3.

5.5K 70 0
                                    

Halos isang buwan na din na boss ko si Sir Ream sa isang buwan na iyon naoobserbahan ko ang mga kinikilos niya. Madalas siyang late o kaya ay wala. Ang mga dapat sana na trabaho niya ay ako ang gumagawa! Kaya tuloy madalas ang overtime ko, kakaunti nalang ang pahinga ko. Pati nga linggo na dapat sana ay araw ng pagsimba ko ay nakokonsumo na din ng trabaho ko. Mapapabuntong hininga kana lang pag naiisip mo 'yon.

Katulad ngayon linggo at may pasok pa din ako. Dapat sana ay sisimba ako ngayon dahil first sunday of the month pa naman. Nakakainis talaga! Gumagawa ako ng mga reports para sa meeting bukas. Every Monday ang Board Meeting nila at dahil wala ang magaling kong amo ay ako ang palaging umaattend sa meetings. Nakaka'stress! Kailangan ko ng promotion! Chos! Napatigil ako ng pagtatype ng may nagsalita sa bandang likuran ko..

"Andi, come inside."

Nagdire-diretso si Ream papasok sa opisina niya. Iniwan ko ang ginagawa ko at atubiling sumunod sakanya papasok. Naabutan ko naman siya na nakaupo sa swivel chair niya.

"May kailangan po kayo Sir?"

"I said drop the 'sir'. He sounded like a boss. Well he's the boss actually. Nagkibit balikat lang ako.

"I need you to come with me." Pinagsaklop niya ang kamay niya at mariin akong tinitigan.

"Saan?"

"You'll find out. Pack your things, I'll fetch you around 6pm sharp." Pagkasabi ay tumayo na siya. Akmang lalabas na siya ng opisina pero nagsalita ako ulit.

"Paano ang trabaho ko kung aalis tayo? Isa pa gaano tayo katagal mawawala?"

"No more questions Miss Jacinto, If you want to keep your job, obey me and my rules."

Napanganga nalang ako sa ginawa niya. Inis na sumunod ako palabas. Nagtungo ako sa cubicle ko at inayos ang mga gamit ko. Naiinis talaga ako. Palagi nalang niyang ginagamit ang trabaho para mapasunod ako. Kung hindi ko lang mahal ang trabaho ko. At kung hindi lang siya gwapo!

Ano bakla may sinasabi ka?

***********

Saktong alas sais ng dumating ang isang Lamborghini sa tapat ng bahay namin. Parang gusto kong manlambot sa sobrang amaze sa kotse na sumundo sakin. Bukod sa ngayon lang ako nakakita ng ganito kagara na sasakyan. Feeling haba ng hair pa ako dahil sundo ko ito! Lumabas ang isang lalaki na nakasuot ng itim na polo shirt at pants, naka - cap din siya ng itim at naka aviators. Tinanggal niya ang aviators niya at sumalubong sakin ang kulay kahel niyang mata.

"Good evening Madame, I'm Jio, Sir Ream ordered to fetch you. Let's go?" Tumango ako sakanya tapos ay kinuha niya ang bag ko at sinakay sa kotse. Pinagbuksan niya din ako ng pintuan ng kotse bago siya sumakay.

"Nasaan si Ream?" I asked him.

"You'll find out, Madame." Ngumiti lamang siya sakin at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Ako naman ay nagfocus sa daan. Tumigil kami sa Ledesma Towers. Ngayon ko lang napagtanto na Ledesma nga pala si Ream. Malamang sila ang may-ari ng ibat-ibang subdivisions at condominium sa buong Asya. Pinagbukas ako ni Jio ng pintuan at binuhat ang gamit ko. Sumakay kami sa elevator at nakita kong pinindot niya ang RD, Ibig sabihin sa Roof Deck kami pupunta.

Bumukas ang elevator, sumalubong sakin ang malamig na hangin. Nakita ko ang isang Jet sa gitna ng helipad na may tatak na Ledesma Industries. At sa gilid non ay nakatayo si Ream.

He's wearing a black leather jacket. He certainly doesn't look like a multi-millionaire, billionaire, what-ever-aire, in these clothes. He looks like a boy from the wrong side of the tracks, maybe a badly behaved rock star or a catwalk model.

His Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon