Chapter 2 | Open Try Outs |

15 1 1
                                    




Nica



"Aaaaah!"

sigaw ko dahil napasukan ako ng turning kick sa body armor.

Kasalukuyan akong nagte-training ngayon ng Taekwondo sa gymnasium ng University, ka sparring ko ngayon ang teammate kong si Chad kahit study sparring lang nasaktan pa rin ako, lalaki kaya ka-sparr ko.


Bakit naman kase lutang na lutang ako ngayon, nakita ko lang kanina yung profile picture ni Axle naging ganito na yung mood ko, ugh fuck mood swings.


"Okay ka lang Nica? Wala ka sa sarili mo"

sabi ni Chad nang matapos ang two minutes sparring namin.


"Oo okay lang, gutom lang siguro to, mag 6pm na rin kase eh." Sabi ko sa kanya sabay inom ng Gatorade.

"Sabagay ako rin gutom na, sige na uuna na ako, iniintay na ko ng pinsan mo, kailangan ko bumawi dun, LQ kami kahapon eh, kahit pagod ako magde-date kami." sambit ni Chad, ganyan siya ka-consistent sa pinsan kong si Faye, kaya botong boto ako dyan eh, at tsaka kababata namin si Chad, at siya talaga ang pinaka close ko sa teammate kong lalaki.


Nagpaalam na saken si Chad at umalis, sakto naman na nag text na si Ate Louisse.


From Ate Panget: Hey, r u done? Nasa parking lot ako, reply.



The best ate to si ate eh, kahit lakas ng topak hindi pa rin ako pinapabayaan, neutral na lang talaga yung pagiging pala asar at sungit niya, kahit mortal enemies kami alam kong mahal na mahal ako niyan


To Ate Panget: Yea I'm done, otw na diyan.



Naglakad na ako papuntang parking lot at natanaw ko na nga ang puting Ford Everest ni Ate at kitang kita ko ang nakabusangot niyang mukha habang nakasandal siya sa pintuan ng kotse niya.


"What took you so long?!" Inis niyang sabi sabay pasok sa driver's seat, di ko na lang siya sinagot baka dinatnan eh mahirap na HAHAHA!

Dumiretso  na lang ako ng upo sa shotgun, nag earphones na lang ako, nakakalma kase ako pag nag sosoundtrip, tinignan ko si Ate at seryoso lang siyang nag da-drive, pumikit na lang ako.


Naramdaman ko ang pag hinto ng kotse, pagdilat ko ay nasa tapat na kami ng bahay namin. Pagpasok namin ng bahay ni Ate, agad sumalubong sakin ang aso kong si Milk, isang puting poodle.



"Hi Milk! You miss your momma don't you huh?" namiss ko din tong aso ko, nawawalan na kase ako ng time para sa kanya, busy kase ako lagi sa training at sa gym last week.


Kinahulan ako ni Milk at dumikit dikit sa paa ko, hay miss na nga ako ng aso ko, binuhat ko siya papuntang sala at nadatnan ko si Mama na nanonood ng TV habang kumakain ng paboritong pistachios.


"Hi mom" sabay kiss kay mommy, ganon din ang ginawa ni Ate.


"Nica kumain na kayo ng Ate mo dyan sa kusina, may niluto akong Kaldereta diyan at nag order ako ng pizza"

saktong pagkarinig ko kay mom ay naramdaman ko na talaga na sobrang gutom na ako. Dumiretso na ako sa kusina at naghain para sa aming dalawa ni Ate.


She Lets Him Find HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon