Chapter 9: The Royal Commitment

1.5K 151 67
                                    


Bas' POV

*late night

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Nabasag ang katahimikan dito sa salas dahil sa malakas na exclamation ko. 

Dahil d'yan ay agad na napatingin sakin si Kuya Cgame at Diko Oreo; nanonood sila ng primetime lakorn sa TV dito sa salas.

"Napano ka nanaman?" nag-frown sakin si Kuya Cgame. Halatang iritado sya dahil nadistorbo ko sya sa panonood.

"Shhhhh!" saway naman sakin ni Diko Oreo habang nginunguso si Baby Chips na natutulog sa kandungan nya.

"Sorry.." pabulong na sagot ko with matching peace sign sa kanilang dalawa.

Hindi na ako nagtangkang magpaliwang kung anong dahilan ng pagsigaw ko, agad na akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at doon tinuloy ang pagsigaw ko.

"Shit shit shit!!"

Para akong lintang inasinan ngayon dito sa kama ko habang tinititigan ang notification sa phone ko.

'M34nismind followed you on Instagram'

Tangina! Hindi naman ako nanaginip 'di ba?

Grabe talaga!

Akala ko tapos na ang mga blessings sakin ni Buddha noong maging ka-group ko si Kuya Mean sa film(filum) fest kanina pero hindi pa pala!

May pahabol pang pa-follow sa IG na ganap!

D'yos ko!

Hashtag blessedt at hashtag winner na talaga ang peg ko ngayon!

*Instagram: 1 message from M34nismind*

WTF?!

Hindi pa man ako nakaka-recover ay nagulantang nanaman ang pagkatao ko sa sumunod na notification.

Anue na po?!

Baka mamaya confession of love na ang message nya ha!

I swear, 'di ko na kakayanin!

Balak ko sanang mamaya na lang i-seen ang message nya para pakipot ang datingin pero natalo ako ng curiousity ko.

/opens the message

'Sawadee Nong'Bas. Kilala mo naman na ako 'di ba? Okay lang ba sa'yo kung i-a-add kita sa groupchat natin sa Film Fest?'

Ugh.

Medyo na-disappoint ako dahil hindi pala 'confession of love' yung message nya pero aarte pa ba ako?

Tinawag nya akong Nong'Bas and it's more than enough.

Hindi na 'strangers' ang status namin dahil may pa-honorifics na sya sakin. Ayieut!

'Okay lang po Kuya Mean. 😊 By the way, paano nyo pala nalaman 'tong IG account ko?'  i replied.

'Sinabi sakin ng mga kaklase mo. Ikaw na lang kasi ang wala sa groupchat natin.'

Medyo napangiwi ako sa reply ni Kuya Mean.

Akala ko naman nag-effort syang mag-isa na hanapin ang IG account ko.

Ang feelingera ko 'no? Well, may-K naman akong mag-maganda dahil maganda ako 'di ba?

'Ah okay po.' reply ko ulit.

Hindi na sya sumagot.

Naka-receive na lang ako ng notif na nailagay na nya ako sa groupchat namin.

Discussion about sa film fest ang nabasa ko nung i-open ko ang GC namin.

Na-kesyo kailangan daw nilang mga senior ang full cooperation naming mga juniors.

His Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon