Xander's POV
Hahahahaha grabe yung hitsura ni Gourie nang iniwan ko sya dun sa hallway, EPIC. Hindi naman totoong interesado ako sa kanya, sa katunayan nga ay naiinis ako sa kanya. Sya lang yung nakakasagot sa akin ng ganun, bagay na di magawa ng iba. Para siyang baliw na nakanganga tulad nung first day ng pasukan, sinadya ko syang bungguin noon kasi para syang bata na binilhan ng bagong laruan.
Nakakabuwesit siya, ayaw ko sa lahat yung sinasagot ako pero kung makasagot sya sa akin akala mo kung sino. Humanda ka sa akin Althea Reyes. I will make your life here in Willford University miserable.
•••
/ - / - / KINABUKASAN / - / - /
Thea's POV
Andito ako sa room namin nakaupo ako sa tabi ni Liam na busy sa pagdradrawing ng anime.
Ang galing mo naman magdrawing. Sabi ko
Ahhh ... Thank you, ang aga ko kasi dito kaya naisipan kong magdrawing muna. Sabi nya. Di ko naman tinatanong kung bakit ka nagdradrawing e. Gusto kong sabihin yan kaso baka magalit siya.
Ganun ba?
Oo.
Maya maya pa dumating na sina Alexa at Stella. Bes! Ang aga mo di mo kami hinintay. Kunwaring nagtatampong saad ni Alexa.
Nakakainip kasi maghintay sa inyo kaya pumasok na ako. Sagot ko.
Hayaan mo yan si Alexa, para kasing pagong kung kumilos yan kaya laging nahuhuli. Sabi ni Stella.
Grabe ka sa akin sadyang ganun talaga ako, you know mahinhin kumilos. Sagot naman ni Alexa.
Iba ang mahinhin sa mabagal bes. singit ko naman sa usapan kaya natawa si Stella. Natigil lang ang pag uusap namin nang dumating yung teacher namin.
Ok class we don't have classes for the whole morning because we will go now to the gymnasium to have an SSG officers election. Sabi ni Sir sabay labas ng room.
Kinuha ko na yung mga gamit ko at sabay sabay kaming pumunta sa gym.
Pagpasok pa lang ng gym ay napakaingay na dahil sa dami ng mga nagkukuwentuhan. Sa parteng gitna kami umupo nina Stella at Alexa. Nasa unahan ang mga teachers at ibang seniors.
Nang mapuno ang gym ay umakyat na sa stage yung isang teacher.Good morning students! We are gathered here to elect new officers for SSG. Let's start with the president, the table is now open for nominations. Sabi nya, may nagtataas ng mga kamay para magnominee. Sampo lang ang maximum number ng nominees at mayroon ng siyam sa unahan. May nagtaas ng kamay sa likod namin.
I nominate Xander Lee for President! Kasabay noon ang pagtili ng mga estudyante, umakyat si asongot sa stage ng naka poker face.
Nagbotohan na at si asongot ang nanalo. Well di na ako magtataka e halos lahat ng babae dito ay siya ang binoto.
BINABASA MO ANG
Meant To Be
RandomXander, a rich guy who has everything; money, popularity, lot of friends, complete family and etc. Althea, a girl who only want is to finish her studies, a brave and the one who has a positive thinking in life. Anong mangyayari kung ang dalawang ito...