1.

9.5K 99 3
                                    

"Tay mano po. Papasok na po ako sa trabaho. Pinagluto ko na po kayo ng almusal nyo." Nag-mano ako kay Tatay at hinalikan siya sa pisngi. Busy ang tatay sa pag-aalaga ng mga halaman niya. Iyon nalang kasi ang pinagkaka-abalahan niya mula ng iwan siya ng Nanay ko na sumama sa ibang lalaki.

"Mag-iingat ka anak." Ngumiti siya--- umamba siya na guguluhin na naman ang buhok ko kaya umiwas na ako agad.

"Sige na 'tay. Guguluhin nyo na naman po ang buhok ko eh."

Lumabas ako ng gate at naglakad na patungo sa may kanto para mag-abang ng masasakyan na jeep. Ganito ang buhay ko araw - araw. Tatlong taon na akong nagtatrabaho sa isang Real Estate Company na pagmamay-ari ng mga De Veyra. Isa sila sa pinakanamamayagpag sa larangan ng Real Estates. May halos 48 branches na sila sa buong Pilipinas. Isa din ang De Veyra Homes sa nagpayaman sa mga De Veyra. Mass housing kasi iyon, Murang Pabahay kumbaga. Layunin nila na matulungan ang mga mahihirap at mga nangungupahan na magkaroon ng sarili nilang bahay.

Nakita ko si Jace na papadating sakay sa itim niyang Ducatti. Tumigil siya sa harapan ko at inabot sakin ang isang helmet.

"Naabutan na naman kita." Inirapan ko siya. Ang sabihin niya talagang inaabangan niya palagi ang pagpasok ko.

Si Jace Constantino ay kababata ko, mula pagkabata magkasama na kami. Halos saulo na namin ang isa't - isa. Pati ata pag - utot niya alam ko na ang amoy. Katulad ko sa De Veyra Homes din siya nagtatrabaho bilang Engineer. Sabay kaming nag-apply at sabay din kaming natanggap noon.

Sumakay ako sa motor niya at sinuot ang helmet ko. Halos araw araw naman na inaabangan niya ako sa pagpasok simula nung binili niya ang motor niya ay sabay na kaming pumapasok. Pabor naman sakin iyon dahil nakakatipid ako sa pamasahe. Pangdagdag na din iyon sa pambili ng gamot ng Tatay.

"Dito nga sabi ang hawak.." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa bewang niya. "Aso ka ba? Bakit sa balikat ka kumakapit." Nakayakap ako sa bewang niya at nakasandal sa likod niya. Amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango. Ang bango talaga ng bestfriend ko!

Pinaandar na niya ang motor-----ako naman ay ninanamnam lang ang sandali. Bihira kasi akong magkaroon ng pahinga. Sa opisina kasi ay madalas busy kami, na halos pati sa bahay ay nagtatrabaho pa din ako para gumawa ng files, reports at kung ano ano pa. Nakakapagod. Pero wala ka naman magagawa, alipin ka ng trabaho. Kasi kapag mahirap ka, wala kang choice kundi tanggapin iyon at magtrabaho. Madalas kasi kung sino pa iyong may mahihirap na trabaho sila pa ang mga underpaid. Nakakalungkot lang isipin.

Hindi ko namalayan na nakadating na pala kami sa opisina. Bumaba ako at binalik kay Jace ang helmet. Sabay kaming pumasok, pero dahil magka-iba naman kami ng department ay naghiwalay din kami pagpasok ng building.

"Sabay tayo sa lunch ha?" Hinalikan ni Jace ang noo ko. Iyon ang palagi niyang ginagawa bago kami maghiwalay at magtungo sa kanya - kanya naming department. Kaya ang akala talaga nila ay mag - jowa kami. Wala tuloy nangingiming lumapit o magtangka sa akin. Pero okay na din iyon dahil wala pa din naman sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend.

Halos takbuhin ko ang distansya patungo sa elevator. Papasara na kasi iyon. Medyo matagal kasi ang elevator dito bumaba ulit.

"Gotcha!"

Napapdyak ako at nagsuper hero pose ng makapasok sa loob ng elevator. Ang galing mo talaga Andi! Da best ka talaga bakla!
Mukhang hindi makapaniwalang tumingin sakin ang isang lalaki na kasabay ko sa loob ng elevator.

His Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon