Nakaupo ako sa armchair ko nang biglang lumapit sakin si Stef.
"SIS!" Excited na sabi sakin ni Stef. Ang aga-aga ganyan kataas energy nya.
"Oh ano ba yun sis?" Tanong ko.
"Alam mo na ba?!" Pasigaw nyang sabi sakin.
"Alam ang alin?" Tanong ko ulit. Nambibitin pa kasi tong si Stef eh. Di nalang sabihin ng diretso.
"Na ngayon daw yung Welcome Party para sa mga freshies!" Mas lumakas na sabi ni Stef.
"Huh? Welcome Party? San mo nanaman nasagap yan?" Walang buhay kong sabi kay Stef.
"Wala narinig ko lang. Di mo ba alam na taon taong nagpapaparty ang East High para sa mga freshies? Ano ba yan Sis..." putol na sabi ni Stef dahil may dumating na teacher.
"I-Sapphire pumunta na kayo sa gym." sigaw ng di ko pa kilalang teacher dahil ngayon ko palang sya nakita.
"Oh! Ayan na ata! Sabi ko sayo e! TARA NA!" Excited na sabi ni Stef.
Pagkarating namin sa gym umpisa na ang Welcome Party para sa mga freshies. May ibat ibang booth na nadun. May photobooth, candy booth, balloon booth at syempre ang pinaka nakaagaw sa atensyon ko ang icecreambooth. Agad kong binatak papunta sa icecreambooth si Stef.
"Tara sis libre kita." Aya ko kay Stef.
"Yay! Talaga sis? Sige hmmmm. Isang cookies and cream sakin" Masayang sabi ni Stef.
"Ate isang cookies and cream po tsaka isang chocolate sa sweet cone." Sabi ko sa babaeng nagtitinda. Pumunta na kami ni Stef sa dalawang vacant seat para dun nalang hintayin ang order namin.
"Sis tignan mo yung lalaking yun" Sabi ni Stef habang nakaturo sa maputing lalaki. "Ang gwapo diba? Alam mo crush ko na sya since Elementary pero wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kanya yun. Ikaw sinong crush mo? Don't tell me na wala ka pang nagugustuhan sa dinami dami ng mga gwapo dito sa E.H." dagdag nya.
Bigla ko namang naisip yung lalaking nakabungguan ko kahapon."Huh? Wala pa eh. Gusto ko munang makagraduate bago ko isipin yan." pagsisinungaling ko kay Stef."Oh yan na pala yung order natin eh." palusot ko. Ayoko naman talaga magsinungaling kay Stef pero nahihiya naman akong sabihin sa kanya na nagkagusto ako sa lalaking kahapon ko lang nakita.
Isusubo ko palang sana ang icecream na hawak ko nang biglang nagsalita yung emcee sa stage.
"Handa na ba kayo mga Eastano?! Then let's give around of aplause for the Rubber Band!"
Natawa naman ako ng bahagya sa pangalan ng bandang sinabi ng emcee. Tinignan ko ang grupong umaakyat sa stage. Totoo ba tong nakikita ko? Kinusot ko ang matako para makasiguro na hindi ako nanaginip. TOTOO NGA SYA NGA! YUNG LALAKING NAKABUNGGUAN KO KAHAPON! Nag umpisa na silang tumugtog. Ngayon ko lang narinig tong kantang tinutugtog nila siguro sila ang gumawa nun. Ang galing lalo akong nainlove sa kanya ang gwapo nya habang tumutugtog ng gitara. Wait. Marunong talaga syang maggitara?! Plus 3points! Pakiramdam ko ako yung pinatatamaan nila sa kanta haha feeler diba?
Always thinking of you,
dreaming to love me too.
I'll do all things for you,
cannot live without you.Yan kasi ang sabi sa lyrics. Malay mo nainlove din sya sakin dahil sa ganda ko. Titig na titig ako sa kanya nang biglang may bumatok sakin.
"ARAY! Para san yun?" tanong ko kay Stef habang hinihimas ang batok ko.
"Gusto palang makagraduate muna ha?! Kanina pa kita kinakausap titig na titig ka dyan kay Erick! Ah alam ko na may crush ka kay Erick no?!" Mapang asar na sabi ni Stef habang kinikiliti ako sa tagiliran.
"Uy hindi ah!" Pagtatanggi ko. Unti unti kong naramdaman ang init sa muka ko. Ngayon ko langnaramdaman ang ganitong pakiramdam nahihiya ako.
"Yiie! Tignan mo nga nagbablush ka pa! O baka di lang crush yan baka love na!" Pang aasar ulit ni stef sakin.
"Uy hindi!" Wala na akong masabi dahil maski ako hindi ko alam tong nararamdaman ko. Di ko naman kasalanan na ngayon ko lang naramdaman to.
"Yiie. ERRRRRIIIICCCKKK! CRUSH KA NI JIANAAAAAA!"Sigaw ni stef.
Agad kong tinakpan ang bibig ni Stef. Buti nalang malakas yung tugtog kaya walang nakarinig. "Ano ba yan sis nakakahiya wag kang maingay." Malumanay kong sabi kay Stef.
"Osige di ako mag iingay basta umamin ka lang." Mapangasar na sabi ni Stef.
"Hindi ko pa alam ok?" Sabi ko.
"Anong hindi mo pa alam?"tanong ni Stef.
"Hindi ko pa alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko pa alam kung crush ko sya o love na tong nararamdaman ko. Basta ang alam ko ngayon ko lang to naramdaman." Sagot ko.
"Sige sis don't worry susuportahan kita kung ano man yang nararamdaman mo. Tutulungan kitang alamin kung ano man yan." Sabi ni Stef.
"Sige sis thank you." Pasasalamat ko.
Tumingin ulit ako kay Erick. Erick pala pangalan nya, bagay na bagay sa kanya.
✔Matangkad
✔Gentleman
✔Mabait
✔Moreno
✔Magaling maggitara
□ Matalino
Isa nalang kulang. Tapos may plus points pa sya dahil marunong syang kumanta at maggitara. Omeged parang biglang may kumanta sa isip ko. Nasa'yo na ang lahat minamahal kita pagkat, nasa'yo na ang lahat pati ang puso ko....
"ERICK! MAHAL KA DAW NI JIANNA!"
Bigla naman akong nagising sa pag iimagine ko nang marinig kong sumigaw si Stef. Ano ba to si Stef basag trip talaga. Tapos na palang kumanta ang Rubber Band. Agad kong hinatak si Stef palabas ng gym dahil baka mag iskandalo pa sya dun. Siguro naman walang nakapansin sa sigaw ni Stef, SANA, dahil kung meron NAKAKAHIYA! Pero muka namang walang nakapansin dahil malakas ang mga palakpak at sigaw ng mga tao sa loob ng gym.
"Grrrr. Stef bakit mo ginawayon?" Medyo napalakas na sabi ko kay Stef.
"Para mapansin kana ni Erick. Hahaha!" Tumatawang sabi ni Stef.
Nawala naman ang pag kainis ko. "Ay oo nga no. Sige sa susunod mas lakasan mo pa ha?" Pagsakay ko sa trip ni Stef at sabay naman kaming napatawa.
*--------*
Sana nagustuhan nyo po tong chapter na to. Maraming salamat po sa paghihintay, sa mga nagvote maraming maraming salamat po. Yung mga silent readers dyan vote nyo naman to haha <3 pero maraming salamat po talaga sa pag suporta. :D

BINABASA MO ANG
A Broken Destiny
RomansaIsa sa pinakamahirap gawin sa mundo ay ang magparaya. Pero pano kung ang pagpaparayang gagawin mo ay makakabuti para sa taong pinakamamahal mo? KAKAYANIN MO BA?