THREE

76 6 2
                                    

Chapter 3

"Andy!" Naalimpungatan ako sa sumigaw galing sa labas. Hindi ako pumasok ngayon dahil nakiusap si Alle na samahan siya sa isang restaurant para makausap ang may-ari. Bibinyagan na kasi ang pamangkin ko sa makalawa. Titikman namin ang specialty nila doon.

"Teka lang!" Sagot ko. Bumangon ako para umupo sa kama. Bumukas ang pinto at pumasok si Alle. Handa na siya sa pag-alis samantalang ako,kagigising lang. Humalukipkip siya pagkakita sa akin. Tinaasan pa niya ako ng kilay.

"Anong oras ka ba natulog kagabi?" Mataray niyang tanong.

"I don't know. Maybe quarter to 1 na." Umupo siya sa katabi ko. Pinatong ang kamay niya sa balikat ko.

"Ano ba kasing bumabagabag sa isip mo?" Hindi ko pa sa kanila nakekwento na nagkita na kami ni Kenjie. Ayokong sabihin pero pagdating kay Alle,hindi ko magawang magsinungaling.

"Nagkita na kami." Tipid kong sagot. Nanlaki ang mga mata niya. Umawang pa ng konti ang bibig. Tumungo ako. Hanggang ngayon pala,apektado parin ako. Akala ko wala na. Akala ko kapag nakita ko na siya magiging okay ang lahat. Pero puro akala ko lang pala.

"Nag-usap kayo?"

"Bakit pa kami mag-uusap,Alle? Nakamove on na siya."

Tumayo ako. Pumasok sa banyo para maligo. Hinubad ang suot-suot na damit. Binuhay ko ang shower. Hinayaang kong lumandas sa aking katawan ang malamig na tubig na nagmumula sa shower. Baka kapag ganito, matauhan ako. Ayokong makita siya na apektado parin ako pagdating sa kanya. Nakamove on na siya. Dapat ako din.

"10 am pa naman ang meeting natin sa owner nung resto. Pwede pa tayong gumala sa Mall."

"Okay. Kailangan ko yata talagang mag-unwind."

After a minutes. Tapos na ako maligo. Lumabas ako sa banyo na bath robe lang ang suot. Nakita ko si Alle na busy sa laptop ko. Lumapit ako sa kanya para makita kung anong tinitingnan niya.

"Anong sinesearch mo?" Kuryosong tanong ko. Tumingala siya para tingnan ako 'tska ngumiti.

"Yung restaurant na pupuntahan natin. Tingnan mo." Titingnan ko na sana ng may tumawag sa akin.

Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Kuya Andrew. Lumapit muna siya kay Alle para halikan ito sa pisngi. Ang sweet.

"Sure ka bang sasamahan mo si Alle sa resto?" Nag-aalangang tanong ni Kuya. Bakit naman kaya?

"Oo naman,Kuya Andrew. Bakit?" Umiwas siya ng tingin. Hinawakan ang batok.

"Wala naman. Ikaw sana ang uutusan kong mag-alaga kay Andro. May gagawin kasi ako ngayon." Alangan pa niyang sabi. Natawa ako nung batukan siya ni Alle.

"Tamad ka talagang mag-alaga ng anak mo,Andrew! Gusto mo layasan ka namin ni baby Andro? Lumayas ka na nga dito. Aalis na kami." Nagmartsa palabas si Alle. Iniwan kami ni Kuya. Tiningnan ko ang reaksyon ni Kuya,mukhang iiyak na. Lihim akong ngumisi. Takot pala siya kay Alle.

Lumabas si Kuya na bigong-bigo. Siguro lalambingin na naman niya si Alle. Kuya always do that. Ito namang si Alle,kilig na kilig. Lumapit ako sa aking closet para kumuha ng isusuot. Nung panahon na nasa Macau ako,Tita Amber always buy me clothes. Hindi simpleng t-shirt lang,mga dress talaga ang binibili niya para sa akin. Nung una,tumatanggi ako. Hindi na kasi ako sanay na magsuot ng pambabae. I wear a tube top,high waist ripped jeans and stilletos. Kinuha ko rin ang maong jacket ko. Ayoko namang makita ang tiyan ko. Nakakahiya.

Hindi nga ako nagkamali sa naiisip kanina. Pagbaba ko palang,nakita ko ang dalawang naghaharutan sa sala. Napailing nalang ako. Hindi na ako magtataka kung masusundan agad ang pamangkin ko. Masyado silang maharot dalawa.

The Tomboy was Falling (book 2)Where stories live. Discover now