Prologue

16.9K 356 283
                                    

Prologue

Era: After Hera decided to accept the Goddess's Offer.

Letter to: Hera and Clyde Firro

Letter from: Akira Windrox

Letter of Akira


Isinulat ko ito kasama ang aking asawang si Eris bago pa mangyari ang lahat.
Maaring wala na kayo ngayon at pinaniwalaan naming patay na kayo.
Isinusulat ko ito dahil nakikita ko ang pag-aagawan ng inyong mga anak sa trono kahit labag sa kanilang kalooban.
Unang una, humihingi ako ng kapatawaran sa inyo at sa mga susunod na siglo dahil sa pagtatago ko ng katotohanan. Inyong Kamahalan, sana ay mapatawad ninyo ako balang araw. Sinikap kong pang hawakan ang sikretong ito ngunit gumagawa na ng paraan ang mas nakatataas upang kusa kong gawin ito. Maaring mabasa niyo ito matapos ang ilang daan o ilang libong taon. Hindi ko alam kung kailan ngunit natitiyak kong mahahanap kayo ng sulat na ito kahit saan man kayo naroroon. Nais ko sanang isama ang lahat ng sikreto sa oras na ako'y maglaho ngunit tama ang aking mahal na asawa. Hindi ako mananalo laban kay tadhana at sa bathala. Kahit anong sikreto ay nabubunyag sa katagalan ng panahon. Kusa ko itong ibinubunyag ngayon bagaman ay natagalan.
Kung sakaling binabasa mo na ito makalipas ang isang libong taon o higit pa ay maaaring tapos na lahat. Tapos na ang kalbaryong ipinakita sa akin noon ni Rim. Alam ko na mabubuhay kayong dalawa sa iba't ibang lugar, iba't ibang pagkato at iba't ibang panahon. Alam ko kung bakit magkakaroon ng mga bagong mundo, mali, baka nga ngayon ay mayroon na nga.
Inyong kamahalan, nais kong ipaalam na kayong dalawa pa rin ang dahilan kung bakit mayroong limang bagong mundo. Ikaw mahal na Reyna ay may kakayahang bumuo ng mundo at ikaw mahal na Hari ay may kakayahang bumuhay rito. Maaaring mahirap intindihin ngunit hindi niyo namamalayan na kayo ang tunay na dahilan.
Ang inyong pagmamahalan ay nagbunga ng kambal na immortal upang mangalaga sa mga bagong mundo. Bukod pa roon ay hindi na kayo maari pang magkaanak muli.
Limang mundo ay magsisilbi anak niyo. Dahil nabuo ang mga ito dahil sa pagmamahalan ng dalawang itinakda. Kamahalan, ang ina at ama ay may layuning ayusin ang kanyang pamilya, at panatilihin ang pagkalabuklod ng relasyon ng magkakapatid.
Tama ang inyong iniisip. Ang pag-aayos ninyo ng limang mundo ay tungkulin ninyo at hindi para patunayan na kayo ang hinahanap nilang mga dakila dahil mula ng kayo ay isilang kakabit niyo na ang salitang dakila.
Alam ko na hindi talaga kayo namatay. Mahal na reyna, alam ko pong nakipagpalit ka sa light goddess bilang kapalit ng muling pagkabuhay ng iyong anak na babae at anak ni Emmy.
Ngunit alam kong tumakas ka kaya kayo nawalan ng ala-ala.
Alam ko na muling mabubuhay ang Panganay na Drashiere. Alam ko ring magpapakita si Myera.
Alam ko ang lahat ng mangyayari dahil kay Rim.
Pagkatapos ng digmaan ay napalitan ang lahat ng aming ala-ala. Buong akala namin ay patay na kayo.
Ngunit matapos ang kasal ng mahal na Reynang Generous ay lumapit sa akin si Rim at kanyang anak upang ipakita ang totoong nangyari at doon bumalik ang aking ala-ala.
Sa pangitain ni Rim, ako ang nakatakdang magsiwalat nito.
Sinusunod namin ang mga dapat na gawin sapagkat nangangamba kami na baka malihis ang nakatakdang mangyari sa inyong mga buhay. Maaring hindi na kayo makabalik sa Aither dahil sa sumpa ng palasyo. Ngunit ikinagagalak namin kung binabasa mo ito ngayon. Ibig sabihin ay nakabalik na kayo.
Isang pagbati. Maligayang pagbabalik.
Ngayon, Natapos na ang kalbaryo ngunit may mga susunod pa.
Habang binabasa mo ito ngayon ay kasalukuyang nang bukas ang mga lagusan sa pagitan ng mga tao at mundo natin.
Ang mga iyon ay nakakalat at hindi niyo malalaman kung kailan magbubukas. Ngunit , siguradong magsisimulang magbukas ang bawat isa at hindi niyo ito mapipigilan.
Hindi niyo ito maisasara ng basta o pilit man.
Ang nakatakda ay magaganap.
Huling sasabihin ko ay pakatandaan. Kamahalan, ang inyong nag-iisang apo ay immortal.
Darating siya sa oras na kailanganin niyo siya.
Makikita niyo siya sa ilalim ng asul na buwan. Nagkukubli sa isang bahay na hindi nakikita ng mata.
Nag-iisa at nangungulila.

Kamahalan, May tatlo akong liham para sa inyo. Narito ang una.
Kung mahahanap kayo ng dalawa pa ay labis kong ikakatuwa.
Sa paraang ito ko lang masasabi sa inyo ang mga ito dahil hindi kami immortal upang harapin kayong muli.
Sa ngayon ay hanggang dito nalang muna,
Nagmamahal,
Akira Windrox

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GENOVIA ACADEMY 4: The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon