Thea's POV
Nandito na ako ngayon sa school at di ko maiwasan na mamangha sa sobrang ganda nito. Nakatingala ako sa mga matataas na building.
Di ko maimagine na makakapasok ako dito. Dati kasi pangarap ko lang ito. Grabe ang ganda talaga dito.
Nakatingala ako ng may biglang bumunggo sa akin na lalaki kaya naman nangalat ang dala Kong libro, tapos yung lalaki tuloy tuloy lang.
Hoy! Ikaw na lalaki ka! pasigaw na sabi ko.
Lumingon yung lalaki tapos sumagot ng....Ako ba?
Aba at may gana pa talagang magtanong eh halata naman na siya yung tinutukoy ko. Talagang inuubos nito ang pasensya ko..
Ay Hindi Kuya ito po kayang poste ang tinatawag ko. Siguro naman alam mo na nabangga mo ako? Sagot ko sa kanya.
So?! Don't expect na magsosorry ako. Isa pa kasalanan mo naman eh. Bye! sagot nya naman tsaka umalis.
BWESIT!!! Kaaga aga umiinit ang ulo ko, pinulot ko na lang yung mga libro ko at saka hinanap yung room 149 na nakita ko sa bulletin board kanina. Malaki itong school kaya sure ako na di ko na makikita yung lalaking yun.
Nandito na ko ngayon sa room napili kong umupo sa unahan para makapagfocus ako sa lessons. May umupo sa kaliwa ko na dalawang babae pero di ko na yun pinansin. Maya maya kinalabit ako noong isa.
Ate bago Ka po dito? Ako nga pala si Alexa and she is Stella. tapos itinuro yung katabi nya at syempre dahil medyo friendly ako kinausap ko sila
Oo bago ako dito, my name is Althea pero Thea na lang ang itawag nyo sa akin, nice meeting you guys.
Sumagot naman yung Stella Pwede Ka ba namin maging kaibigan? nagulat ako dun sa sinabi nya pero dahil wala naman akong kaibigan dito at wala kahit isang kakilala nakipagkaibigan ako sa kanila.
Sure! isa pa wala naman akong kaibigan dito.
Thank you!!! sabi nilang dalwa.
Alam nyo sa totoo lang para silang mga bata, ang bilis makipag kaibigan.
Pumasok na ang teacher at lahat kami nagpakilala sa harapan, syempre inexpect ko na yun kasi first day ng class. Maglelesson na sana si Sir pero may pumasok na lalaki.
Wait! sya yung lalaki kanina! kung minamalas nga naman. Narinig ko namang nagtilian sa likod pero tumahimik din nang magsalita si Sir.
Why are you late Mr. Lee? Tanong ni Sir.
Sumagot naman yung lalaki, I am sorry Sir.
sana pagalitan sya ..
Ok introduce yourself and seat beside Ms. Reyes. Sabi iyan ni Sir, ang malas talaga oh naging katabi ko pa si Mr. Di marunong mag sorry.
BINABASA MO ANG
Meant To Be
RandomXander, a rich guy who has everything; money, popularity, lot of friends, complete family and etc. Althea, a girl who only want is to finish her studies, a brave and the one who has a positive thinking in life. Anong mangyayari kung ang dalawang ito...