UNANG PAHINA

143 13 0
                                    

I was just a 7 years old sa pagkakaalala ko, no'ng ginawa ko 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I was just a 7 years old sa pagkakaalala ko, no'ng ginawa ko 'yon. Nasa gilid lang ako no'n, nakatulala't malalim ang iniisip hindi normal sa isang 7 years old na kagaya ko. No friends, and no family. Just me and my secrets.


When we were young, we tend to play with other kids than to think about how a certain person dies or got murdered by the other person. Right? But growing up in a toxic and unhealthy society wherein everything seems so hard to deal with, I chose to take responsibilities for each inconvenience I encountered-just like.

Nakaramdam ako no'n ng inis gawa nga nang ingay ng paligid.. I hate it, I really hate it-to the point na walang pagaalinlangan ko na lang ding nilapitan 'yong pinakamaingay sa klase at dinambagan nang saksak sa mata gamit ang hawak-hawak kong matulis na lapis mula pa kanina.

Nag-sigawan ang buong klase, nag-silabasan naman ang iba at ako... nakatayo lamang habang pinagmamasdan ang kaklase kong nagsisigaw sa mismong harapan ko habang hawak-hawak ang kanang kamay nito ang nagdurugong kaliwang mata, "Shut up." I calmy said to him then-smile.


13 YEARS LATER

"Mareng, balita ko itong si Andy ay nakapasok raw sa USC."

Rinig kong sabi ni Ate Bebs, suki ni Mama. Kaunting tao, purong chismosa dito sa Barangay Sol.

"Buti nga't nakapasok Mareng, dahil kung tutuusin sobrang hirap na ng buhay ngayon, diyos ko saan ako kukuha ng ipang-kokolihiyo nitong si Andy. Aysus! Maproud na laamang kita kay beauty and brains ni akong Andy!" pagmamayabang naman ni Mama.

Well, proud rin naman ako sa sarili ko. Sino nga naman ba ang hindi, sa dami namin na gustong makapasok sa University of San Carlos isa ako sa pinalad at nabigyan ng pagkakataon. Right, like?

I got the power baby!

"Mama! Hindi na muna po ako hihingi ng baon, marami rin akong naibentang bra saka panties kahapon kaya medyo may pera si junakis mo." sabi ko habang pinagdadampot at inilalagay ang mga gamit sa bag.

"Ikaw na bata ka, hindi kita niluwal dito sa mundo para magbenta. Ay naku! ikaw talaga!" sabi naman nito habang hinahabol ako ng kurot.

"Hayaan mo na 'yan Mareng! Buti nga't nagkukusa 'yong bata. 'Yong anak nga ni..." hirit naman ni Ate Bebs.

"Naku! Ikaw talaga, nagsisimula ka na naman." sigaw pa ni Mama bago ako makalabas ng tuluyan sa gate.

Kahit kailan talaga basta sa chismis nangunguna itong si Ate Bebs.

Nasa labas na ako ng gate at nakatingin kay Mama and I've realized how lucky I am to have her in my life. She's so strong... a strong independent mother I mean. Na kahit wala na si Papa sa tabi niya she managed to guide and take care of me kahit pa minsan napakapasaway kong anak-hindi naman gano'n ka pasaway. Very slight lang. She thought me a lot of things in life, 'yong mga bagay na madadala ko hanggang dulo na hindi makukuha o mababayaran ng iba. Like, she's my mom, sister, and a best friend.

Pinaka the best mom sa buong mundo!

"Bye Mama!" sigaw ko rito habang may pahabol na flying kisses.

"AMPING!" sigaw nito pabalik sa 'kin na ang ibig sabihin naman sa tagalog ay ingat.

I am Andy Lyn Sermento, nangangako na hindi titigil hanggat hindi nakukuha at naaabot ang pangarap. Hindi muna magjo-jowa hanggat hindi lumalapat ang diploma sa aking mga kamay, mamahalin si Mama at ang sarili para sa ekonomiya ng bansa...

"... And I thank you!"

"Ay kabog Andy!"

Ako pa ba? Andy kaya ito kung hindi epal-bida-bida ng taon! Anyway nasa school na ako ngayon, first day of class at medyo naninibago kasi naman unang tapak ko pa lang ramdam ko ng hindi ako belong. Ang gagara naman kasi nung mga kasabayan ko, kami lang ata ni James ang pumasok ng hindi nakasasakyan sa gate ng school.

"Nag-baon ka ba 'te?" biglang hirit ni James sa akin. his my baklitang friend. James sa ugma Jasmine sa gabi. May itsura sana itong kaibigan ko na ito kaso mas nanaig ang blood of the rising rainbow sa kaloob-looban at sa systema niya.

Kaya ayan, mas maharot comapre sa tunay na may boobs.

"Yes naman!" energetic ko namang sagot.

"Ay bakla, uso ang maupo after mag-ala Catriona." saway ni James sa 'kin sabay hila sa oversized t-shirt na suot ko. wala pa kasi kaming uniform ang gano'n talaga rito kuno. first day is no wearing of uniforms-pak! kakaiba!

"Ito naman parang tanga, namiss ko lang magbida-bida. Ilang taon din tayong nilumpo ni Covid bakla." pabalang kong sagot dito.

Tiningnan naman ako nito na para bang may mali sa naging pahayag ko, tama naman nasabi ko ah.

"Bakla, may paa ka pa naman ba't mo naman nasabing nilumpo ka ni Covid? Jusko bakla, utak mo ata pinagpistahan ni Covid for 3 years mahigit e." mataray nitong sabi.

"Luh, grabe ka naman sa 'kin."

Magrereklamo pa sana dapat ako ng bigla namang naghiyawan ang kabilang section, kami naman ni James na may pagka-marites abay pinatulan naman na agad namin.

"Hala bakla anong meron!" sabi ko.

Hila-hila ako ni James ngayon papunta sa kabilang section, akala ko ba peaceful itong school ba't naman first day na first day may ganito.

Nang tuluyan kaming nakalapit ni James, gulat at pagkabahala ang tumambad sa amin.

MAMA ANO ITO!

SECRETS (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon