Chapter 5

49 3 0
                                    

Cindy's POV

Ang saya ko. Ang warm ng pakisama ng mga friends ni Matt. Ang kukulit nila. No wonder kung bakit super close nila sa isa't isa. Medyo awkward nga lang kasi ang tahimik nung Paula tapos minsan lang magsalita yung Denisse. Nakikita ko nga si Paula na tumitingin kay Matt. Yung tingin na may something siyang gustong sabihin. Er. Ano bang paki ko? Tapos habang nagkakasiyahan biglang umalis yung Ella tapos bumalik nang umiiyak. Nagbreak pala sila ng boyfriend niya. Naging worried ang lahat kaya bigla kong naalala yung tiramisu na ginawa ko. Okay na yun pampakalma. Kaya lumabas ako at pumuntang kitchen para kunin sa ref yung tiramisu.

"Honey..." nagulat ako nung may biglang nagsalita sa likod ko kaya medyo na out-balance ako at kamuntikan ko nang matapon yung tiramisu. "Sorry." Tinulungan niya ako sa hawak-hawak ko.

Tumingin ako sa kanya. "Clyde?" ewan pero bigla akong nainis nung makita ko yung itsura niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko tapos nilapag niya sa table yung tupperware ng tiramisu.

"Hmm.. Mukhang masarap to ah." sabi niya tapos kumuha siya agad ng spoon sa cabinet at titikim na sana ng ginawa kong special tiramisu. Pero bago niya nagawa yun tinapik ko yung kamay niya.

"Hey! Don't you dare touch it. It's not yours." sabi ko tapos hinarangan ko yung pagkain. No way in hell na makakakain siya nito! "Ano bang ginagawa mo dito?"

"Visiting you. Please honey, let me try it." sabi niya tapos he stretch his arms to the fullest para lang maabot yung tiramisu sa likod ko.

"No way!" sabi ko tapos tinulak ko siya. Ang kulit ng isang to ah. "Visiting me? After mo akong iwan sa letseng amusement park na yun, you'll come here and pretend that you did nothing wrong to me?" sumimangot ang mukha niya tapos niyuko ang ulo.

"Sorry." sabi niya na parang bumulong lang sa hangin pero narinig ko.

"Ganun? Sorry lang sasabihin mo? Well, you can leave."

Naiinis ako. Pagkatapos niya akong iwanan dun pupunta siya dito to say sorry. Well, apology not accepted. First time kong ngang nakalabas ng bahay nun tapos iiwanan niya lang din ako sa ere? Mabuti nalang at nandun si Matt nakasunod samin. Pero paano kung wala siya nun? Paano kung hindi niya kami sinundan? Paano ako? Ano ng nangyari sakin nung gabing yun? Hindi niya ba ako naisip? Ilang days na ang nakakaraan mula nung araw na yun tapos ngayon lang siya nagpakita ulit. Nakakainis ka Clyde! Ayaw na kitang makita.

Tumalikod na ako sa kanya at binitbit ko na ang tupperware tapos naglakad na ako papunta sa pinto ng kitchen.

"Look, Cindy, I can explain." sabi niya tapos hinabol niya ako tapos hinawakan ako sa braso. Napahinto ako sa paglalakad.

"Sorry, explain to my lawyer Clyde. Not now I have visitors to entertain." tinuloy ko na ang lakad ko palabas ng kitchen. Wala na akong ganang makipag usap sa kanya. Yung feeling na nawalan ka na ng trust sa kanya. Ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Nasa pinto palang ako ng dining room naririnig ko na ang ingay nila sa loob. Mukhang nag eenjoy sila ah. Binuksan ko na ang pinto at pagpasok ko biglang tumahimik ang lahat.

Okay... Awkward...

"Hi..." sabi ko tapos dahan-dahang lumapit sa table. Tahimik pa rin sila. Ano ba?...

"Ah.. Ehem.." nagkuwaring umubo si Matt. "Ano yan, Cinds?"

"I.. I prepare a special tiramisu." sabi ko tapos kumuha ako ng knife to slice it tapos nilagay ko sa mga platito.

"Hmm.. Mukhang marasap yan ah. Pahingi." biglang sabi ni Lawrence tapos nagready na ng tinidor sa kamay niya.

Bigla akong natawa sa ginawa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon