Samantha's POV
Kasalukuyan akong nakasalampak sa sofa ngayon habang nanonood ng palabas sa HBO. Wala akong interes sa pinapanood ko,pero nanood nalang ako. Wala lang,para maiba! Ano ba hmp!
Well dahil hindi niyo pa ako lubusang kilala ay magpapakilala nalang ako hihi.
Hi guys I'm Samantha Luna, 19 years old. 1st year college, Engineering student katulad ni Faye and not to brag. Produkto ako sa isang mayamang angkan.
My dad is Civil Engineer,while my mom is a Doctor.
Meron kaming sariling hospital at hotels. Pero di kasing rami ng pag-aari nila Faye.
Oo,di batid na napakayaman ng pamilya ni Faye. And dad niya ay isang Business man, pero wag na wag niyo yang mamaliitin dahil ang business niya ay mga kotse,MAMAHALING KOTSE rather. Mga bahay, lupain, resorts at iba pang malalaking negosyo. Marami silang Five-star hotels dito sa lugar namin. At sa ibang panig rin ng bansa. Syempre meron din sa ibang bansa,partikular sa America, Nandon kasi ang Mom ni Faye, isang Doctor ang mom ni Faye at meron siyang tinataguyod dun na sariling hospitals, clinics at mga medical missions rin.
Oopps waitt,bat ba abala ako sa pag-iintroduce dun sa babaeng yun? Hayaan niyo ng siya ang magbigay sa inyo ng impormasyon tungkol sa sarili niya.Okay,back to our topic. May sarili kaming hotels, hospitals and also malls.
Dalawa lang kami ng kapatid ko, ang Ate ko. 23 na siya and 4th year college na. About Business ang course niya, sorry di ako masyadong expert diyan. I hate business so much, but I love shopping. Hehe.Natigil ako sa pagmumuni-muni ko ng biglang tumabi sa'kin si Faye.
Tapos na palang kumain ang pipi. Che! Diman lang nagbago hmp, noon pa to eh! Hindi man lang nag-abalang magsalita. Nakakainis eh kasi kahit anong taas taas ng salita ko sa kaniya, ganon rin kaikli ang salita niya.
Tahimik na tao si Faye, pero talagang hilig niya ang mambully lalo na pag ayaw niya sa tao, ewan ko ba dito nakakalito rin minsan eh. Matapos mangbully, tatahimik na yan sa isang sulok na parang walang nangyari. Wala namang nakakasaway dahil ang paaralan na aming pinapasukan, ay pagmamay-ari lang naman NILA. Pero di siya kinukonsente ng dad niya, ang totoo ay nagagalit ang dad niya sa tuwing nakakabalita ito ng pambubuyo niya. Ewan ko ba anong nangyari sa babaeng ito at talagang ang hilig mambully sa kapwa. Wala namang maganda sa pambubully eh tskkk."done thinking? Tsk" nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
Tumayo siya at tinignan ako ng nakangisi
"deep thoughts huh?" mapang-asar niya na tanong. Tinignan ko siya ng masama, nag kibit-balikat lang ang babae at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kwarto niya.
Inis na sinundan ko naman siya dun
Napailing ako sa nakita ko, nakadapa siya sa kama niya,pero hindi buong katawan niya ang nasa kama dahil ang paa niya ay nasa sahig pa, para siyang si superman tsk tsk.Kahit kailan, ang tamad talaga nito!
Tinusok ko siya sa taligiran kaya napaupo siya sa kama niya,tumabi naman ako."so bakit ka nga umabsent? Saan ka galing?" tanong ko sa kaniya.
"kailangan ba talaga yun?" kunot-noo niyang tanong, gusto kong matawa sa dami ng wrinkles niya.
"tss why are you smiling?" kunot-noo paring tanong niya
"haha wala, so san ka nga galing? Baka pumatay ka ng tao-"
"tsk, Di ako ganon" diretsong tugon niya. Napatawa naman ako
"we don't know" nakangiting sabi ko,sinamaan niya ako ng tingin.
Nagpeace sign naman ako agad. Baka kasi ako pa mapatay nito eh haha.
"san nga?" ulit kong tanong
"sa Mansyon" walang emosyong sagot niya. Nagulat naman ako
"anong ginagawa mo don?" diko mapigilang magtanong