Hi po! This is my first story so please bare with some inconvinience. And I thank you!! Hahaha
SEAN
"Paps yong brief ko nasan na?" Tanong sa akin ng pangalawa kong anak na si Kiro habang ako ay naghahanda ng kanilang agahan. Kahit na may katulong kami ako pa rin ang naghahanda ng kanilang agahan kasi mas gusto ng mga babies ko na ang mga luto ko ang matikman nila bago sila pumasok sa kanilang agendas sa buhay.
"Baby andun na sa loob ng cabinet pakitingnan nalang naghahanda pa si papshie". Balik sigaw ko kay Kiro kasi sure naman ako na nasa taas na siya.
"Good morning paps!". Bati sa akin ng bunso ko na si Kaey. Siya ay isang highschool student dito sa amin. Nasa Grade 8 na siya ngayon kaya medyo dalagita na itong baby ko.
"Morning papshie!" Bati sa akin ng akin ng panganay kong anak na si Keanna. Isa na itong empleyado sa isang sikat na construction company dito sa amin. Marami na ang nanliligaw diyan kasi nga ang ganda ng anak kung to. Syempre mana sa mom este sa papshie niya.
So yon nga may tatlo na akong anak dalawang babae at isang lalaki. Isa lang sa kanila ang tunay kong anak, si Keanna. Ang ina niya matagal nang patay dahil sa sakit. Nabuo si Keanna kasi nga nong hingh school pa ako medyo pasaway kaya ayon dahil sa kalasingan nakabuntis ng babae. Pero before namatay ang mommy ni Keanna na si Miya ay naging mabuting ina naman ito sa kanyang anak at mabuting kaibigan naman sa akin. Dahil sa pagkamatay ni Miya kaya naiwan sa akin si Keanna ayaw ko naman na maiwan si Keanna sa asawa ni Miya dahil medyo hindi kami nun magakasundo at grabe kasi kung makatitig kala mo lulunukin ka.
Sina Kiro at Kaey naman ay mga anak ng aking kapitbahay doon sa probinsya. Kaya napunta sa akin si Kiro at Kaey dahil pumunta sa ibang bansa ang ina ng mga ito kaso nga lang hindi na nito binalikan ang mga anak nito. Ang balita ko naman is nakapag asawa na ito doon sa ibang bansa.
"Kiro baba ka na diyan wag mo nang pag antayin ang grasya pati na din kami. Lalamig na ang pagkain". Sigaw ko kay Kiro. Sa mga anak ko itong si Kiro ang pinakamatagal mag ayos. Nangangamba nga kasi ako dito sa lalakeng to kasi napaka babaero minsan nga nong wala kami ng mga babae dito nagdala daw ito ng babae dito sa bahay. Sabi ng isa kong katulong na si Rose. Sinabi ko nga sa kanya noon na baka karmahin siya. Sagot naman sa akin "Paps hindi pa nabubuhay ang taong magpapataob sa gwapo mong anak."
"Good morning Papshie!". Sabi at sabay yakap sa akin ni Kiro habang papunta sa kusina. Si Kiro ang pinaka malambing sa mga anak ko kaya nga lapitin ito ng mga babae.
"Ah Papshie sa sunod na araw may outing kami ng mga friends ko". Sabi ni Keanna
"Kami din Paps may outing din!". Masiglang sabi ni Kiro sa akin habang nagsasandok ng kanin.
"Sino kasama mo sa outing niyo?". Tanong ko kay kiro.
"Sina Kean at Lance Paps. Overnight lang sa beach ni Kuya Jon Paps.".
"Ayieeeee". Sunod na kantyaw ng mga anak ko pati na rin Concha. Si Rose kasi, ang isa ko pang katulong, nasa garden di pa tapos magdilig. Si Jon Mala Swerte kasi ang kuya ni Lance na may ari na ngayon ng MS Waves - ang beach kung saan mag oovernight sina Kiro. Isa ito sa pinaka makulit na tao na nakilala ko. Kinukulit kasi ako nitong sagutin ko na daw siya kasi nga nanliligaw "daw" siya sa akin.
Di ko nalang pinapansin kasi nga kilala tong babaero at manoloko. Sino ba naman ang manliligaw sa isang katulad ko?
Though ligawin naman talaga ako, di sa pagmamayabang, nong high school ako. Kaso di ako nagkaroon ng boyfriend manlang kasi may isang isang taong hadlang. At ayoko kong bangitin ang pangalan niya."Ay nako sige basta Kiro ha wag puro pasaway. Iwasan wag masyado magpaka lasing ha alam mo naman ang kinalabasan sa akin nong nalasing ako. Buti nalang maganda to si ate mo kaya no regrets si Papshie.". Sabi ko kay Kiro.
BINABASA MO ANG
The Playboy Magnet
Roman d'amourSi Sean Ventura ay isang mabuting ama ng kanyang tatlong anak na sina Keanna Ventura, Kiro Ventura at Kaey Ventura. Siya ay mabait, maalalahanin, at supportive na ama para sa kanyang tatlong anak kung kaya mahal na mahal siya ng mga ito. Ano kaya an...