Complicated 5

50 5 2
                                    

Disclaimer: All names, characters, scenes and places are just fictitious. And sorry for the inconvinience.

Flirty

SEAN

Bigla akong nahiya nang malala ko kung sino itong lalaking nasa harapan ko. Siya yong sinasabi kong DJ!

"You remembered it?" Tanong ni Malcolm nang mapansin niya na medyo nahiya ako sa kanya.

"Ano ba ang meron sa inyo? One night stand?" Tanong ni Miky sa amin.

"Oo nga." Sang ayon naman ni Mika. Halatang naguguluhan na nga ang mga kasam ko.

"No. Sort of." Malcolm smirked.

"What do you mean bro?" Tanong sa kanya ni Marlon.

"You remembered what I said to you bro about a cute guy who asked me to go to my place and make out, last year. Christmas celebration of this bar remember? Its him!" Ang mahabang paliwanag ni Malcolm sa kaibigan.

"Oh really? Thats him? Now I understand why you almost do him in the dance floor kung hindi lang dumating ang girfriend mo. Haha." Halatang gulat na sabi ni Marlon.

Dahil sa narinig ko parang gusto ko nalang umalis. Narealize ko naman ang kawalang hiyang ginawa ko dati. Kaya dahil sa hiya di ako tumabi kay Malcolm, instead, kay Miky ako tumabi.

"Sino sa atin ang mas malandi? Kung makabintang ng malantud akala mo crystal clear eh no? Eh galing ka lang naman pala sa poso negro gaya ko." Kantyaw sa akin ni Miky.

"Tumahimik ka nga bakla!" Sabi ko nalang.

"Huy bakla pag yan di sumayaw mamaya lagot ka sa akin." Pag kampi naman ni Mika sa akin.

"Anong konek? At tsaka kung makabakla eh 30 seconds lang ang tanda mo sa akin uy." Pang iinis naman ni Miky.

"Ay nako ikaw talaga sissy ha." Sabi ni Mika.

"But anyways, enjoy na lang tayo para makarami ng matitirang mga lalaki este bote!!!" Pag joke naman ni Miky.

Nagtawanan nalang kami dahil sa kabaliwan ni Miky. Ang landi talaga ni bakla. Pag may dumadaan na lalaki lalo na kung gwapo jusko tinatanong kung pwede ba daw silang mahalikan. At in fairness ha wala pa naman sa kanyang may nag refuse ang iba nga sa lips. Pero ang mas nakakagulat eh yong lalaking dumaan na halos mag make out na silang dalawa sa harapan namin! Jusko kung di lang nagtext ang gf nung lalaki na parating na siguro nagka hubaran na ang dalawa sa harapan namin. At nakuwa pang kunin ang number ni Miky ha. Ayaw paawat eh.

"So may proof na talaga kung sino ang mas malandi? Baklangto!" Ang nasabi nalamag ni Mika.

"Nekebe mensen leng te." Sabi ni Miky sa malanding tuno.

"May gf na yon!" Sabi ko.

"Di naman malalaman. It will be just our little secret." Depensa naman ni bakla.

"Hay naku tumigil ka masama yan." Saway ng kakambal niya.

Nang tumagal na at medyo marami na ang nainom medyo nagka gaanan na ng loob at medyo nawala na din ang hiya ko kina Malcolm at Marlon.

"Hi." Unang bungad sa akin ni Malcolm.

"Hey." Casual kong sabi.

"I just want to apologize if I made you embarassed a while ago. I didn't mean to embarass you. I'm just, you know, a little bit supprised that we meet again since the day you, you know, want to.. you know." Paliwanag niya habang naghahanap ng less offensive word na sasabihin.

The Playboy Magnet Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon