***Fleena's Point of View
"Cry and cry.. it will never ease the pain you felt.. but when you forgive? You'll forget the worst thing.. eveything they had done to you. And start to love again. The past will always makes you feel sad whenever you looked back at it."
"I can't forgive them.. anger covered my heart. And I'm tired of being deceived..."
"Maybe.. you see it through your eyes but your heart telling what would you do.. tell me? What did your heart says?"
Napaiyak na lang ako. Naririnig ko na naman ang boses ng lalakeng laging nagbibigay ng advice sa akin. I never saw his face in my dream. Parang lang syang boses tapos ako, nag-iisa sa liwanag habang nakikinig sa kanya.
Simula ng araw na iyak ako ng iyak, bigla na lang sya nagpaparinig sa akin.
Napamulat ako ng mata at bumangon mula sa pagkakahiga ko.
"Sino ka ba??" Bulong ko sa sarili ko.
It's saturday. Ano naman ang gagawin ko buong saturday? Wala. I'm stuck with this four cornered room with bad aura.
Kinuha ko ang cellphone ko at kahit isang message or call, wala akong na-receive. Ganon na ba talaga ako kasama? Ako pa ang mali?
Masama na bang ipagtanggol ang sarili ko? Ganon ba?
Napahilamos na lang ako ng mukha at umiiyak na naman ako. Hindi napapagod ang aking mga mata sa pag-iyak, pero ako pagod na.
Pagkatapos kong maligo, nagasikaso na ako at lumabas ng kwarto. And as expected, wala sila. Sila.
Noong araw lang ng birthday namin ni Colleen sila nagpakita. Pero ganon pa din, wala pa rin talagang pagbabago sa parents ko.
Paano kaya kung mawala ako? May iiyak kaya? May luluha ba sa harap ng kabaong ko?
Binasa ko ang note na nakadikit sa refrigerator.
'You're Grounded for one month!
~Mama'
Napapikit na lang ako ng mata. Nakarating na pala sa kanila ang balita? So, ang balita na.. ako ang masama at maraming ginawang kalokohan?
Ayos yan. Ipapakita ko talaga na masama ako. Tutal, balita na rin na masama ako eh edi panindigan!
Lumabas na ako ng bahay at sakto naman na may taxi. Sumakay ako dito and I will go to mall.
I-enjoy ko na lang ang araw na ito tutal, I'm grounded for one month. Ang saya no?
Pagkarating namin ni Manong Driver sa mall, binayaran ko na sya at bumaba na ng taxi.
Kung saan-saan ako nakarating. Sa botique, sa arcade, at sa mga bilihan ng mga stuffs. Gusto kong sumaya.
Gusto kong maging masaya. Pero.. hindi ko maramdaman kasi.. mag-isa lang ako. Hindi naman ang mga bagay na ito ang magpapasaya sa akin eh.
Ang pamilya ko, kapatid ko at mga kaibigan ko. Sila, sila lang ang kailangan ko. Pero nawala sila..wala. Iba ang tingin nila sa akin.
Nagsimula na naman maghabulan ang luha ko. Masyado ba akong OA sa mga ginagawa ko?
Ganon pala talaga. Maramdaman mo lang ang pansamantalang kaligayahan, may kapalit na kalungkutan.
"Stop.. crying.. Fleena.. aray!" Singhal ko at natumba ako sa floor pati na rin ang mga hawak ko.
"Sorry, Miss!" Tinulungan nya akong kunin lahat ng nahulog.
"Sorry? Sorry can't heal one's heart. And sorry? It's just a word. A piece of word. It can easily break." Pinunasan ko ang luha ko at tumulong na rin sa pagkuha ng mga nahulog.
"If sorry came from your heart, you can't broke it. Because.. you'll know that it's true then you can't refuse it nor reject it. Once your heart speak louder than your lips, you lose." That voice.
I know him! Sya.. sya 'yong..
Umalis na sya at nakita ko syang naglalakad palayo sa akin.
Kinuha ko ang mga bitbit ko at hinabol sya. Pero maraming tao ang nagkakagulo.
"Excuse me!" Sigaw ko pero mga bingi.
"Andyan sila Daniel at Kathryn!!" Kaya pala maraming tao eh! May darating na artista!
Napatigil na lang ako sa pagtakbo. Ang pagod pala.
'If sorry came from your heart, you can't broke it. Because.. you'll know that it's true then you can't refuse it nor reject it. Once your heart speak louder than your lips, you lose.'
Sya.. sya talaga.. 'yong nagsasalita sa panaginip ko. Im not hallucinating. Sya talaga yon.
Pero.. sya ba talaga 'yon?
Ang gulo!
###
#OJAD
#XisaAngelis