story2

5 0 0
                                    

LOVE STORY
Boy : Oh Dude?
Girl : Oh bro? musta ?
Boy : Ito inspired
Girl : Wow bakit ?
Boy : Kasi crush din ako ng crush ko. Girl : (Bigla
natahimik) Ah.. ganon ba? mabuti naman. (Tapos
pekeng ngumiti)
Boy : Ikaw Dude musta?
Girl : Ito masaya kasi masaya ang utol ko. (Sabay
gulo ni girl ng buhok ni boy)
Boy : Wag mo guluhin ang buhok ko may date pa
kami ni Crush mamaya.
Girl : (Biglang natigilan)Ah
ganun ba... Ayieee lomevel up kana ah. May pa
date date ka na.
Boy : Gusto mo sumama Dude?
Girl : Ako? Hahaha wag na baka maistorbo ko lang
kayo. Hehe...
Boy : Sige na sumama kana ng may magbabantay sa
amin.
Girl : Ano ako bodyguard n'yo? ayaw ko nga.
Boy : Sige na please... Please.. (Tapos nagpuppy
eye pa)
Girl : Hayss... sige na nga! kulit mo rin no!
Boy : Hahaha! Thank you. Thank you (At DATE)
Boy : Oh Dude nandyan na sya! Dyan ka lang ah.
Girl : Sige bro. GoodLuck
Boy : Wag kang aalis.
Girl : Okay (Sabay thumbs up) Lumapit si boy sa
crush nito. Naluluhang pinagmamasdan ni girl ang
taong mahal nya na may ibang gusto. Mahal nya si
boy pero hindi nya masabi sabi dahil baka masira
ang pagkakaibigan nila dahil lang pinairal nya ang
kanyang puso. Kaya nya tiisin ang sakit maging
masaya lang ito kahit pa sa piling ng iba. Maya
maya pa lumapit sa kanya si boy na may dalang
Cotton Candy.
Girl : Ano to?
Boy : Cotton Candy malamang. Haha ano ka ba.
Girl : Para sa akin?
Boy : Hindi para kay crush.
Girl : EH BAKIT MO IBINIGAY SA AKIN?! Hindi
namalayan ni girl na tumaas na pala ang boses
nya. Favorite kasi rin nya ang cotton candy kaya
nadismaya sya na hindi pala para sa kanyan ang
cotton candy.
Boy : Easy? Relax? Ipapabigay ko lang sana sayo
kasi na hihiya akong ibigay sa kanya.
Girl : Sorry...
Boy : Okay lang... Nabalitaan ko kasi na yan ang
favorite nya kainin t'wing pumupunta sya sa park?
hehe
Girl : Ayieee... Hindi ka lang pala admire, Stalker
ka rin pala. haha
Boy : Haha hindi ah. narinig ko lang yun.
Girl : Sige na ibibigay ko na sa kanya. Lumapit si
Girl sa crush ni boy pero bago paman makalapit si
girl sa crush ni boy ay may napansin syang papel sa
loob ng cotton candy. Ayaw man n'ya buksan pero
pinapatay sya ng curiosity nya kaya nabuksan nya
ito at binasa ang nilalaman. Napaiyak sya ng
mabasa ang nilalalaman ng sulat. "I LOVE YOU" ang
nakalagay nito. Naitapon nya ang cotton candy at
mabilis na tumakbo. Narinig pa nya na tinatawag
sya ni boy. Pumunta sya sa likod ng Cr yun
talagang walang taong makakakita sa kanya
habang sya ay umiiyak. Pero maya maya pa may
lumapit sa kanya si boy.
Girl : Bakit ka nandito? (Sabay punas ng luha)
Boy : Kasi sinundan kita. Bakit ka tumakbo? at
bakit ka umiiyak? ( Bakas sa boses ni boy ang pag
aalala)
Girl : Ah wala (Tapos ngumiti ng pilit)
Boy : Dude?
Girl : Bakit?
Boy : May gusto ka ba sakin?
Girl : (Biglang napaiyak) Wala.
Boy : Wala?
Girl : Wala akong gusto sayo dahil mahal na kita!
Boy : Hahaha
Girl : Sira! Inamin ko sayo ang nararamdaman ko
tapos tatawanan mo lang ako. Ang G*go mo! Aalis
na sana si girl ng yakapin sya ni boy mula sa likod
kaya natigilan si girl.
Boy : Ayiee ka ng Ayiee nasasaktan ka na pala.
Girl : (Napaiyak na naman si girl) Ang G*go mo
naman kasi!
Boy : G*go na kung G*go atleast mahal ka!
Natigilan si girl sa pag iyak dahil sa sinabi ni boy.
Girl : Anong sabi mo?
Boy : Hindi ka rin pala maganda... Bingi ka rin
pala.
Girl : Gusto mo makatikim?
Boy : Hahaha...
Girl : Kala ko ba sya ang gusto mo? May pa "I love
you I love you" ka pa sa sulat
Boy : Hindi ko sya gusto. At para sayo yun. Crush
ko lang yun at ikaw ang mahal ko. Kinikilig na si
girl. Maya maya pa pinaharap sya ni boy sa kanya.
Boy : Narinig mo ba ang sinabi ko?
Girl : Ha?
Boy : Ang sabi ko mahal kita.
Girl : Ha?
Boy : Isa pang ha? makakatikim ka na sa akin.
Girl: Bakit susuntukin mo ko? Boy : Hindi hahalikan
kita.
Girl : (Medyo loading ang pag iisip ni girl kaya sya
napa) Ha?
Boy : (Napangisi) Gusto mo talaga ah. Tapos
hinalikan si girl ni boy.
END

--ctto

SAD STORIES ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon