💔💕Simula Ngayon💕💔

2 2 0
                                    

Simula ngayon
(Para sa mga nag move move on)

Simula ngayon, masanay kana ulit mag isa
Masanay kana ulit na gaya ng una.
Wag mo nang ipilit na meron pang pag-asa.
Tama nang  wala  sya
Simula ngayon wag munang iisiping ang salitang "ikaw"
Gaya ng sorbetes na nasayang at natunaw.
Simula ngayon ang byahe ng buhay mo
Ay patuloy na ulit na gumagalaw
Umiikot ang mundo
Hindi pa magugunaw.
Simula ngayon wag kanang mangarap na babalik pa ang dati
Dahil tapus na ang araw at humantong na sa gabi.
Wag mo nang naisin pang muli syang makatabi
O sumagi man sya  sayong munting guniguni
Dahil dpat kayanin mo nang wala sya.
Kayanin mona..kayanin mo na.
Simula ngayon Kayanin mo nang tumakbo at umahon
Sa pagkaka dapa kayanin mo ng bumangon.
Simula ngayon wag ka nang masasaktan,
 Wala na dapat sakit na mararamdaman.
Wag kanang umiyak.
Sayang lang ang luhang papatak.
Simula ngayon wag mo nang syang habulin
Pagkat tumakbo na sya nang matulin
Tama na ang mga alaala.
Dahil ang sagot sa mga ito
Hindi ka nya minahal, yun ang totoo.
hindi talaga na sya habang buhay mananatili
Maniwala kaman o sa hindi.
Kaya tama nang hindi mo na siya makita
Simula ngayon, sumuko kna,
Tama na...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hugot Lines Ni Ms.PandaWhere stories live. Discover now