Chapter 4 : Jammy jams

14 3 0
                                    

“Park car, this nigh sky, this city light shines like diamond! Our song plays on the radio.. wo ohh ohhh ohhh”

isang malakas na sound ang narinig ko sa aking tenga, then, kinuha ko under my pillow, alarm ko yun sa aking phone. It’s already 9:45am na so I prepare the things na daldalhin ko at naligo na ako. After that, naglakad na ako papunta sa sakayan nang jeep. Ang nakakaasar talaga minsan, kung kelan mo kailangan ang byahe na sasakyan mo eh di sila agad agad lumalabas, siguro, ilang minuto na ang lumipas and still either jeep sa ibang route ang dadaan, puro motor, tricycle, truck, bike, meron pa nga kariton eh, then finally meron na din masasakyan. Bago pa ako pumara, nagulat ako at automatic na tumigil to sa harapan ko.

“Oi tara dito ka na sumakay! Dali!”,

si Jamaica pala yun kaso natawa naman ako kasi nandun kaagad siya sa harap na upuan nang jeep. Pagsakay ko dun ko nalaman na kaibigan nya pala yung driver nang jeep.

“Talagang reserved na eh noh?”

“and take note, libre pa… ako hahahahah siyempre ikaw may bayad hahaha”

medyo natawa ako noon pero uu nga naman bat ako malilibre eh di ko naman kilala si manong driver, and by the way, she was wearing sleeveless t shirt again, with a big shoulder bag so alam ko na papasok siya sa massage parlor that day.

“Grabe nahilo ako kagabe, dami pala natin nainom kagabe noh?”

“Di ka ba inaway nang kinakasama mo kagabi?”

“Eh wala naman siya paguwi ko eh, hinihintay ko nga siya kanina eh, kaso wala di siya umuwi, diba kagabi eh nanggulo yun sa isang bar na pinagwoworkan ko, ewan ko ba dun. Tinatawagan ko nga kaso di niya sinasagot, kahit text. Di ko alam kung saan tumuloy yun kagabi.”

bakas sa mukha niya ang pagaalala. Then biglang tumunog yung phone niya, at mukhang si PJ na yun kasi biglang sumaya ang mukha niya.

“Ano ba kasing problema sa ginagawa ko? Di ba napagusapan na natin yun? Ikaw naman kasi bakit mo ginawa yun? Yan kasi problema sayo eh, puro ka tamang hinala, eh wala naman talaga. Kelan ka ba babalik dito?”

then bigla na lang niya binaba yung phone niya then she started to cry.

“Sabi ko sayo eh, papaiyakin ka lang nang batang yun, ilang beses na kita pinagsabihan pero ano? nkikinig ka ba? ngaun iiyak iyak ka”

ang sabi ni manong driver habang nagyoyosi.

inabot ko sa kanya yung dala kong bimpo, ang akala ko eh ipupunas lang niya sa luha niya yun, nagulat ako nang singahan niya to.

“Uy sensya na ha”

ang sabi niya, wala naman ako nagawa, then tuloy pa din ang iyak niya. Then her phone rang again

“Nako Jaja, kung ako sa iyo, eh di ko na sasagutin yan kung Pako lang yang tumatawag sa’yo. Kung ano ano lang ang maririnig mo dyan. Bat di mo pa kasi hiwalayan yan eh, dami daming iba dyan, bat di ka mamili, masyado ka kasing naniniwala sa pinagsasabi nang nanay mo eh”

“Eh kasi naman eh…”

tapos umiyak ulet siya, di na niya sinagot yung phone then, binigyan siya nang yosi ni manong driver.

“Salamat tatay ha, alam mo talaga kung paano ako pakakalmahin, kaso papatayin mo naman baga ko”

“Eh kesa naman patayin ka nung Pako na yun edi eto nalang gamitin mo para mamatay, masaya pa, di ba nga boy?”

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon