Chapter 3 | Bestfriends |

3 0 0
                                    




Nica






Pagpasok ko ng bahay dumiresto agad ako sa taas, nakita ko sila mom at yaya sa tapat ng pinto ng kwarto ni ate.


"Nica, please talk to Louisse." medyo kalmado naman na ang itsura ni mom pero bakas pa rin ang pag aalala. Kumatok ako sa pinto.



"Ate? Si Nica to,please open the door, we're worried Ate, tell me what happen please?" Tumahimik ang silid ni ate, tanging pag hikbi lang ang maririnig, wala na ang tunog na nagbabasag.


Binuksan  ni ate ang pinto pero hindi siya lumabas, iniintay niya akong pumasok sa loob. Tumingin ako kela mom at naintindihan naman nila na ako lang ang gustong papasukin ni ate sa kwarto niya. Tinanguan ako ni mom.

Pumasok na ako sa loob, nakita ko si Ate na nakaupo malapit sa bintana at patuloy na umiiyak, gulo gulo ang itsura niya at pati na rin ang buong kwarto niya, may mga basag na kung ano ano. Napatingin ako sa kamay niya dumudugo ito, nilapitan ko agad siya. "Ate anong nangyari? Nag aalala kami sayo." Tumingin ako sa mga mata niya ngunit nakatungo lang siya at nakatingin sa duguan niyang kamay na dala siguro ng mga bubog na mula sa mga binasag niyang gamit. Tumingin siya sakin at niyakap ako, umiyak siya ng todo sa mga balikat ko, hinimas ko ang likod niya.

"Kung ano may yan ate iintayin kong sabihin mo saken, for now iiyak mo lang yan, nandito lang kami ate, nandito lang ako" nag aalala ako ng sobra ngayon kay ate, ganitong ganito rin ang inasal niya noong nagkaproblema siya at muntik ng magpakamatay.

"Nica I really don't know what to do anymore, hindi ko matanggap, hindi ko naman sinasadya Nica eh, hindi ko sinasadya" todo ang pag iyak ni ate habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Ate walang may gusto sa nangyari, hindi mo iyon kasalanan, kalimutan na natin ang nakaraan, alam kong mapapatawad ka niya." pinapakalma ko siya.

"Tahan na Ate, kung ano man ang nangyari kung bakit ka napauwi agad bukas mo na lang sabihin saakin, magpahinga ka na, sa kwarto ka na matulog, ipapalinis ko na lang muna kay yaya ang kwarto mo."

Tumango lang siya at sumunod saakin.

Hinayaan ko na lang na makatulog si ate sa tabi ko, malaki naman ang kama at kasyang kasya kami.
Kinabukasan, pag gising ko tulog pa si Ate kaya hinayaan ko na lang muna siya doon at bumaba na ako.










"Good morning Yaya" bati ko kay yaya, nadatnan ko siyang nagluluto "Ya, nasaan po si mom? Bakit hindi nagsabi na aalis?" Tumingin naman saakin si yaya at sinalin niya ang nilulutong hotdog sa plato .

"Nagmamadali nga si Melanie umalis kanina, ni hindi na niya nasagot ang tanong ko kung saan siya pupunta." Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Yaya, it's very unusual, hindi umaalis si mom ng walang pasabi, mag iiwan pa nga yun ng sticky notes sa ref, nakakapagtaka.

Hinayaan ko na lang, hmm ano nga bang plano ko ngayon? Wala namang pasok eh walang ding training.

*beep*

From Axle: Ahm hey? Wanna hang out? Miss u, we're still best friends right?

Oh ang puso kong tumibok nang kay bilis hay jusko, iba talaga epekto sakin ni Axle.


To Axle: U have girlfriend Axle, stop texting me.

*beep*

From Axle: So what? Ure my bestfriend, I'll make time for u.


Hindi ko na muna nireplyan si Axle, motibo nanaman or baka ako lang nagsasabi sa sarili ko na ganon HAHAHAYS.

We've been bestfriends since first year, At first I didn't like him, aksidente lang ang pagkakakilala namin, naalala ko pa noon ang una naming pag kikita, I really didn't expect na mamahalin ko siya ng sobra sobra.

17 years old, funny right? Hahaha.


Siya lang naman kase yung gagong nagbato saakin ng plastik na butas na may laman na ketchup, although hindi siya intentional na saakin tatama, syempre hindi ko yun papalagpasin, birthday na birthday ko non tapos maliligo ako ng ketchup? Fuck that. Edi sinugod ko siya non nyahaha, natuwa naman ako kahit papaano kasi nagsorry siya at nag effort pang bilhan ako ng damit ng araw na iyon, simula noon I considered him as a friend.

We share the same interest, sa music sa mga trip sa buhay kaya naging mag bestfriend kami at sa paglipas ng mga araw na napapadalas yung pagsasama namin, as expected nahulog ako, para kase kaming linta sa isa't isa kaya hindi maiiwasan.

Pero dumating yung time na nahulog na din siya sakin, and that was last year, pero nagkaproblema kami, he said that he can't be my boyfriend, that's all, lahat ng pangako nasira ng dahil lang sa dahilan niyang yan, wala na siyang iba pang sinabi bukod duon kaya sobrang sakit, walang kwenta diba? he broke up with me last 3 months, and yea ngayon na lang kami nag ka-usap at sa text pa.

Ni hindi ko nga dinelete number niya, kasi I'm still hoping.


Hays tamang throwback nanaman eh. Tama na nga Nica !
Yayain ko na lang si Ate mag mall ngayon, para makapagchill si ate sa nangyari kagabi.


Tinapos ko na lang ang pagkain ko at umakyat na ako sa taas, pagdating ko ng kwarto ko tulog pa din si Ate, tinabihan ko siya at inayos ang kumot niya.

"Please be strong Ate, i know you'll get better." I said while kissing her forehead.

She Lets Him Find HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon