Tuwing umaga ika'y napapadaan
Naglalakad habang ako'y tinitingnan
Mapapailing sabay ako'y ngingitian
Ako'y ngingiti rin at patuloy kang susubaybayanNaalala ko noong Lunes
Sabay tayong kumakain ng sorbetes
Nagkekwentuhan na tila'y magkapares
Akala ko'y mauulit pa ito ng ilang besesNaalala ko noong tayo'y nagkasama
Ang tula na ginawa para sayo ay iyong binasa
Ayaw mo pang umalis dahil ako'y walang kasama
Sinamahan mo ako hanggang dumating ang aking barkadaNaalala ko sa tuwing ako'y iyong sinasabay
Nakahawak sa balikat mo ang aking mga kamay
Aking damdami'y masyadong palagay
Sa tuwing malapit sayo'y ako'y tila nagkakabuhayNgunit ngayo'y nauwi tayo sa ganito
Namimiss ko na ang mga ngiti mo
Mga tawa mo sa tuwing inaasar nila tayo
Yung mga panahong sinasabi mong gusto mo akoNamimiss lang kita
Pero tanggap kong wala na talaga
Kasi pagmamay-ari ka na ng iba
Kailanma'y hindi ka na magiging akin pa*****
YOU ARE READING
Inner Thoughts
PoetryThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...