Prince John Mark POV
May natanggap na liham ang aking Ama mula sa Fire Kingdom. Meron daw magaganap na kasiyahan at tiyak na pipilitin na naman ako ni Ama na sumama sa mga pinupuntahan niyang kaharian. Tsaka boring lang dun walang magawa. Ayoko din naman makipag-usap sa iba at kahit na gusto kong makisalamuha sa iba hindi ako pinapayagan ni Ama dahil baka may mangyari sakin kaya lagi akong nag-iisa tumatambay sa apat na sulok ng mga silid sa palasyo. Pero minsan kapag nasa ibang kaharian kami nagbabalat kayo ako para makatakas at makita ang itsura ng bawat kaharian. May naririnig din ako tungkol sa mga prinsipe ng ibang kaharian pero hindi ko na pinapansin. Ni hindi ko nga kilala at hindi ko pag-aaksayahan ng panahon. Mas gusto ko pang magliwaliw at mamasyal sa mga gubat at hardin dahil dito ako nalilibang. Pinapaganda ko ang kanilang hardin dahil kaya kong bumuhay at pumatay ng halaman. Hindi alam ni Ama na may ganito akong kapangyarihan at hindi niya rin alam na may hardin ako sa gitna ng kagubatan ng aming kaharian.
Natigil na lang ako ng may kumatok sa aking silid."Mahal na prinsipe pinapatawag po kayo ng mahal na hari" sabi sakin ng aming isa sa mga manggagawa sa palasyo. "Sige pupunta na po" sagot ko sa kanya isasama na naman niya ako. Magmumuni pa sana ako saking silid ng mapagtanto kong ayaw pala ni Ama ng pinaghihintay ayoko namang mapagalitan no choice punta na lang.
Nang makarating ako sa harap ng silid ni Ama kumatok muna ako sa pinto tanda ng paggalang. "Pasok" permiso ng aking Ama. "Ama bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sasabihin niya."Sigurado akong nakarating na sa iyo na may gaganaping pagtitipon at kasiyahan sa Fire Kingdom gaya ng mga dinadaluhan kong pagtitipon ay isasama kita, huwag ng balaking tumutol dahil sasama ka sa ayaw at sa gusto mo naiintindihan mo ba?" sabi ni Ama sa akin. "Ano pa nga bang magagawa ko edi pupunta!" sagot ko sa kanya at umalis.
Kahit na paulit-ulit na itong nangyari parang hindi pa rin ako sanay at lagi akong nagtatampo sa aking Ama.
Nagising ako ng may kumakatok sa pintuan ng aking silid. Dahil sa tampo nakatulog pala ako. Sa pamamagitan ng pagtulog nakakalimutan at naiibsan nito ng konti ang mga iniisip ko. "Prinsipe John Mark maghanda na daw kayo dahil maya maya aalis na kayo at pupunta na po kayo sa Fire Kingdom sabi po ng mahal na Hari" sabi ng isang manggagawa sa aming kaharian ginagalang ko naman sila dahil hindi tulad ng iba alipin ang tawag nila sa kanila, dapat ang mga manggagawa ay pinapahalagahan kasi kung wala sila hindi magiging maunlad ang isang lugar o kaharian.
"Sige po pakisabi po kay Ama maliligo at magbibihis lang po ako" sagot ko sa kanya. "Masusunod po mahal na Prinsipe" sagot niya sakin.
Pagkatapos kong magbihis at maligo ay bumaba na kaagad ako gaya ng sinabi ko nung una ayaw ni Ama ng pinaghihintay mas gusto pa niya na siya ang hintayin. "Andiyan ka na pala bilisan mo at aalis na tayo" sabi ni Ama. "Opo Ama" matamlay kong sagot saking Ama at sumakay sa isang sasakyang panghimpapawid na pinapagana ng kapangyarihan. Sa amin ang sasakyan namin ay pinapagana ng hangin at may kumokontrol dito na tinatawag na Ship Controller kung mas maraming Ship Controller mas mataas at mas mabilis dahil ang kaharian ay maraming Ship Controller mabilis kaming nakapunta sa Fire Kingdom hindi tulad ng mga ibang Ship ang Ship ng mga royalties ay ang mga malalakas at bihasa. Magagamit sila kapag may digmaan at pangtransportasyon ng bawat kaharian.
Pagkalipas ng ilang minutong paglalakbay mula Grande Kingdom hanggang dito sa Fire Kingdom ay sinalubong kami ng mga Lords at kawal ng Fire Kingdom at ihahatid kami sa magiging silid namin pansamantala para makapagpahinga. "Maligayang pagdating sa Fire Kingdom mahal na Haring Acracious Millares at Prince John Mark Millares ng Grande Kingdom sumunod po kayo sakin at ihahatid ko po kayo sa inyong magiging silid mga mahal naming panauhin" pambungad ng isa sa mga Lords of the Fire Kingdom.
Ilang minuto din akong nanatili sa silid na ibinigay sakin pansamantala. Napagtanto kong lumabas at mamasyal sa paligid ng Fire Kingdom. Nang makalabas na ako ng palasyo ginamit ko ang aking kapangyarihang kayang kumontrol ng mga halaman tinaas at winasiwas ko ang aking kamay kasabay ng paglabas ng enerhiya mula saking kamay. Nagsilapitan ang mga dahon at dumikit saking katawan, nagliwanag ang aking katawan at sa wakas napalitan na aking kasuotan. Ito ang unang ginamit ko ang aking kapangyarihan para magpalit ng kasuotan.
Nang matapos ang aking pagtratransform ng aking kasuotan ay naglibot-libot na ako sa paligid at may narinig akong kaluskos malapit sa ilog dahil sa curios ako ay lumapit ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Natapos din ang Chapter 5. Ano kaya ang nakita ni Prince John Mark at ano kaya ang gagawin niya sa makikita niya. Abangan ang gagawin ni Prince John Mark sa kanyang nakita!!!!
~Luke Reid Grande~
YOU ARE READING
The Elemental Kingdoms Of The Magical World
FantasyAlam natin na sa kahit saan tayo pumunta ay may kasamaan at kadiliman na mangbabagsak sa atin at uudyukan tayo na gumawa ng masama. Ngunit ika nga nila kung may kasamaan ay may kabutihan. Abangan ang mga tagapagligtas ng Magical World at ng Daigdig...