Pagkauwi ko sa bahay nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko pero hindi ko naman kinalimutang mag bless kay mama. Nagtataka kayo yung bakit di ko kasama si Stef?
Flashback
Uwian na nangmatapos yung Welcome Party para sa mga Freshies. Naglalakad kami pauwi ni Stef.
"Grabe ang saya ng Welcome Party diba sis?" Masayang sabi ni Stef.
"Sus. Ang sabihin mo masaya ka lang kasi nakita mo crush mo. Ano bang pangalan nun?" Pangaasar ko kay Stef.
"Kenneth Rodriguez. Ikaw nga Erick Villanueva eh hahaha." Balik na pangaasar sakin ni Stef.
"Haha sabi ko na nga ba aasarin mo din ako e huli ka balbon hahaha alam ko na apelido ni Erick iaadd ko na sya sa facebook!" Sabi ko sa isip ko."Sige na mauuna na ko may kailangan pa pala akong gawin" Paalam ko kay Stef.
"Hala sya napikon na." Guilting sabi ni Stef.
"Tange hindi may kailangan lang talaga akong gawin." Nakangiti kong sagot para di na maguilty si Stef.
"Dun muna tayo sa inyo." Malambing na sabi ni Stef.
"HINDI PWEDE!" Mabilis kong sagot.
"Sus. Iaadd mo lang si Erick sa facebook eh. Wag kana mahiya ok lang sakin." Sabi sakin ni Stef habang naka grin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Stef. Naramdaman ko nanaman ang init sa muka ko. P-pano nya nalaman yun? "H-hindi kaya!" Pautal utal kong sabi kay Stef.
"Anong hindi ka dyan. Ayan oh nag bablush ka nanaman." Sabay turo sa cheeks kong namumula. "Hay nako sis kung magsisinungaling ka wag sakin ha? Kasi kilalang kilala na kita kahit dalawang araw palang tayong nagkakasama." Nakagrin na sabi ni Stef.
"Basta. Mauuna na ko sige bye!" Bigla nalang akong tumakbo para iwan si Stef. Baka kasi makahabol pa sya e. Hahaha sorry sis.
"ANG DAYA MO SIS!" Yan nalang ang huli kong narinig sa sinabi ni Stef.
End of Flashback
Binuksan ko yung laptop para magfacebook.
"E-rick Vil-la-nue-va ayan!" Excited kong pinindot ang searchbutton. Add friend.
Nagstroll muna ako sa propfile nya. Grabe naman tong profile nya bakit ang Emo? Nagstatus pala sya kahapon.
"Always thinking of you dreaming to love me to. I'll do all things for you, cannot live without you."Post ni Erick Villanueva kahapon
"Yan yung kinanta nila kanina diba? Ibig sabihin kahapon lang nya ginawa yun? Wow ang galing bilib na talaga ako sa kanya." Sabi ko sa sarili ko. Iniscroll down ulit ako para makita ang iba nya pang post.
"Nakita ko sya kanina sobrang ganda nya <3"Post ni Erick Villanueva kahapon
Post rin yan kahapon ni Erick. "Sino kayang pinariringgan nya sa post nya? Ako siguro? Nainlove siguro sya nung nakabungguan nya ko." Kinikilig naman ako sa mga naiisip ko. Kaya naman di ko na napigilang magsisigaw. Pagulong gulong ako sa kama ko.
"Omeged! Erick! Omeged anuberrr! Ahhhhh! Erick bakit mo ba ko ginaganto?!" sa bay tingin sa picture ni Erick. Gumulong gulong nanaman ako sa kama at nagsisigaw. "Ahhhhhhh!"
Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Ano ba yan ate?Anong nangyayari sayo? Bakit sigaw ka ng sigaw dyan?" Takang taka na sabi ni mama.
"Ah wala po ma." Tumakbo ako para itulak si mama. Sinara ko mabuti ang pinto. Bigla nalang akong napangiti nung naalala ko yung post ni Erick.
*------*
Medyo matagal pa yung nasa prologue kapit lang.

BINABASA MO ANG
A Broken Destiny
RomanceIsa sa pinakamahirap gawin sa mundo ay ang magparaya. Pero pano kung ang pagpaparayang gagawin mo ay makakabuti para sa taong pinakamamahal mo? KAKAYANIN MO BA?