Maaga akong gumising kinabukasan gusto ko kasing makita ang sunrise. Bihira lang naman kasi akong makapunta sa dagat, naisip ko ang bucket list ko. Isa ito sa gusto kong ma-achieve ang makita ang sunrise.
Pino at puting puti ang buhangin ng Isla. Dahil alas sais palang ay kakaunti palang ang tao sa labas. Malamang tulog pa sila. Umupo ako sa buhanginan at tiningnan ang ngayon ay papasikat ng araw. Malamig pa ang simoy ng hangin dahil na din siguro maaga palang.
Isang linggo daw kaming mananatili dito sa Isla. Binigay sakin ni Ream ang isang black card para daw kung may gusto akong bilihin sa Isla ay iyon lamang ang ipakita ko. Isa pa may nilagay siyang Phone Tracker sa iPhone na binigay niya sakin. Segurista si bossing.
"Hey?"
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Isang lalaking nakatayo sa harapan ko ang nakita ko nakasuot ng rash guard na itim at may hawak na surfing board. Wari ko ay mas matangkad siya ng bahagya kay Ream. Medyo nakakahawig din siya ni Ream. Pareho ang built ng mukha nila, Hakab sa suot na rash guard ang katawan nito. Hindi siya gaanong kaputi, hindi din naman maitim. Tama lang ang kulay niya para sa lalaki. Matangos ang ilong niya at medyo chinito siya. Nakataas ang buhok niya na parang sinuklay lamang ng kamay. Napadako ako sa manipis niyang labi. Kagaya ng kay Ream mapula din iyin, pero ang nakakapagtaka ay hindi ko man lang iyon nakuhang pagnasahan hindi gaya pag nakikita ko si Ream.
"Are you dating Ream? Ream Ledesma?"
"Uh. Why?"
Ngumiti siya, mas lalong sumingkit ang mata niya. Binaba niya ang surf board niya at tinabihan ako.
"I'm his friend, Kaito Sagara." Inilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko naman iyon.
"Japanese ka?" Medyo curious ako dahil sa epilyedo niya.
"Yes. Half lang, yung tatay ko ang hapon. So tell me, are you dating him?"
"Bakit ka interesado?"
Tumingin siya sa dagat, tumingin din ako doon. Sumikat na ang araw. Ang ganda ng sunset. Napangiti ako nang makita ang unti - unting pagsikat noon. Hindi ko na namalayan na nakatayo na pala si Kaito.
"Goodluck and nice to meet you, He is complicated. He doesn't have good memories. Make his every moment memorable, Give him happy memories. I know you could give him that."
Napatanga ako sa mga sinabi niya. Bakit niya sinasabi sakin iyon.
"Bakit mo sinasabi sakin yan?"
"I don't know." Ngumiti siya at kinuha na ang surf board niya bago ako nilampasan.
Tiningnan ko nalang ang likod niya na papalayo hanggang sa hindi ko na siya makita. Tumayo na din ako. Babalik nalang ako siguro sa Mansion. Kinuha ko ang scarf ko at binalabal iyon sa katawan ko.
Pagpasok ko palang ay nakita ko na agad si Ream na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo sa my gilid ng swimming pool. Agad niyang binaba ang dyaryo nang mapansin niya akong nakatayo sa my pintuan.
"Breakfast is ready, saan ka galing?"
"Sa may dalampasigan lang."
Tumayo siya at lumapit sakin. Muli na naman niyang hinawakan ang kamay ko. Ito na naman ang puso ko, inaamin ko kinikilig talaga ako pag hinahawakan niya ang kamay ko. Pero syempre kailangan kong pigilin iyon. Bukod sa boss ko siya. Alam ko naman na langit siya at lupa lang ako. Sa teleserye lang nagkakagusto ang mayaman na bida sa mahirap na babae. Hindi naman kami si San Cai at Dao Ming Si.
"Sir Ream, pwede nyo naman po bitiwan ang kamay ko." Tumigil siya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.
"What did you just say?"
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kumunot ang noo niya pero hinayaan ko lang iyon. Hindi naman pwedeng gaanon may nararamdaman ako. Sa mGa ginagawa niya baka mamaya mahulog ako. Marupok pa naman ako. Umiiwas lang ako sa mga mangyayari. Ayokong malugi at umiyak sa huli. Nilampasan ko siya pero hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako.
"I like you."
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Tatlong salita lang iyon pero paramg niyanig niya ang mundo ko. Tatlong salita lang pero pakiramdam ko natunaw ako. Gusto niya ako. Tama ba kaya ang narinig ko?
"H-ha?" I faced him.
"I said I like you.." Medyo humina ang boses niya this time. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Nag - iinit ang pisngi ko. Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa mukha ko. Sigurado akong ang pula pula ng mukha ko ngayon.
"G-gusto mo ako?"
Bumitaw siya sa pagkakahawak sakin. Halatang naiinis dahil paulit ulit ako. Gusto ko lang naman maging malinaw ang lahat.
"P-pero----"
"No buts, let's enjoy while it lasts." Muli niyang pinagsiklop ang kamay namin at dinala ako sa kusina para kumain.
************
K
inagabihan ay magkahawak kamay kaming naglalakad patungo sa Pavillion ng Isla. Palaging may night party ang Isla. May mga nagfafire dancing doon at maraming tao ang nagsasayawan sa gitna. Typical party. Nagtungo kami sa stool ng bar at umupo doon. Nagulat ako dahil si Kaito ang Bartender. Kinindatan niya ako tapos ay nakipag fist bump siya kay Ream.
"Negroni man, and mango shake for her." Tumango si Kaito at nagsimulang iprepare ang drinks namin. Nakangisi pa nga siya at halatang nagyayabang habang nagpe-flair. Halos madami din kasing babae ang nakatingin sakanya. Halatang humahanga. May itsura naman kasi Kaito mas nakakadagdag ang appeal niya sa ginagawa niya lalo pa at mukhang mas ginagalingan niya dahil sa mga babaeng halos tunawin na siya sa paraan ng pagtitig mas malakas lang ang appeal ni Ream para sakin.
"Here." Inabot niya sakin ang Mango Shake na binili ni Ream.
"Hi there big guy, I miss you." Nagulantang ako ng biglang may humalik kay Ream sa labi. Hindi ko mapigilan ang masamid. Tinulak ni Ream ang babae kaya napaupo siya sa buhangin.
"What the fuck!" Inis na singhal ng babae.
Pero hindi man lang siya tinapunan ni Ream ng tingin. Tumayo ang babae at hinarap muli si Ream."Baby, I missed you." May halong lambing na ang boses niya at pumulupot sa braso ni Ream. Tumingin ako sa paligid. Wala silang pakialam. May kanya kanya silang mundo.
"I don't even remember you, will you please stay away from me." Inis na tumayo si Ream at hinatak ako palayo doon. Kita ko ang irita sa mukha ng babae.
Dinala niya ako sa tapat ng Mansion.
"Are you mad? I'm sorry."
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"
"Because she kissed me I guess?" Napatawa ako sa sinabi niya. So he thinks I'm jealous? So kapal ng face. Inirapan ko siya.
"Sa tingin mo type kita para magselos ako sa babaeng yon na parang coloring book ang mukha?"
Napatawa naman siya. Mas gwapo talaga to pag nakatawa.
"You are really different from the other girls, hindi sa pagmamayabang pero madaming nagkakandarapa sakin."
Napatawa ako sa sinabi niya. So magaling pala akong artista kasi hindi niya nahahalata na gusto ko siya.
"May taste kasi ako, ayoko sa fuck boy."
Nilapit niya ang mukha niya ng pagkalapit - lapit sa mukha ko, pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko sa hiya. Bahagyang dinampi niya ang labi niya sa gilid ng labi ko kaya lalong nanlaki ang mata ko. Ano bang ginagawa niya!
"Then I'll make you like me, or worst love me. You choose."
BINABASA MO ANG
His Bed Warmer
General FictionSumumpa si Andi na hindi siya kailan man iibig sa lalaking may asawa na. Galit siya sa mga babaeng walang respeto sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang pababain ng ganon ang mga sarili niya. Tila ba ay mauubusan na ng lalaki...