Chapter 6

498 9 0
                                    


Thea's POV

Andito kami ngayon ni tita sa hapag, kumakain ng hapunan at ngayon ko balak sabihin kay Tita yung tungkol sa pagiging secretary ko.

Tita. Tawag ko sa kanya habang nagsasandok ako ng ulam.

Hmmm? Sagot naman nya habang nginunguya yung pagkain nya.

May sasabihin po sana ako. Sabi ko bago ko isubo yung pagkain sa kutsara.

Ano yun? Tanong ni Tita.

Kinakabahan ako pakiramdam ko hindi matutuwa si tita, nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago magsalita.

Tita ako po ang bagong SSG secretary sa school. Sabi ko.

Bakit ngayon mo lang sinabi?! Sana nagluto ako ng marami. Ikaw pala ang bagong secretary eh. Sabi nya sa akin.

😓😓😓

Hindi po kayo galit? Tanong ko.

Bakit naman ako magagalit? Parang nagtatakang tanong nya

Eh diba po malaking responsibilidad ang pagiging secretary, baka po mapabayaan ko ang pag aaral ko. Tsaka po baka magkaroon ng ambagan, saan po tayo kukuha ng pera? Sagot ko.

May tiwala ako sa iyo Thea alam ko na kaya mo yang pagsabayin, alam ko na di mo pababayaan ang pag-aaral mo. Tungkol naman sa pera, huwag mo ng problemahin yun dahil ako na ang bahala dun. Tayo na lang dalawa ang natitira kaya dapat nagtutulungan tayo diba? Sabi ni Tita.

Opo.

Isa pa para na kitang anak, parehas tayong maganda. Sabi ni Tita sabay flip ng buhok.

Hahahaha tama ka jan Tita. Sagot ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nagalit si tita, akala ko talaga magagalit sya.

Tita what if itry mong magkaroon ng boyfriend? Sabi ko. Ang bata pa naman ni tita 29 years old lang pa lang siya.

At bakit naman? Tanong nya.

Para naman sumaya kayo Tita.

Hindi ko kailangan ng boyfriend para sumaya, ikaw lang Thea sapat na. Isa pa ayaw ko na magmahal, nadala na ako.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon