Complicated 4

41 4 0
                                    

Disclaimer: All names, character, scenes and places are just fictitious. And sorry for the inconvinience.

Feel

SEAN

Medyo hapon na kaya ito naghahanda na kami ng pagsara dahil maaga talaga kami kung magsara. Iniisip ko kasi itong sila Xian at James. Syempre may mga assignments din sila na kailangan tapusin. Ngayon nga wala silang pasok kaya naka wholeday sila. Pero kadalasan kapag vacant lang sila pumupunta dito sa mini stop. Pag umaga si Xian ang katulong ko at pag hapon si James. Magkaiba kasi ang sched nila. Pareho silang HRM sa St. Nicholas University - ang school kung saan din nag aaral ang bunso ko at si Kiro.

Kanina pa ako nagpupuyos sa galit dahil sa lalaking yon. Bwesit na bwesit talaga ako. Akalain mo yon? Siya na nga ang nangbastos tapos siya pa ang may ganang magalit?!

Naku kung wala lang may nagtanong sa akin kanina na customer kung nasan ang toothpaste di ko siya titigilan. Makakatikim talaga siya ulit ng mabayag. Hahaha

"Boss sino pala yon?" Tanong ni James sa akin.

"Sino?" Tanong ko kay James.

"Yong lalaki na customer kanina na naka away mo. Nakalimutan ko lang tanungin kasi medyo na busy tayo kanina." Patukoy ni James doon sa kaaway ko.

"Ewan ko kung sino yon." Sagot ko kay James na may bahid na galit ang tuno. Di ko na inalamg ang pangalan non at wala talaga akong balak na alamain ang pangalan ng gagong yon dahil galit na galit talaga ako sa kanya.

"Galit na galit boss?" Tanong ni Xian sa akin habang nagbibilang ng pera. Nag desisyon na kasi akong magsara kasi 6:30 na. 7 pm ang closing time namin.

"Kulang ang galit na word on how to decribe my grudge on him." Naku kung di lang masama ang pumatay kanina ko pa siya sinaksak ng gunting tapos pinasagasaan kanina sa kalsada.

"Ang pangit-pangit niya! In and out!" Medyo oa kong segunda.

"Uy di naman boss. Gwapo kaya ang mamang yon. Tapos makinis parang ang yaman. Tapos ang hot kaya niya." Depensa naman ni Xian.

"Para siyang model. Alam mo yon boss titig palang mabubuntis ka na?" Naku naman. Ganyan talaga si Xian pag kami lang dalawa lumalabas ang kalandian. Minsan din kasi pag may gwapong customer, pinag uusapan din namin ang cutomer na yon. Kaya dalawa kaming malandi. Haha

"Uy! Uy! Baby Xy ha. Ganyan ka pala? Kala ko ba ako lang?" Tampu tampohan na sabi ni James kay Xian.

"Tumigil ka nga diyan James may ginagawa ako. Pag ako na short, ikaw papabayadin ko." Saway naman sa kanya ni Xian sabay tanggal niya ng kamay ni James sa balikat niya.

"Oh sige basta ihahatid kita sa apartment mo." Offer sa kanya ni James.

"Wag na. Kaya ko nang maglakad mag isa. At tsaka diba may girlfriend ka? Bkit di yon ang ihatid mo?" Pagtanggi ni Xian sa kanya.

"May kotse naman yon. Kaya ikaw nalang ang isasakay ko sa motor ko. At saka ayaw mo yon? Makakatipid ka sa pamasahe?" Pagpi pilit ni James kay Xian.

"Bahala ka." Pagsuko nalang ni Xy.

"I'll that as yes." Sabi ni James na may tono ng excitement.

Habang nag aayos ng iba ko pang gamit biglang tumunog ang cellphone kaya sinagot ko kung sino ang tumatawag.

"Oh ano naman kailangan niyo?" Bungad ko agad sa kanila dahil alam ko naman na nasa loob sila ng kotse nila tapos naka loud speaker ang cellphone ng isa sa kanila.

"Hi beshywap!!!" Sabay na sabi nila.

"Babaitang maganda musta ka na?" Tanong agad ni Miky.

"Balita naman diyan. Alam mo ba palagi kang hinahanap sa akin ni sir Alexander". Sabi naman ni Mika.

The Playboy Magnet Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon