Chapter1: Firstday High

55 3 0
                                    

JIANNA'S P.O.V

"JIANNA GUMISING KANA LATE KANA!" sigaw ni mama sakin.

Hayyy ang aga-aga sumisigaw na si mama. "Wait lang ma 5minutes pa." sagot ko kay mama.

"Anong 5minutes ka dyan tignan mo yung oras 5am na ang bagal bagal mo kumilos!" sigaw nanaman ni mama sakin.

5am? Hala late na nga ako. Dalidali akong bumangon sa kama at pumunta sa kusina para kumain ng almusal.

"Tignan mo yung oras Jianna late kana. Anong oras ka nanaman ba natulog kagabi ha?! Bakit ang hirap hirap mo gisingin? alam mo bang 4:30 palang ginigising na kita? Firstday na firstday malelate ka!" Sermon sakin ni mama.

"Ma kumakain na nga po diba?" Mahinahon kong sagot dahil inaantok pa ako.

"Kumakain ka na nga pero ang bagal bagal mo. Bilisan mo dyan at maligo kana. Sasagot kapa. Hayyy pano na kaya kayo ng papa mo pag umalis na ko?" medyo huminahong sabi ni mama habang umiinom ng kape.

"Osige na aalis na ako ate aayusin ko na yung mga papeles ko. Mag ingat kayo ha? Goodluck sa firstday  of school." Sabay halik sa noo ko at dali daling umalis si mama.

"Opo ingat ka ma. I love you goodluck din po." Pahabol ko.

Pagtapos kong kumain  nagpahinga muna ako bago naligo. Napapaisip parin ako kung anong pwedeng mangyari ngayong araw na to. Sabi nila highschool life daw ang pinakamasayang parte ng buhay dahil dito mo mararanasan lahat. Sana nga tama sila. Kinakabahan na ko. Kasi saming magkakaibigan ako lang ang nakapasa sa East High o mas kilala sa tawag na E.H. sana may maging kaclose agad ako. Hayyy bahala na si Batman. 6:25 na nang matapos akong maligo. Omeged! Malelate na ko! Nagmamadali akong nagbihis at nag ayos ng kaunti. Nagsuot ako ng ribbon na headband at tumingin sa salamin."Ok na siguro to" sabi ko ng mahina sa sarili ko. Pagkatapos kong magayos umalis na ko sa bahay. 20minutes nalang malelate na ko.

....

Ako nga pala si Ma. Jianna Chua Madrid. Maputi, 5''2, straight ang buhok, sexy halos lahat na nga daw nasakin na. Firstyear highschool palang ako. NBSB ako at umaasa ako na ngayong highschool ko na makita ang destiny ko yung lalaking matangkad, gentle man, mabait, moreno, magaling maggitara at higit sa lahat matalino pag nakita ko na sya gagawin ko na talaga lahat mapasakin lang sya, naiingit na kasi ako sa mga kaibigan ko pagkasama nila mga boyfriend nila eh nakakaOP. Yung angsweet sweet nila tapos ako nakatingin lang sa kanila. May mga nanliligaw naman sakin pero wala nga lang tumatagal kasi sinusungitan ko daw sila. Ayoko naman sila sungitan pero pinipilit nila ako. Ayoko kasi ng may nangungulit sakin at ayoko ng may nanliligaw sakin. Masgusto ko kasi na ako muna yung magkakagusto sa lalaki para may thrill. Para sakin kasi easy to get ang mga lalaking nanliligaw.

....

6:45 na ng makarating ako sa school. Pumunta ako sa bulletinboard para tignan ang section ko.

I-Sapphire

Madrid, Ma. Jianna C.

.

.

.

Sapphire? Saan yun? Omeged malelate na talaga ako hahanapin ko pa room ko. Nagmamadali kong hinanap yung room ko. Kakamadali ko hindi ko na napansin ang dinadaanan ko at nauntog ako.

dugsh...

Ano ba yun? Ang sakit. Napaupo ako sa sobrang lakas ng pagkaka untog ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko para tignan kung sinong nabangga ko.

"Miss sorry, ok ka lang ba?" sabi ng lalaking nasaharap ko. Sabay alok ng kamay nya para itayo ako.

Omy grabe ang gwapo nya. Sya na ba ang destiny ko? Wait let's check. Matangkad?Check. Gentleman?Check. Mabait? Oo kasi nagsorry sya so check. Moreno?Check. Magaling maggitara? Hmmm siguro kasi may dala syang gitara sa likod nya. Matalino? Ewan pero ramdam ko sya na talaga. Ganto kasi mga napapanuod ko sa T.V. eh. Parang may naririnig akong angel soundeffect kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. tugdug-tugdug-tugdug.

"Miss are you ok?" tanong ulit ng lalaki. Saka ko lang namalayan na antagal ko na palang nakatitig sa kanya. Nakakahiya.

"Y-yes. I'm ok." pautal utal kong sagot sabay abot sa kamay nya.

"I'm really really sorry miss but I have to go." Sabi nya at nagmamadaling umalis.

Nakaalis na sya pero angbilis parin ng tibok ng puso ko. Hayyy sayang di ko man lang natanong pangalan nya. Nakatulala parin ako ng bigla kong naalala na malelate na pala ako.

"Hala malelate na pala ako" pasigaw kong sabi sabay takbo.

......

Tahimik lang ako habang iniisip yung lalaking nakabanggaan ko kanina nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Hi. I'm Stef and you are?" nakangiti nyang sabi sakin.

"I'm Jianna" naiilang kong sagot.

"Bakit parang kanina ka pa tahimik?" tanong nya ulit

"Wala pa kasi akong masyadong kakilala eh. Ako lang kasi nakapasa saming magkakaibigan dito." malumanay kong sagot.

"Ah ganon ba? Sige simula ngayon lagi na kitang sasamahan." nakangiting sabi sakin ni Stef.

"Sige thank you." nakangiti kong sagot kay Stef.

Maghapon kaming magkasama ni Stef. Wala kaming ibang ginawa kundi mag kwentuhan  tungkol sa personal naming buhay. Open na kami sa isat isa wala nang ilangan, pero di ko parin kinikwento sa kanya yung tungkol dun sa lalaking nakabungguan ko kanina.

Uwian na.

"Jianna dun muna tayo sa inyo." aya ni Stef.

"Huh? Anong gagawin natin dun?" tanong ko.

"Wala. Dun lang tayo tatambay. Ayoko pa kasing umuwi sa bahay eh. Please dun muna tayo." nagbebeautiful eyes pa si stef sakin na nakapagpatawa naman sakin ng bahagya.

"Sige na nga tara na." sabi ko sa kanya.

3:40pm na nangmakarating kami sa bahay nandun na si mama sala. Nilapitan ko sya para magmano. Nasanay na kasi ako na twing uuwi ako magmamano ako sa kanila ni papa.

"How's your day ate?" Tanong ni mama sakin.

"Ayun ok naman ma. Oo nga pala ma si Stef kaibigan ko. Sya lang po...."

"Goodafternoon po tita." sabat ni Stef. Hayyy na ko si Stef talaga.

Nakita ko namang napangiti si mama.

"Sige po ma dun muna kami sa kwarto ko." Hinatak ko naman si Stef papunta sa kwarto ko.

"Wow ang ganda naman ng kwarto mo Jianna." Manghang sabi ni Stef sakin.

"Maganda ka dyan ang kalat nga e." Sagot ko.

"Ay alam ko na!" Sigaw ni Stef with matching tayo pa.

"Ano nanaman yun?" Tanong ko na medyo natatawa.

"Dapat may tawagan tayo!" Excited na sagot sakin ni Stef. Pero nakatitig lang ako sa kanya kasi ako yung napapagod sa taas ng energy nya eh. "Huy tanungin mo naman kung ano daliiiii!" Tinulak tulak pa ko.

"Osige ano yun?" Matipid kong sagot.

"SIS! Simula ngayon sis na tawagan natin ha sis?" Pangungulit sakin ni Stef.

"Sige na nga s-sis." Medyo naiilang pa akong sabihin yung sis kasi ngayon lang ako nakaranas ng ganun.

"Yan!" Sigaw nanaman ni Stef.

Hayyy. Nako antaas taas talaga ng energy ni Stef. Pero sobrang saya ko na naging kaibigan ko sya.

*------*

Salamat po sa pag babasa ng A Broken Destiny. Sana wag kayong magsawa sa pagsubaybay :)

A Broken DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon