Ako si Cindy Laurel. Anak ng tanyag at kilala bilang pinakamayaman sa bansa na si Clero Laurel. Ang mama ko naman, sad to say but she passed away because of a heart failure noong baby pa ako.
I'm 17 years old. Living in a mansion but I'm not happy. Bakit? Kasi ako lang ang laging nasa bahay na to. Mga maids lang ang lagi kong kasama because Papa is not always here. Uuwi man siya ngayon pero mamaya aalis na naman. Well, sanay naman ako dun.
Nandito ako ngayon nakaupo sa harap ng salamin hawak ang hair brush ko at sinusuklay ang buhok.
Ang boring.
Tiningnan ko ang oras sa wall clock. 8:15pm palang pero ang boring na agad. Sabagay ano pa nga bang bago sa bahay na to? Paulit ulit lang nangyayari ang lahat.
*tok* *tok* *tok*
May kumatok sa pinto kaya napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko. Sino naman kaya yun? Nilapag ko na ang hair brush ko sa table at tumayo.Lumapit ako pinto at sumilip sa maliit na butas sa bandang gitna nito. Nakita kong si Butler Choi ang nasa labas kaya pinihit ko ang knob at binuksan ito ng kaunti.
si Butler Choi ang taong pinagkakatiwalaan ni Papa salahat ng empleyado niya.
"What is it?"
Nag ehem muna siya tapos nag bow sa harap ko. "Good evening Miss Cindy. Your father is here ang he wants to see you." ganito ang mga tauhan sa bahay na to. Nagbobow sila kapag ako ang kaharap or si Papa or mga bisita.
My jaw drop and eyes got wide when he said that Papa is here and he wants to see me.
"Is that true? Walang halong joke?" I asked in a confused feeling. Confused because I realy can't believe he wants to see me. For real?
"Yes, young lady." sabi niya in a calm tone. Yes buti pa siya kalmado.
"Okay." sabi ko tapos sinara ko na ang pinto.
Kinakabahan ako. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita ni Papa. Mas nakafocus kasi siya sa negosyo kaya hindi na niya naaalalang nagexist ako sa mundong ito na anak niya. Kaya nakakagulat na naalala niya pa ako. Kinakabahan tuloy ako.