Hindi ko mawari kung kailan nagsimula
Ang alam ko lang ay nagustuhan ka na lang bigla
Nalunod sa mga mata mong kay sarap titigan
Nahulog sa mga ngiti mong aking kinahumalingan
Ngunit ang nadarama'y kailangan kong pigilin
Sapagkat tayo'y hindi pwede
Dahil tayo'y matalik na magkaibigan
Isang bagay na hindi ko kayang talikuran
Marahil tayo'y lumagpas sa linya ng pagkakaibigan
Nagpakasaya sa piling ng isa't isa
Binalewala ang sasabihin ng iba
May label man o wala, basta tayo ay masaya
Sa iyong pag-alis patungo sa malayo
Napag-alaman ko na sobrang halaga mo
Presensya mo ang hinahanap hanap ko
Ngiti at tawa mo ang namimiss ko
Subalit aking napagtanto na ayaw kitang mawala
Pipiliin ang daan kung saan tayo tatagal
Kahit mahirap ay kailangan makuntento
Ang kalimutan ang nadarama ay aking layunin
Alam kong ako'y mali
Paglimot sayo ay aking minamadali
Pinipilit kong hanapin ka,
Sa halik ng iba.
Marahil natatakot ako
Natatakot na kagaya ng iba,
Mabilis lang matapos at mawala
Kahit sinabi mong hindi mangyayari yon at mananatili ka
*****
YOU ARE READING
Inner Thoughts(COMPLETED)
PoetryThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...
