TWO

48 5 0
                                    

Chapter 2



"What?" Nalilitong sabi niya. Nakaramdam ako ng kaba habang nakatingin siya sa akin. Nilapag ko ang kutsara. Tiningnan si Gavin.


"Tapos na ako." Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko.


"Konti palang ang nakakain mo. Ayaw mo ba nitong inorder ko? Gusto mo umorder ako ng bago?" Umiling-iling ako. Ayoko na dito. Hindi pa ako handang makita at makausap siya.


"Sumama ang panlasa ko,Gavin. Pwede na ba tayong bumalik sa opisina?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Bumitaw ako sa hawak niya 'tska siya tinalikuran. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa waiter para magbayad.


Abot-abot ang kaba ko nung may humawak sa palapulsuhan ko. Lumingon ako. Akala ko siya na.....Si Gavin lang pala.


"Andy,what's wrong? Masama ba talaga ang panlasa mo?" I didn't answer. Gusto ko na talagang makalabas dito. Nagsisimula na naman kasing kumirot ang puso ko. When i see him here,bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang okay na ulit ako? Hihimatayin yata ako ngayon. Bumuntong hininga ako. Pilit kinakalma ang sarili.


"Y-yes. Balik nalang ulit tayo sa opisina." Tinanggal ko ulit ang kamay niya sa palapulsuhan ko para makalabas nasa fast food chain na ito.


Hawak-hawak ang tapat ng dibdib habang naglalakad pabalik sa building. Nakasunod lang sa akin si Gavin. Ramdam niya yata ang pagiging kabado ko kanina. Umakbay siya sa akin katulad ng ginagawa niya noon. Everyone was shocked when they saw us. I didn't mind. Nawalan ako ng mood ngayon. Hindi ko rin maeedit ang manuscript. Baka mainis lang ako at hindi ko i-approved ang gawa ni MarinaWP.


"Hindi mo na kailangan magtrabaho ngayon,Andy. Pwede ka ng umuwi." Aniya. Andito kami ngayon sa opisina niya. Malawak din ito katulad ng buong opisina ng editor. May couch sa tabi ng bintana. May vase sa tabi ng pintuan. This place is so relaxing for me. Umupo sa visitor seat. Naghalumbaba sa lamesa niya.


"Huwag mo akong bigyan ng special treatment,Sir Gavin. This is all about work nothing else. Ayokong may magalit sa akin dahil sa pagiging bias wrecker mo." Natatawang saad ko. Tumawa din siya. Hinawakan ang batok dahil sa pagkapahiya

"Namiss ko lang ang kaibigan ko,masama ba? Don't get me wrong,Andy. Masama ang panlasa mo. Kailangan mo ng umuwi."


Wala akong nagawa kundi ang ligpitin ang gamit ko sa desk. Winsy was confused. Kaya lumapit siya sa akin. Naghalumbaba siya sa harang na namamagitan sa mga desk namin. Pinagmasdan niya ako ng mataman.


"Masama ba talaga ang pakiramdam mo,Andy? You look fine naman." Curious na tanong ni Winsy Ginulo ko ang buhok niya. Muntik pa niya akong batuhin ng notebook dahil sa ginawa ko. Galit siya sa taong guguluhin ang buhok niya. Sobrang arte!


"I looked fine outside,Winsy but inside, I am miserable." Bulong ko sa kanya. Her eyes widen. Natutop din niya ang bibig niya.


"Hindi mo na ba kailangang ihatid ka sa sainyo?" Nag-aalalang tanong niya. Sasagot na sana ako ng may tumikhim sa likod ko. Lumaki ulit ang mga mata niya. Nacurious ako kaya lumingon ako. Then i saw Gavin,smiling widely.


"Ako na ang maghahatid sayo,Miss Suarez. Baka maaksidente ka pa sa kalsada." He's serious when he say that. Kitang-kita ko ang pagpipigil ni Winsy na mapatili sa nasasaksihan. Grabe naman itong si Winsy. Daig pa ang match maker. Gavin and I is only just friends. Hanggang doon lang iyon. Ayokong mabago.


"May dala akong sasakyan,Sir Gavin. Huwag ka ng mag-abala. I can manage." I put my sling bag in my shoulder. Pinakita ko pa sa kanya ang susi ng sasakyan ko. Ngumisi siya. Nagulat ako ng hawak na niya ang susi. Lahat ng atensyon ng co-editor ko ay napunta na samin. Ibang-iba na si Gavin. Humahatak na ng atensyon ng karamihan lalo na sa mga babae.


The Tomboy was Falling (book 2)Where stories live. Discover now