IKATLONG PAHINA

73 10 0
                                    

Naitapal na lang din namin ni James ang magkabilang mga kamay sa mga bibig namin. Gulat na gulat kami sa kung anong nadatnan namin sa kabilang section. I was so shocked that I've questioned all the reaction of those students na mas nauna sa 'ming maki-usyuso.

Awang-awa kami ni James do'n sa babae, ni hindi na nga ito halos gumagalaw at parang lantang gulay na dahil sa kawalanghiyaang ginagawa no'ng lalake na may matinding sira ata sa ulo.

Galit na galit na ako habang nakatulalang pinagmamasdan 'yong babae,

"James, ilayo mo 'yong babae."

"Huh? Teh, h'wag na tayong mangialam."

"Ilayo. Mo. 'Yong. Babae, James!"

Out of nowhere I immediately grabbed the monobloc chair on my left side... at walang pagaalinlangang inihinampas sa likod nung gago.

"POTANGINA MO!" pahabol kong sigaw.

Everyone in the room just shut for a moment, including those two guys on the corner na walang ginawa kundi ang tumunganga at manood. Ni hindi man lang nila inawat,

"Wala ka bang nanay, ha? Kalalake mong tao ganiyan ugali mo?" sigaw ko.

"Ayokong mangialam sana kaso potangina mong gago ka, dito ka pa talaga nag-hasik ng kasamaan? Alam mong mahina, binugbog mo? At talaga naman, ang kapal at ang gago mo para dito mo gawin sa school 'yang kahayupang 'yan?" nang-gagalaiti kong dugtong.

Marahan itong lumingon sa gawi ko. I wasn't prepared enough sa naging reaction niya, he was glaring at the same time smirking towards me, na animo'y nangaasar.

"This son of a bitch." I whispered out of frustration.

Na ihawak ko na lang sa pantalon ang magkabila kong kamay dahil na rin sa sobrang inis. Aktong magsasalita na sana ako nang bigla namang...

He clapped, clapped?

"Napakagaling, I am impressed." sabi nito habang inililibot ang buong tingin sa loob ng room.

Natatakot may nilakasan ko na lang din ang loob ko. Alangan namang pabayaan ko 'yong tao na bugbugin lang ng walanghiyang 'to.

"Impressed? Saan, sa ginawa mo?" pabalang kong sabi rito.

Tiningnan ako nito ng deretso sa mata, then he smirked  again. What's wrong with this guy?

"Miss, hindi mo ba alam na maling makisawsaw sa negosyo ng iba? Mind your own business before I turned the misfortune on you side." mayabang na sabi nito.

This time, I smirked.

"Hindi ka rin gago e. Bulok na nga ang paguugali astang mayabang pa. Are you a walking shit or a walking crap? O baka parehas." I confidently said.

Namuo naman ang inis sa pagmumukha niya, ang kaninang pacool ngayon mukha ng nagbabagang uling. Ano ka ngayong gago ka.

He slowly walked towards me, at ako? Hindi ako papatinag, suntukan gusto nito aba'y sino naman ako para hindi siya patulan.

Halos mag-dikit na mga mukha namin sa sobrang lapit, and as usual he's with his smirking again. This damn guy has something big on top of his head.

I rolled my eyes as response for what I've just think.

"I like your stupidity, Miss. And by looking closely, I conclude you're one of the newbies on the campus." he said while slowly leaning towards me.

I leaned back enough para mag-dikit ang mga ilong namin. "I like how you welcomed newbies, Mr. Ba't hindi ka mag-dropped out maging tv personality, you actually have the looks and sa eksina mo today hindi malayong sisikat ka—pasikat ka din kasi masyado." I sarcastically smiled and move away from him.

Kahit papano I successfully moved his ego.

Dumeretso ako sa gawi nina James, at nang makalapit ako may malay na 'yong babae. Agad kong chenick 'yong mga pasa at sugat niya at nang makita ng dalawang mga mata ko kung gaano kalala 'yong mga pasa, matutulis na tingin ang naibigay ko sa dalawang audience sa gilid.

Ang lalaki ng katawan wala man lang ginawa, bwesit!

SECRETS (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon