagpakulay ng college life ko. Masayahin at sobrang cool. True Friend ko na rin sya kung tutuusin.

Kantahan na parang sigawan ang nangyayare sa amin sa loob ng sasakyan. Nakikisali na din ako para naman di nila ako masabihang K.J.

Pagbaba namin sa sasakyan. Pumunta agad kame sa kainan. Gutom na daw sila Renz at Paulo. Pinapakaen kase sa bahay ayaw pang kumaen. Nahihiya pa. (-_-)

Kumakain na kame ng tumawag ulit si Pame.

"Hello? Nasan kana?"

"Susunduin na lang kita" sabi ko sa kanya.

Tumayo na ko para umalis at nagulat ako tumayo na din si Renz.

"Ako na lang! :-)"

"Sasamahan na kita" sabi nya.Huhhh?  Ano bang problema nya? Di pa nga sya tapos kumaen e.

"Hindi na! Tapusin mo na yung kinakaen mo." sabi ko sa kanya.

"Mamaya na" sabi nya. Kulit talaga ni Renz!

"Aga-aga LQ agad kayo." pang-aasar ni Ryan. LQ? Lakas ng tama!

"LQ?" sigaw naming dalawa. Lahat ng tao sa restaurant napatingin. HALAAAAA! Napalakas ata!

"Sorry po" sabi ko. Nakakahiya naman. Anlakas pa naman.

"HALIKA NA!" sabay hila ni Renz. Sanay talaga sya manghila. Purket ba malaki katawan nya?

"Nasan ba sya?" tanong ni Renz. Concern :-)

"Malapit daw sa supermarket."

Pagdating namin sa Supermarket may yumakap saken. Nagulat ako at parang di ako makahinga. Si Pame!

"Miss na miss na kita! Akala ko di ko na kayo makikita" yakap saken ni Pame. Awwww! Namiss ko tong kaibigan na 'to!

"Miss na din kitaa! Kung alam mo lang" sabi ko sa kanya.

"Boyfriend mo?" turo ni Pame. Umangas lalo si Pame.

"Pame" sabay pag-alok ni Pame para sa shake hands. Di naman nagpakita ng pagkasuplado si Renz.

"Renz"

"Ilang bwan na kayo" tanong ni Pame. Buwan? Wow ahhh!

"Anong buwan? Hindi kame noh! Estudyante ko sya." sabi ko sa kanya. Nakakainis naman.

"Ahhh! Talaga? San si Abby?" tanong ni Pame.

"Sa Restaurant. Halika na!" paanyaya ko.

Habang naglalakad ramdam ko yung aura nilang dalawa. Mas something sa kanila na di ko alam kung ano yun. Bastaaaa

Pagdating namin sa restaurant. Nagulat sila Ryan at Paulo ng makita si Pame. Kitang kita ko yung mga mata nila. Ano bang nangyayare.

Pag-upo ni Pame. Niyakap sya ni Abby na kasalukuyang may bitbit na xtra food.

Agad akong bumulong kay Renz.

"Bakit mukang nagagalit ka?" tanong ko. Nakakainis nmn kse yung mga titigan nila.

Di ako kinibo. Kabanas naman. Pagtapos naming kumaen at diretso kame sa Sinehan. Nanuod kame ng nakakatakot. Nakakatuwa nga kase ba naman walang nagsasalita sa loob ng sinehan sa sobrang takot.

Naglaro din kame sa isang playstation at arcade sa mall. Ansaya nman pero talagang may iba e. Ano kaya yun?

6pm na nung pababa kame sa Mall at ng hinila ako ni Renz papasok sa taxi.

Sobrang Bilis! Nagulat nga ako at nasira yung sapatos ko pati relo sa impact. Nakita ko yung reaksyon ni Pame. BAKIT BA?

"San ba tayo pupunta?" mga salitang nasabe ko ng tuluyang makaalis yung sasakyan. Nagagalit na ko.

"San ba tayo pupunta?" binitawan kong salita. Nagagalit na ko. San ba kase!

"Basta nga" sigaw nya sa sasakyan. Nag-aaway na naman kame. Nakuuuuu!

"Basta" halatang nanghina din sya. Bumait ulit sya hayyyy! San kaya? Nakakainis naman.

Nagtext si Abby saken. "Bhest? Kumusta?" san naman?

Ang gulo nila. Pagbaba namin

ni Renz nasa Restaurant kame. Bonggang restaurant.

"Magbihis kana" sabi nya sabay tulak saken.

"Ayoko nga! Di mo nga sinabe kung nasaan tayo e" sungit ko sa kanya.

"Dali na!" pilit nya.

Nag-walk out sya. Halaaaa! Eto naman di mabiro biglang hinarangan ako ng mga babae.

Nagulat na lang ako ng alalayan ako ng isang babae. Binigay nya yung isang pink na dress. Nung una ayaw ko pang suotin kaso wala akong nagawa e. Pagkatapos ko magbihis ay may pumuntang make-up artist at binigyan ako ng sapatos. San ba? Para saan ba? mga tanong ko.

Pagkatapos ng lahat ay nagulat ako nung humarap ako sa salamin. Ibang ako ang nakita ko. Bakit ganun? Ano bang meron ngayon? Kabanas talaga!

Dun ko napag-desisyunan na itext si Abby "Nasa party ata ako, San kayo?"

"Ma'am? Pinapatawag na po kayo" sabi ng isang babae.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay unti unti akong kinakabahan. Ano bang meron at bakit ganito yung suot ko. Pink dress na sobrang ganda at Kinulot yung buhok ko. May J.S prom ba?

Pagbaba ko andameng tao. Mayayamang tao pa at dali kong hinanap si Renz. Nasan na sya? Dahil sa kanya nandito ako e! Kabanas!

____________________________________

Thank you! :-)

Teacher's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon