Chapter 1-My Game

46 1 1
                                    

"Tara laro tayo. Di basta bastang laro, kasi lahat itataya mo, dahil ito ay laro, laruan ng puso"


Pagkatapos ng eksenang nagawa namin ni Elijah, alam kong kalat na break na kami. Pano ba naman heartthrob ng school, iniwang nagmamakaawa na makipagbalik sa ex. Haynako. Kaya sa laro ko, dapat walang mafafall.

"Ash!" Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko, si Shanine lang pala

"Oh Shanine, narinig mo na noh?" Sya si Shanine Mendoza. Kaisa-isang best friend ko na babae. Tomboy kasi sya na may pagkasiga din kaya nagkakasundo kami minsan.

"Grabe dude, pangilan na yan ngayong taon hah? 2nd Grading palang ah" Saad nya ng natatawa

"Anim, mamaya pito, tinimer ko sa taga ibang school eh, kaya okay lang. Mamaya makikipag break narin ako."

"Pero dude Ash, 28 days palang ah? Diba dapat 30 muna?"

"Yung maximum 30 days. Minimum 10 dasy. Anytime in between pwede nako makipagbreak" Binuksan ko ang locker ko at bumungad sakin ang mga love letter, chocolates at syempre, di mawawala ang mga hate letters ng babaeng inagawan ko ng jowa.

Malay ko ba na may jowa na pala yung nanliligaw sakin? Di ko naman hiniling na ligawan nila ako.

Tinapon ko yung mga letter kasi wala akong oras basahin yan. love letter and hate letter alike. Yung chocolates naman, inilagay ko yung iba sa bag. Syempre kakainin ko yun. Sarap kaya.

"Siguro bukas nako makikipagbreak. First day ng district festival, so for sure makikita ko sila dun, school nila pupuntahan natin eh. Tsaka 2nd day pa yung competition ng sports, kaya mas maganda wala nang nagaabala sakin pagdating ng competition ko sa boxing." Binuksan narin ni Shanine locker nya which is magkatabi lang sakin.

"Sige dude, ikaw bahala basta magiingat ka ah? Sa pagkakaalam ko si Ethan kasama sa isang gang. Lagot ka dude pag ayaw ka nya bitawan. Daming kapit nun."

Humalakhak lang ako sa sinabi nya "Nukaba dude, Master Black Belt ako, I can handle a few gangsters" 

Naglakad na kami papunta sa first class namin, buti na nga lang at dalawa sa morning subjects ko ay kasama sya.

Pagkapasok namin napatigil lahat ng estudyante, naglakad ako papunta sa likod sa may tabi ng bintana at tinignan ng masama ang babaeng nakaupo sa pwesto ko. Agad agad naman itong umalis.

"Pero dude, baka mapano ka, lalake parin sila" Umupo ako sa pwesto ko at si Shanine sa tabi ko.

"La kang tiwala sakin? Basta ako bahala" 

Naputol paguusap namin nung dumating ng prof namin 

After a boring discussion about Lit. Naghiwalay na kami ni Shanine kasi hindi kami pareho ng susunod na klase.

Pumasok na ako sa next class ko at napamura ako nang maalala ko na lab partner ko pala si Elijah, at yun din yung dahilan kung bat naging kami.

Pagupo ko sa pwesto ko, hindi ko tinitignan si Elijah kahit ramdam ko ang titig nya sakin. Nung pumasok na ang prof, diko na kinaya.

Nagtaas ako agad ng kamay "Sir!" Napatingin sakin mga kaklase ko kasi bihira ako magtaas ng kamay.

"Yes Ms. Reyes?" Tila natuwa sakin si sir kasi ngayon lang ako nagtaas ng kamay.

"Pwede po magpalipat ng lab partner?" Halatang nagulat si Elijah sa sinabi ko at tinitigan ng masama yung prof ko. 

"Sure! Pansin ko rin na break na kayo ni Mr. Rhodes" More like narinig mo yung kumakalat na issue -_- "Kaya papayagan kita. Mr. Rhodes, please change partners with Mr. Hernandez" Damn, sa isa pang heartthrob ako napatabi, kaibigan pa ni Elijah HAHAHAH

Narinig ko ang paulitulit na mura ni Elijah nung lumipat sya, naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Chase. "Hi! Ako si Chase Hernandez! Ashlynn Reyes right?" Nakipagkamay sya sakin. Syempre na turn on yung player mode ko

"Yup! Ash nalang" Sabi ko sabay ngiti ng matamis. 

"Sorry kung straightforward. Pero alam kong break na kayo ni Elijah, kaya kung pwede-" Naputol ang sinabi  nya

"Na maging girlfriend mo ako? Sure." Hays, bago nanamang mapaglalaruan.

"Good. Alam kong magtatagal tayo. Sisiguraduhin ko iyan" Aba confident toh ah!

Hays, boys. Papasok sa isang laro na hindi nila kontrolado.

Pagkatapos ng klase lumabas na ako, pagkalabas ko hinila ko si Chase, pero binulungan ko muna sya.

"Let the Game begin"

At hinalikan ko sya ng marahan, na sya naman itong binalik. Simbolo sa mga estudyante na sya naman ang aking pagalaruan. Paglalaruan ko ang kanyang puso. 


______________________________

A/N: Alam kong maraming nanloloko dyan, pero usually lalake, bihira lang playgirl diba? So para maiba ang story ko. Laro naman ng babae ang ating susundin. HWAHAHAAH

The Playgirl's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon