Anong password ng WiFi niyo?

2.2K 282 54
                                    


"Steven, 'diba may wifi kayo?"

Tanong sa'kin ni Xyrine.

"Oo, bakit?"

Pagsusungit kong sagot, pero sa totoo lang pagkakataon ko na 'to para makausap siya.

Kapit-bahay ko si Xyrine, aminado akong matagal na akong may pagtingin sa kaniya. Dala ng ka-torpehan ay hindi ko magawang umamin.

"Um... Pwedeng ano."

"Ano?"

Hindi siya sumagot, bagkus ay tiningnan niya ang cellphone niya.

"Ahh, makiki-connect ka?"

"P-pwede?"

"Oo naman."

Mabilis kong kinuha ang phone niya.

"Xy, nakalimutan ko 'yung password. Ipapa-type ko lang kay mama ha?"

"Sige lang, thanks."

Bitbit ang cellphone niya, halos lumaki ang bibig ko kakangiti ng tingnan ko ang wallpaper nito.

Picture nung outing naming magkakapit-bahay, nasa harap siya tapos ako 'yung nasa likod.
Alam ko naman talaga 'yung password, sinadya kong makuha ang phone niya para tingnan ang gallery nito.

"Woooah!"

Tanging nasambit ko nang makita ko ang two piece na pictures niya, dali-dali akong nag-share it para ipasa lahat, dinelete ko ang history nito para hindi ako mahuli.

"Oh, Xy. Connected kana."

"Thank you talaga Steveeen! May sira kasi WiFi namin eh."

"Welcome."

Sa tuwing kausap siya, hindi ko pinapahalata na may gusto ako sa kaniya, sinusungitan ko pa nga.

10pm, sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang naka-upo sa labas ng pinto nila, siguro para malakas ang connection. In-off ko ang wifi, sabay silip ulit sa bintana. Ang cute niya pala kapag malungkot, ngumuso muna ito bago pumasok sa loob ng bahay nila. Mabilis ko naman in-on ang WiFi, pagbalik ko sa bintana ay wala na ito.
Halos gumulong ako sa kama sa inis! Aaacckk! Sana pala hindi ko pinatay!

Maya-maya pa ay bumangon ulit ako, ayun! Sa wakas, nasa loob labas ulit siya. Ilang beses ko siyang tinitigan, hanggang sa napa-tulala ako.

*pop* (1 message from messenger)

*Xyrine Celerio sent a photo*

Paksheeeet! Totoo ba 'to?!
Mabilis kong binuksan ang message niya, first chat niya!

"Pusanggala! Atay tayo d'yan!"

Nag-send siya ng picture ko, na naka-harap ako sa kaniya. Mukha akong tanga na nakatulala.

*Xyrine is typing*

Kinakabahan ako, wala na finish na.

Xy: Hangkyut naman neto matulala.

Halos dumugo ang labi ko ng bigla ko itong makagat.

You: Bakit mo 'ko pinicturan haaaa?!

Xy: Eh, bakit ka nakatingin sa'kin?

You: Napa-tingin lang, saka stress ako kaya napatulala ako.

Xy: Stress daw oh, tingnan mo 'to.
*sent a photo*
Xy: Huli ka balbon! May stress bang naka-ngiti?

You: Ahhh, ehh! Goodnight!

Sa sobrang hiya, nag-deactivate ako. Pero nakaka-receive pa ako ng message.

Wifi PasswordWhere stories live. Discover now