Chapter 4: Prince Stanly in Fire Kingdom

27 3 1
                                    

Prince Stanly POV

Makalipas ang ilang oras naming pagbibiyahe narating na namin ang sinasakupan ng Fire Kingdom. Nakakamangha ang mga elemento rito talagang sila ang kumokontrol sa apoy.

Kinalabit ako ni Leonard at may itinuturo siya "Prince Stanly tignan mo iyon oh ang galing dun oh sa tindahan ginagamit nila ang kapangyarihan nila sa kanilang tindahan at isa pa lumulutang at hindi nasusunog ang mga gamit sa kusina ang galing nakakabilib sila noh" hangang-hangang paglalarawan niya rito. "Oo ngayon din lang ako nakakita ng mga elementong kayang gamitin ang kapangyarihan bilang pagkakakitaan talagang kahanga-hanga ang mga taga rito buti na lang talaga isinama tayo ni Ama hindi ko kakalimutang isulat ito sa listahan ng mga paborito ko" tugon ko sa kanya.

"Pagkarating natin doon ay tutulong ako sa kanila para sa pagdiriwang mamayang gabi at pwede kayong magliwaliw dito sa Fire Kingdom basta balik kayo ng alas singko sa palasyo" bilin ni Ama sa amin ni Leonard. "Masusunod po Ama babalik kami mamaya susulitin na po namin ang pamamasyal dahil ngayon lang kami nakapunta rito salamat Ama" sagot ko sa aking Ama. "May nakalimutan pala ako para hindi maistorbo ang inyong pamamasyal magpalit kayo ng inyong kasuotan baka pagkaguluhan kayo at hindi niyo masulit ang inyong pamamasyal" bilin ulit ni Ama. "Sige po Ama" sagot ko ulit sa kanya.

Habang nagpapalit kami ng aming kasuotan. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil isa itong opurtunidad para sa akin at kay Leonard. "Sana malibot natin lahat bago maghapon para sulit" sabi ko kay Leonard. "Kailangan nating malibot lahat baka hindi na tayo makapunta dito" tugon sa akin ni Leonard. Nang matapos kaming magpalit ng kasuotan nagpaalam muna kami ni Leonard. "Ama balik na lang kami mamayapaalam ko kay Ama. "Basta mag-iingat kayo sa pamamasyal" sabi sakin ni Ama.

Dali dali kaming lumabas ng palasyo at pumunta sa paligid nito may nakita kaming magandang lugar malapit sa gubat isang malinis, maraming isdang makikita sa tubig at napapaligiran ito ng mga magagandang halaman at bulaklak. "Ang ganda talaga dito akalain mong may natatagong paraiso dito kahit na may ganito rin tayo iba pa rin ang itsura dito" sabi sakin ni Leonard

Nagulat kami ni Leonard kaya ginagamit ko ang aking kapangyarihang hangin para makalipad at magtago sa taas ng puno. Sa hindi namin inaasahan pinagtutulungan ng mga taong may kapangyarihang itim ang isang lalaking walang kalaban laban. "Mahal na prinsipe tulungan natin siya mukhang mamamatay at nanghihina na yatapagsusumamo sakin ni Leonard. Habang nagsusumamo biglang may dumating na tatlong lalaki at mukha silang prinsipe din. Nakipaglaban ang tatlo pero marami pa rin sila at halatang nanghihina na. Nagpasya akong tulungan namin sila kahit hindi pa ako bihasa sa paggamit ng aking kapangyarihan. "Leonard makikipaglaban ako sa kanila at ikaw naman tulungan mo iyong lalaki iligtas mo siya baka hindi na siya magtagal bigyan mo siya ng lakas" utos ko sa kanya. "Opo Prince Stanly" sagot niya sakin.

Dali dali kaming bumaba. Lumikha ako ng ipo ipo sa harap nila para hindi matuluyan ang tatlong mukhang prinsipe. Nilagyan ko sila ng wind shield para hindi sila galawin at makabawi ng lakas. Inatake ko naman ang mga kalaban kahit na hindi ko pa gaano nakokontrol ang aking kapangyarihan bahala na. Pinatamaan ko ulit sila ng ipo ipo at wind blast pero sadyang malalakas sila.

Nagpaulit ulit ang pakikipaglaban ko sa kanila at sa tingin ko parang hindi ko na kaya. Napadaing ako sa sakit ng tamaan ako ng itim na energy ball. Bigla akong tumilapon ng sampung metro mula saking dating kinatatayuan at parang hindi ko na kayang bumangon. Bago ako tuluyan ng aking kalaban may umatake saking kalaban at nagulat na lang ako ng biglang natumba ang aking kalaban. Nakita ko ang klase ng kanyang pakikipaglaban kaya niyang kontrolin ang apoy, hangin, lupa at tubig. Dahil sa natamong pinsala ng aking katawan at kahit na gusto ko pang panoorin bumigay na ang katawan ko.

~~~~~~~~~~~~~

Sino kaya ang tumulong na taglay ang apat na kapangyarihan ang apoy, hangin, lupa at tubig. Matatalo kaya niya ang mga may itim na kapangyarihan

Natapos din ang Chapter 4

~Luke Grande~

The Elemental Kingdoms Of The Magical WorldWhere stories live. Discover now