***
Fleena's Point of View
Nagising ako sa malakas na ingay na nanggagaling sa kapitbahay namin. Nagsisigawan at mukhang nagbabatuhan ng pinggan.
Si Aleng Tari at Mang Danilo na naman. Paano ba naman kasi? Si Mang Danilo ang daming babae.
"Ayy nako. Grabe talaga 'yong mag-asawang kapitbahay natin! Ang ingay ingay! Hindi ba nila alam na maraming tao ang nagigising nila? Naunahan pa ang alarm clock ko sa kwarto!"
Narinig kong singhal ni Mama Gina. Kahit naman siguro sya, naiinis eh.
"Hayaan mo na sila. Ganyan talaga ang mag-asawang yan. Buti nga, di tayo natulad sa kanila." Sagot ni Papa Sandro.
"Ayy sus. Subukan mo lang gumaya kay Mang Danilo at naku! Mababato rin kita ng mga pinggan."
Ang sweet ng mga magulang ko no? Parang mga teenager lang. Lumabas na ako mula sa pagkakatago ko sa likod ng pinto.
"Goodmorning Ma, Pa." Hinalikan ko sila sa pisngi. Nakita ko na naman ang malawak nilang ngiti. Okay?? Ang weird nila ngayon, ha.
"Anak, wala ka bang naaalala?" Tanong ni Papa sa akin.
"Wala naman po. Ano po bang meron?"
"Hay naku talagang bata ka. Birthday nyo ngayon!" Sigaw sa akin ni Mama. Napalayo na lang ako dahil sa sobrang lakas ng boses nya. Sigawan ba naman ako sa tenga?
"Oh sya! Happy birthday." Inabot sa akin ni Papa 'yong box na hawak nya. "Mauuna na ako at may kailangan pa akong tapusin sa work." Hinalikan nya ako sa noo bago sya umalis.
"Wait, Pa!" Sigaw ko kaya napatigil sya sa labas ng bahay.
"Thank you po, I love you." Ngumiti lang sya sa akin at sumakay na ng kotse nya.
Birthday pala namin ngayon? Bakit hindi ko naalala?
"Fleena, andyan ka na naman sa pagiging makakalimutin mo." Umupo ako sa upuan at uminom ng gatas. "Oh, regalo ko sayo."
"Thank you, Ma." Hinalikan ko sya sa pisngi ng maraminggg beses.
"Amoy laway mo na ang pisngi ko. Buksan mo na ang regalo namin ng papa mo. Sige na."
Una kong binuksan 'yong regalo ni Papa. Isang sapatos. Yieee. May bago akong sapatos.
"Salamat talaga dito, Ma!" Sigaw ko.
Sunod kong binuksan 'yong regalo ni Mama. Isang kwintas. May pendant na moon.
"Thank you po talaga dito!" Niyakap ko na lang si Mama. Sobrang saya ko.
"Mag-asikaso ka na at may pasok ka pa." Hinalikan ko ulit sya sa pisngi at pumasok ako ng kwarto.
Naligo at nag-asikaso. Syempre, suot ko ang regalo ng mga magulang ko. Sobrang saya ko na.. para bang mawawala ako ng ilang taon. 'Yong tipong.. mamimiss mo sila?
Bakit ba? Ayaw ko mag-isip ng mga negatibong bagay. Gusto ko lang ngayon ay magsaya.
"Ma! Aalis na po ako!" Sigaw ko. "Teka, wala pa po si Colleen?"
Birthday kasi namin eh.
"Nauna ng umalis. Oo nga pala, may hinanda nga pala kami ng papa mo ng celebration mamaya dito sa bahay. Papuntahin mo ang mga kaibigan mo." Tumango lang ako.
"I love you, Ma." Lumabas na ako ng bahay at naglakad.
Hello to myself! 18 years old na ako at hindi ako doon makapaniwala. Ibig sabihin ba non na.. pwede na maging kami ni Jaxe?