Chapter 7: asdfghjkl

26 2 0
                                    

“Gising na may training ka pa morning”

A text that I recieved from Jamaica. Ang sarap pala nang feeling na may magpapaalala sayong mahal mo na gumising, so ayun bumangon na agad ako, then, kumain nang agahan then naligo at umalis na sa bahay.

“Saan ka?”

text ko sa kanya, while I am standing right beside the waiting shed.

“Eto sa mga pinsan pa din, pero paalis na din ako papuntang work”

nung sinabi niya yun, di ko sumakay ako sa jeepney yung biyahe not straight going Crossing but going to Angono. Then I texted her,

“meet tau Mercury, saan ka na?”

Wala akong narecieved na reply then someone blindfolded me using hands, kinapa ko yung face and I know na siya si Jamaica. Nung tinangal niya ang takip sa mata ko, then she gave me a kiss. She was wearing a pink t shirt at ang cute kasi nandun ung mukha ni patrick star, skinny jeans at may dala na naman siyang malaking shoulder bag. Then she gave me something na nakaplastic

“Tago mo muna”

Without looking nilagay ko na lang siya sa bulsa ko, then we rode a jeepney going to our destination. Magkatabi kami and she was holding my arms and laying her head on my shoulders. Ang bango nang buhok niya, nakakatuwa talagang amoyin ang buhok nang mga babae kapag bagong ligo, parang ang tagal matanggal nang amoy. Im kissing her head that time eh biglang may bakong nadaanan yung jip, ayun, tumama yung ulo niya sa bibig ko, ang masakit yun. She don’t noticed what happened so di ko na lang sinabi, kasi katangahan ko yun eh.

“Kain tayo mamaya? Anong oras ba break mo?”

Tanung niya sa akin,

“Di ko pa alam, di naman kasi binigay sa amin yung sked namin for the day of training eh, text na lang kita kung anong oras, libre mo ba ko?”

“Ang kapal naman nang peslak mo, dapat nga ako nililibre mo eh, sino ba babae sa atin?”

“Bakit porke babae ba dapat nililibre na? Eh mas madami ka nga pera sa akin eh”

“Ano naman? Dapat ganun talaga ang mga lalake, nililibre kaming mga girls, di ba nga ate?”

Nagulat ako kasi bigla niyang tinapik yung babaeng katabi niya, natawa naman yung girl kasi nakikinig pala siya sa usapan naming dalawa.

“Kita mo, kahit si ate, alam yun, kaya mamaya ililibre mo ko”

“Uu nga pala, yung mga gamit mo nalipat mo na ba?”

“Pinalipat ko na kay Ka Berto yung gamit ko, binigay ko muna yung susi sa bahay ko”

“Sino yun?”

“Tatay nang pinsan ko, sanay na lang ako talaga na pagmatandang lalake ang kumakausap sa akin eh meron KA”

”kung makasabi ka nang matanda parang di ka matanda ah”

Excuse me, di pa ako matanda ha,”

Kinalabit niya ulit yung katabi niya at natawa sa tinanong niya,

“Ate ilang taon na ako sa tingin mo?”

“19 or 20 pa lang po”

“Ay dahil dyan close na tayo!”

Then she look at me smiling na parang pinapakita niya na panalo siya sa aming dalawa.

“Sabi sayo eh, ano?”

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon