Chapter 1 | First Day |

13 1 0
                                    





Alas-kuwatro pa lang ay gising na ako, ewan ko ba, ganto talaga ako pag unang pasukan ng klase, sobrang excited ako, pero pagdating din naman ng ilang linggo tinatamad na ako at walang palyang huli sa klase kase lagi akong tinatamad gumising ng maaga HAHAHA! excited  ako sa mga panibagong taong makakasalamuha ko.


Ako si Nicaella Villamore, 17 years old, may isa akong ex, gago eh hahahaha, bitter ba? Joke.

Masyado nang naging komplikado ang buhay ko dahil sa mga pagsubok na dumating sa akin at sa pamilya ko kung kaya't bilang ko lang sa kamay ko ang mga taong tunay na nakakaintindi sa pagpapalit palit ng mood ko sa tuwing inaatake ako ng anxiety at sa pagiging overthinker ko, inaamin ko na may pag ka amazona at masungit talaga ako kaya hindi ako basta basta nabubully at thankful naman ako dun haha!

Parte ako ng Taekwondo Varsity Team sa paaralan kung saan kasalukuyan akong nag aaral kaya't panigurado na hindi magiging madali ang panibagong taon ko dito, aral sa umaga, training sa gabi hay.

*beep*

From Faye:"HOY! Agahan mo ah! First day ngayon! Baka late ka nanaman! Dapat maaga tayo para maaga makasilay hihi"

Ayan na, nag text na ang pinsan kong si Faye, isa din tong excited eh, excited makakita ng mga gwapong lalaki  HAHA!

Kami ni Faye ay nagtuturingang parang magkapatid na kahit mag pinsan kami, sa lahat ng mga ka edaran namin na pinsang babae, kami talaga ang sanggang dikit at parehas ng mga trip sa buhay kaya nagkakasundo talaga kami bukod kay Ate.

Agad naman akong nagreply

"ona, excited ka lang sa pogi e"

Nag reply naman ang gaga
*beep
From Faye:"Waaaw, ang aga gumising, di ko ineexpect na mag rereply ka kaagad HAHA! Nagkahimala omg! Aga ah naks pers time"

Hindi ko na siya nireplyan at agad ng tumayo para mag ayos ng isusuot ko at dumiretso na sa CR ng kwarto ko at agad naligo.

Mga 30 minutes din akong naligo kase ang sarap magbabad sa mainit na tubig sa malamig na umaga, at feel na feel ko talaga yung ligo ko haha!


Matapos kong makapag bihis ng aking uniform at makapag ayos ay agad na akong bumaba, nakalanghap ako ng napaka bangong amoy na nagmumula sa niluluto ni Mommy sa kusina.

"Hi mom, sarap kumain, bango bango kagutom" sabi ko kay Mommy at agad naman siyang napalingon sa akin.

"Oh Nica, ang aga mo nagising ah? Heto nagluluto ako ng paborito mong adobo, tawagin mo na ang Ate mo sa taas para sabay-sabay tayong kumain at anong oras na rin baka mahuli din ang Ate mo" Sabi ni mommy habang tinitikman ang sabaw ng kanyang niluluto.

Si Mommy at yaya ang madalas na kasama namin sa bahay, si Daddy kasi ay isang engineer sa Australia, yearly siya umuuwi.


Siya ang nagtatrabaho para sa amin kaya ginagawa niya ang lahat para mapunan lahat ng gusto at pangangailangan namin.



Si Ate Louisse naman ay second year college, magkaiba kami ng University na pinapasukan ni ate kase gusto niyang pumasok sa University na specialized ang Medicine, gusto kase ni Ate ang mag doctor, unlike me, gusto ko ang pag be-bake, pangarap kong makapagpatayo ng sarili kong café.

Nagsimula naman na akong umakyat at pumunta sa tapat ng kwarto ni Ate na katabi lang ng kwarto ko.

Kinatok ko ang pintuan niyang nababalutang ng kung ano anong palamuting kulay pink.

She Lets Him Find HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon