Chapter 1: The Prince

42 0 0
                                    

"I'm sorry,ginawa ko ang lahat pero... pero hindi talaha eh!". medyo pautal utal ko pang sabi sa kaharap ko ngayong si Malou na sa tingin ko'y nagtataka at sasabog sa galit dahil sa nasabi ko.

"Hindi talaga sya nag work,It's over.... Ayoko ng ituloy pa tong relasyong ito!" mahinahon kong sabi.

"What??.. Are you serious??..No Ryan hindi ko to matatanggap!!" galit na isinagot nya sa akin.

"Malou its not working,i mean this relationship..wala itong patutunguhan!"

"2 weeks pa lang tayo Ry,ok naman lahat ah?? Pls! Ry Stop this na....Mahal Kita!" pagsusumamong sabi sa akin ni Malou.

"Sinabi ko naman na sa iyo ito una pa lang diba??.. I.. I.. I Don't like you,Malou" sabi ko.

"Ang Hard mo namang magsalita!!... OK Fine!" tumayo sya mula sa pagkaka-upo... "BREAK na tayo!!! and i don't want to see you again!!!... Kala mo kung sinong Gwapo!" pasigaw na dugtong pa nya.

Bahagya akong pinamulahanan ng mukha dahil sa nangyari lalo pa't ako ngayon ang sentro ng atraksyon ng mga kumakain sa loob ng restaurant matapos sumigaw ni Malou ng ganoon kasunod ang dali dali nyang paglabas..Haayyy Sabi ko na nga ba mangyayari ito..2 weeks ago sya tong nagmamaka awang sagutin sya,to think na hindi ko naman sya nililigawan..ngayon parang pinalalabas nya na sya itong nakikipag break sa akin..tsss mga babae talaga!... nasabi ko na lang sa sarili.Tatayo na sana ako ng biglang may mga kamay na dumagan sa balikat ko upang mapanatili ako sa pagkaka-upo.

"Tol,ang bilis nun ha...i thought iiyak sya,magmamaka awa or luluhod sya or whatsoever.. pero whoaahh ang bilis lang ha".. bungad na sabi ni Daniel sa akin na agad na umupo sa kanina'y inuupuan ni Malou..at ngayo'y nilalantakan ang pagkain na ini order ko kanina.

"Ang Takaw talaga nito!!".. tanging nasabi ko lang.

"By The Way naka iskor ka ba sa kanya ha??" malisyosong tanong sa akin ni Daniel.

"What the Hell is that question Dan??,syempre wala!" inis na sabi ko.

"Wehhh??..Maniwala ako sa'yo!" pilyong balik nya sa akin.

"Alam mo ikaw!,umiral na naman yang kamanyakan mo!!,Yes girlfriend ko yung tao..... ah i mean Ex ko yun pero di ako katulad mo na.." di pa man ako tapos magsalita ay pinutol na ako ni Dan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Royal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon