Dear Journal,
Haysss. Ang lapit na ng birthday ko. Hanep lang. Kung kailan 11 days nalang akong maghihintay para sa birthday ko dun pa sumabay itong pagsuko ko. Kailan kaya titigil yung pag-iyak ko. 5 days na akong umiiyak tuwing walang nakakakita. 5 days na akong hindi makatulog ng maayos. At isang araw na simula ng umiyak ako sa harap ng mga kaklase ko. Masakit talaga. Hindi lang nya alam. Kahapon. May nakakakitang umiiyak ako. Tapos siguro may nagsabi sayo. Pero alam kong hindi ka magtatanong. Hindi na ako aasa pa. Yung mga kaklase mo ang chismoso ha. Nalaman lang na umiiyak ako nandon na sila sa may pintuan. Nagkukumpulan at tinitingnan kung totoo ba yung sinabi ng isa nyong kaklase. Ayokong magbanggit ng pangalan dahil yung kaklase ko dyan/nanay/sandalan ko ay nagbabasa nito. Nay naiiyak na talaga ako. Actually umiiyak na ako habang sinusulat ko toh. Ang sakit talaga Nay. Ngayon nakapag-isip-isip na ako. Itutuloy ko na ang dare. Ang dare na iwasan sya. Ang dare na mating cold sa kanya. Ang dare na sisiguraduhin kong mananalo ako. Tapos na akong makipaglokohan. Tapos na talaga. Ayoko na talaga. Now I totally believe that "Playing fire with fire is too dangerous."!
YOU ARE READING
MRAM's Journal
RandomThis is not a story but a diary My diary It can also be my compilation of poets...