Prince Stanly Dacumos POV
Air Kingdom
Nagising ako sa mga magkakasunod na tatlong katok mula sa pinto ng aking silid at pumasok ang aking kaibigan na si Leonard Ray Mejia anak ni Lord Cyrus Mejia "Mahal na prinsipe gising at bangon na po at tayo'y mag-aagahan na". "Sige susunod na maliligo't magbibihis lang ako" sabi ko sa aking kaibigan.
Dali-dali akong pumunta ng banyo para maligo at magbihis para makakain na at isa pa nakakahiyang paghintayin sila Ama. Habang patungo sa hapag kainan nakita ko ang malaking larawan ng aking pamilya si Amang Hari, Inang Reyna at ako nung sanggol pa lang ako. Sana manatiling isang maganda at napakasayang pamilya kami. Sinabi rin sakin ni Ama na dapat maging responsable sa lahat ng bagay, tapat, maging mabait, huwag maging sakim sa kapangyarihan, at matulungin sa kapwa dahil ako ang susunod daw na hari ng Air Kingdom.
Napatigil na lang ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Ama. "Anak na nandiyan ka na pala, halika na rito para makapag-umpisa na tayong kumain" Nginitian ko sila at tumango "Magandang umaga Ama at sa inyo rin po Council ng Air Kingdom" Lumapit na ako sa aking silya para makakain na kami.
Habang kumakain kami napatingin kaming lahat sa Hari. "May pupuntahan tayo bukas dadalo tayo sa kaarawan ni King Flames sa Fire Kingdom para hindi ka maboring isasama natin si Leonard Ray Mejia". "Opo Ama" sagot ko sa aking Ama habang nakangiti. Nagulat ako sa sinabi ni Ama at excited dahil hindi pa ako nakakapunta sa ibang kaharian ngayon lang ako isasama ni Ama.
Lumipas ang buong araw ko na may galak at sabik dahil bukas na makikita ko na ang mga elementong kumokontrol ng apoy. Natulog ako ng may ngiti sa labi.
Gumising talaga ako ng napakaaga dahil aalis kami ng alas tres ng umaga kasi malayo layo rin ang Fire Kingdom at para makalibot daw ako sa buong Fire Kingdom.
Habang nagbibiyahe kinausap ako ni Leonard Ray "Ano kayang itsura ng Fire Kingdom? buti na lang nakasama ako sa inyo" "Ako din sabik na akong makita ang Fire Kingdom" sagot ko naman sa kanya.
"Stanly at Leonard malapit na tayo, makikita niyo na ang isa sa mga kaharian dito sa Wonder Land. Huwag kayong lalayo sa palasyo para makaiwas sa disgrasya at dahil ito ang pinakamalapit sa Dark Land." payo ni Ama sa aming dalawa ni Leonard.
Parang nabasa ko na ang Dark Land pero hindi ko maalala. "Ama ano po ang Dark Land" tanong ko sa kanya. "Ganito yan Stanly sa Magical World may dalawang rehiyon ang Wonder Land kung saan kabilang ang ating kaharian, Fire Kingdom, Water Kingdom, Earth Kingdom at Grande Kingdom at ang isang rehiyon naman ay ang Dark Land ito ay lupain na hindi sinisikatan ng araw, maraming nakakubling bagay roon at lupain ng masasamang elemento" kwento ni Ama. Natahimik kaming dalawa ni Leonard Ray. "Nakakatakot naman sa Dark Land Prince Stanly tumayo balahibo ko sa kuwento ng Hari" nanginginig na sabi ni Leonard.
Nagsalita si Ama "Huwag kayong matakot kasi hindi naman tayo pupunta roon at siguradong ligtas kayo dahil sa Fire Kingdom tayo pupunta" "Hay salamat buti na lang hindi tayo pupunta roon nakakapanindig balahibo naman ang Dark Land pangalan pa lang nakakatakot na" sabi ni Leonard.
Nagbiyahe kami ng may unting kaba papuntang Fire Kingdom. Pero nacucurious lang ako sa itsura ng Dark Land....
~~~~~~~~~~~~~~~
Natapos din ang Chapter 3
Pero ano kayang masasabi ni Prince Stanly kapag nakarating na sila sa Fire Kingdom.
~Luke Reid Grande~
YOU ARE READING
The Elemental Kingdoms Of The Magical World
FantasyAlam natin na sa kahit saan tayo pumunta ay may kasamaan at kadiliman na mangbabagsak sa atin at uudyukan tayo na gumawa ng masama. Ngunit ika nga nila kung may kasamaan ay may kabutihan. Abangan ang mga tagapagligtas ng Magical World at ng Daigdig...