HANNAH AND THE DAYOS

547 10 0
                                    

Hannah & The Dayos

PROLOGUE

"Hannah and the Dayos: Live in Araneta!"

Matindi ang kaingayan sa buong Araneta Coliseum. Di magkamayaw ang mga fans sa pagsigaw sa pangalan ng mga iniidolo nila taas-taas ang mga banner nito. 

Sa lakas ng hiyawan ay napasilip si Joboy sa likod ng stage, hindi siya makapaniwala sa daming tao ang dumating sa concert nila. 

Pagkatapos silipin ang mga tagahanga niya ay napahinto siya sa dressing room kung saan puno ng mga bulaklak ang silid na iyon. Iniisa-isa naman ni Hannah tignan ang mga card na naka-attached sa mga bulaklak, napapangiti siya sa mga pagbati ng mga tagahanga. 

Napatingin naman si Joboy kay Hannah, malaki na talaga ang ipinagbago nito mula noong una silang nagkakilala. Ang dating probinsyanang singer ngayon isang kilala ng diva. 

Naramdaman ni Hannah na may nakatingin sa kanya at nakita nga niyang nakatayo sa pintuan si Joboy. "Ready ka na ba?" 

"Hindi ko alam, kinakabahan ako, first time lang natin gagawin ito eh." 

'Dati naman nagagawa naman natin ito..." 

"Pero hindi sa ganito karaming tao." 

Napasandal si Joboy sa pader, "Ang weird noh, hindi naman magkatipo yung mga kinakanta natin pero pilit nila tayong pinagtatapat. Ang weird din kasi dati magkakasama tayo sa pagperperform pero ngayon, parang nahihirapan na tayo." 

Napayuko si Hannah, " Siguro, for a while, kalimutan na muna natin ang mga nangyari. Isipin natin muna na wala rin itong pinagkaiba noong samahan natin dati." 

Huminga ng malalim si Joboy, "Bahala na nga..."

Nagbukas ng ilaw ang stage na lalong kinalakas ng boses ng mga nanonood, "Ladies and Gentlemen... for the first time in Araneta Coliseum, the most awaiting and controversial concert of the year.... Hannah Ferrera and the Dayos!!!"

1

So kiss me and smile for me 

Tell me that you'll wait for me 

Hold me like you never let me go 

Cause I'm leaving on a jetplane 

Don't know when I'll be back again  

Oh babe I hate to go...

Nagpalakpakan ang mga foreigners pagkatapos kumanta ni Hannah, ilang saglit pa ay dumaong na rin ang cruise sa daungan nito at nagbabaan na ang mga turista. 

"You really have a nice voice." Papuri ng isang Koreano sa kanya. 

Ngumiti siya sa bisita, "Thank you sir, I hope you can come back again here in Loboc.' 

"Yah, that's for sure, people here really have angelic voice even the children.' 

Bata pa lang si Hannah ay active member na siya ng mga children's choir sa simbahan nila. Lumuluwas pa nga sila ng Maynila para sumali sa mga children's choir competition. 

Nang magteenager na siya ay bumitaw na rin siya choir at nagpatuloy na lang ng pag-aaral, ngunit kapag may singing contest sa Bohol ay lagi siyang sumasali, hindi naman siya madalas manalo pero marami na rin ang nakakapuna sa malamig at unique niyang boses.

"Pagdating mo dito sa bahay, hindi ka na makatulong dahil pagod ka na, itigil mo na kasi yang pagkanta mo na yan." Laging iyon ang salubong sa kanya ng kanyang inay pag-umuuwi siya sa bahay. 

HANNAH AND THE DAYOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon