CHAPTER 11 (Meet His Parents Part 1)

9 1 0
                                    


"Ano bang sasabihin mo Clyde?" tanong ko sa kaniya, nandito kami ngayon sa labas nang school dahil ayaw niyang may-istorbo sa aming pag-uusap, "uhhmm,puwede ba kitang ipaki-" di na natapos ni Clyde ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumulpot sa gilid ko si Lame na matalim ang titig kay Clyde.

"Ella,isasama kita ngayon sa bahay namin at ipapakilala kita ngayon sa mga magulang ko" diretsong sabi ni Lame habang nakatingin kay Clyde na nakanganga.

"Cl-Clyde, ano nga ulit-" pinutol agad ni Lame ang sasabihin ko, "pumunta ka na sa kotse at mamimili pa tayo nang damit para sa susuotin mo mamaya", tumingin ako kay Clyde na pagpasensyahan na niya si Lame.

"Hindi naman ata makatarungan iyang ginagawa mo Lame, dalawa tayong manliligaw nitong si Ella kaya sa ayaw o sa gusto mo ay magkakaroon ka nang karibal kay Ella" sabi ni Clyde kay Lame na may diin. "In the First Place ako ang naunang manligaw kay Ella kaya sa ayaw at gusto mo ako ang may karapatan kay Ella" sabi niya kay Clyde at hinila na niya ako paalis sa harap nito.

"ano ba yung ginawa sa'yo nung tao at bakit ganiyan ka umasta Lame,wala naman siyang ginawa iba?" tanong ko sa kaniya na naiinis, "meron siyang ginawa kaya ganyan yung asta ko sa kaniya, dahil sinusubukan niyang kunin ang taong mahalaga sa akin" sinabi niya iyon nang nakatingin sa labas nang kotse,napatahimik nalang ako sa sinabi niya at maya-maya ay ipinaandar niya yung kotse.

halos magkakalahati nang oras pero wala paring nagsasalita sa amin kaya bago pa mapanis yung laway ko ay nagsalita na ako, "are you mad?" tanong ko sa kaniya, "yes,i'm mad pero hindi sa'yo kay Clyde" sagot niya,bago pa magkaroon nang part 2 yung away namin kanina ay iniba ko nalang yung usapan.

"biglaan naman yung pagpapapunta mo sa akin sa bahay niyo, atsaka hindi pa ako handa ma meet yung parents mo Lame, kinakabahan at natatakot ako" mahabang sabi ko sa kaniya. "don't be scared i'm here, at wala namang gagawin na masama sa iyo ang mga magulang ko they just want to meet you" sabi niya napatago nalang ako at tumingin ulit sa labas nang bintana, hanggang sa makarating kami sa mall.

pumunta kami sa isang botique para bumili ng mga damit na susuotin ko. "GOOD DAY sir" sabi niya kay Lame, nilagpasan lang siya nito kaya napatawa ako, biglang tumingin sa akin yung Sales Lady at tinaasan ako nang kilay, "buti nga sa'yo hahha" mahinang sabi ko sa kaniya sabay Flip ng hai at pumunta sa tabi ni Lame. Halatang nainis yung Sales Lady kaya umalis ito sa puwesto niya.

Lumapit si Lame sa isang babaeng matangkad at nagulat nalang ako nang bigla siya nitong yakapin at halikan sa pisnge nakaramdam inis kaya tumalikod ako lalakad na sana ako palabas nang shop nang tinawag ako nang babae, "You're Ella, right?" tanong niya, humarap ako sa kaniya ,"Yes, I'm Ella" pagkasabi ko nung pangalan ko ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

"so, ikaw pala yung nililigawan nang pinsan ko" masaya niyang sabi, nagulat nalang ako sa sinabi nagkaroon tuloy ako nang guilt dahil sa inasta ko kanina, "oo, ako nga" sabi ko in awkward tone tsk. biglang may umubo sa likod niya kaya napatingin ako duon at nakita ko si Lame na nakatingin sa kaniyang relo at halatang naiinip na at napansin din ito nang kaniyang pinsan kaya kumalas na siya sa kaniyang yakap.

"Ella this is My cousin Emely and Emely this is Ella" sabi ni Clyde. "I know right, kilala ko na siya dahil lagi mo siyang kinukwento sa akin" sabi ni Emely sabay taas baba nang kaniyang kilay. dahil sa sinabi iyon ni Emely ay nakaramdam ako nang hiya. "Don't be shy, alam mo ba na ikaw palang ang unang babaeng ipinakilala sa akin ni Lame bukod kay --" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nung biglang nagsalit si Lame, "sa susunod na iyang chikahan niyo,Emely kailangan niya nang masusuot na damit para mamaya ikaw na ang bahala sa kaniya" sabi niya at tumango lang si Emely.

"I will wait for you outside" sabi niya tumago nalang ako bilang sagot. si Emely pala ang may ari nang shop na ito, regalo daw ito sa kanya nung nag Debut siya tarreeeyy...

Ang dami niyang pinasukat na damit sa akin pero lahat sa kanila ay hindi kasiya sa akin sabi niya kung gusto ko daw nang mga damit na ito ay magbawas daw ako kahit ilang kilo.. halos mapunit na yng mga damit na pinapasukat niya sa akin, habnag naghahanap kami nang isusunod kong isusukat ay may nakaakit sa panigin ko dahil pastel color siya, dress siya na above the knee and may belt na may disenyong ribbon, habang tinitignan ko yung dress y nagsalita si Emely sa likod ko, "gusto mo yan?" tumingin ako sa kaniya at tumango kinuha niya yung dress at pinapunta na niya ako sa fitting room.

"You're so Beautiful Ella" sabi niya at pinaikot niya ako sa harap niya,"thank you"pagpapasalamat ko,"i'm sure magugustuhan iyan ni Lame,but kailangan muna kitang ayusan" at pumunta kami sa isang kwarto na kung saan ay nakalagay ang kaniyang mga make-ups and accesories, pagkapasok ko pa lang tumambad agad sa akin ang isang malaking salamin at kasunod noon ay isang shelf na kung saan nakalagay ang iba't-ibang uri nang accesories.

"ang ganda"bulalas ko, "i know" sabi niya at saka hinila niya ako at pinaupo sa isang upuan. ang dami niyang ginawa sa akin lalo na sa buhok ko hindi niya talaga tinigilan hanggang sa maging straight ang buhok ko at sinunod naman niya ang mukha ko nalula ako sa dami nang make-ups na nasa harapan ko.. "ilalagay mo ba lahat nang yan sa mukha ko Emely?" tanong ko sa kanya, "ofcourse not,mamimili lang ako nang ilang make-ups na fit sa shape ng mukha and kulay nang balat mo para PERFECT!" paliwanag niya kaya nakahinga ako nang maluwag. pagkatapos niya ako ayusan ay pinaharap na niya ako sa salamin, First parang nag-aalangan pa ako pero humarap sa salamain pero hinila ako ni Emely para makita ko ang kabuuan ko.

hindi ko alam ang magiging reaction ko dahil sa ginawa niya sa akin parang mixed emotions ang nararamdaman ko.. humarap ako sa kaniya nang naiyak na kaya kumuha agad siya nang tissue at ibinigaysa akin, "Don't cry Emely, baka masira yang make-up mo sayang effort ko" kaya pinilit kong huwag nalang umiyak at lumabas na kami nang kwarto.

kinakabahan ako sa magiging reaction ni Lame habang palabas kami sa botique naramdaman iyon ni Emely dahil kanina pa nanginginig ang kamay ko, "Don't be nervous, you're so pretty to be Nervous" dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako nang lakas ng loob at lumabas na ako nang botique niya, hinanap agad nang mata ko si Lame at nakita ko siya sa isang upuan at nagce-cellphone. "Go ahead" sabi ni Emely "thank you for this" pagpapasalamat ko sa kaniya at ngumiti siya bilang tugon at pagkatapos noon ay tumalikod na ako sa kaniya at pumunta sa puwesto ni Lame.

habang papalapit ako sa kaniya parang may kumikiliti sa bilbil ko de joke langsss... I'm having a strange feelings na sa kaniya ko lang nararamdaman, I'm exccited to see him everyday, I want to be his side everytime at yung bawat sweet gestures niya at ang pagiging territorial niya sakin gustong-gusto ko, hanggang sa makarating ako sa harapan niya ay di mawala ang kaba ko. "Lame?" tawag ko sa kaniya...

TO BE CONTINUED..

N/A: hahaha may pabitin si author kaya wait for the second update muwwwaaapppsss... :*

"THE GIRL WHO CAN'T BE MOVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon