Chapter 3

45 3 0
                                    

Noteee: Cute smile of Clyde Montinegro on the side :">

Nandito ako ngayon sa kotse ni Clyde. Ang bango dito sa loob parang feeling ko wala ako sa loob ng kotse kundi sa garden na maraming bulaklak. Amoy floral kasi yung car air freshener niya. Tapos kinikilig pa rin ako hanggang ngayon kasi ewan ko ba.. Alam mo yung pakiramdam na first time mong mabigyan ng flowers? Tapos parang ang special mong tao para sa kanya. Wah! Nakakajelly ng tuhod. Feeling ko tuloy sobrang ganda ko ngayong araw na to. Ang lakas kasing makapogi points sakin yung ganito. Well, gwapo naman din kasi siya kahit anong angulo mo tingnan. Sheet! Mata palang laglag panty na.

"Honey, you know staring is rude." sabi niya sakin tapos ngumiti siya at tumingin sakin.

Haay.. Yung ngiti niyang yun.

"Honey, your acting weird. Are you okay?"

Pakiramdam ko may something na nagtwitwinkle sa paligid habang nakatingin siya sakin. May nakikita akong paru-paru na malayang nakalilipad sa paligid. Ang ganda nilang tingnan tapos may iba iba pa silang mga kulay. May isang malaking puno akong nakita tapos nakaupo si Clyde doon. Tumingin siya sakin na nakangiti tapos tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa isang halaman dun na puro bulaklak. Nasan na ba tayo? Ito na ba yung paraiso? Pwes. Dito nalang tayo. Please?

"Cindy... Honey... May sakit ka ba? Uy, Cindy.."

Naramdaman kong may sumampal sa pisngi ko. Biglang nawala lahat ng mga bulaklak at mga paru paro sa paligid ko at nagulat ako nung makita ko si Clyde na nakatingin sakin ng parang nag aalala.

"Huh? Asan na sila?" Nasan na? Saan na nagpunta ang mga paru paru? Paano na yung bulaklak ko? Nasan na?

"What? Asan ang alin, Cindy?" Hinakawan niya ang shoulders ko.

"Yung, yung paru paru.." Naramdaman kong ang lamig ng mga kamay niya habang shini-shake ako.

Tumingin ako sa kanya tapos nanlaki ang mga mata ko nung namalayan kong sobrang lapit niya sakin. Teka.. Bakit ang lapit lapit niya sakin? Nararamdaman ko na yung hininga niya sa sobrang lapit niya sakin tsaka bakit siya nakahawak sa mga balikat ko? Kumunot ang noo ko tapos tinaas ko ang mga kamay ko at tinulak ko siya.

"Anong ginagawa mo?!" Nashock siya sa ginawa kong pagtulak sa kanya at pagsigaw. Hindi ko rin maexplain kung anong klaseng expression ng mukha niya ngayon.

Tumingin ako sa paligid tapos ngayon ko lang narealize na nasa kotse pa rin niya ako tapos nandito kami sa gitna ng daan nakatigil. Ang daming sasakyang dumadaan sa labas.

"Ano bang nangyayari sayo Cinds?" sabi niya tapos inayos na niya yung upo niya sa driver's seat.

"Anong? Anong nangyayari sakin? Bakit inano ba kita?"

"Pagkatapos mo akong itulak tatanungin mo ako kung inano mo ko?"

"Eh? Bakit kasi ang lapit mo sakin?" ang awkward kaya ng feeling na mamamalayan mo nalang na sobrang lapit niya sakin. May something na hindi maganda sa pakiramdam.

"Bigla ka nalang kasing nakatulala dyan at naghahanap ng paru paru. Nasaang dimention ka ba Cinds?" sabi niya tapos stress na sumaldal upuan niya.

"Ano? Paru paru?" teka.. pero kanina nakakita nga ata ako nun. Pero nasa kotse kami eh.. Imposible namang meron nun ngayon dito..

"Yup.. Imposible talaga." OMG. Narinig niya ako.

Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Ito na siguro ang epekto. Ang lakas kasi ng amoy ng air freshener niya eh. Kung ano ano tuloy ang pumapasok sa utak ko. Haist! Ang sakit talaga. Di ko na ata kakayanin.

Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon