CHAPTER 09

25 3 0
                                    


"HINDI KO GUSTO IYONG LALAKING IYON PARA SAYO ELLA!!" may galit na sigaw sa akin ni kuya, kanina pa kami nagtatalo dito dahil ayaw niya daw kay Lame para sa akin dahil sasaktan lang daw ako nito, "kilalan-kilala ko iyon Ella! babaero iyon! maniwala ka naman sa akin oh" paliwanag sa akin ni kuya, "kuya naman kaya ko na ang sarili ko, at alam kong hindi ako sasaktan ni Lame" pagmamatigas ko,

"FINE! ayaw mong maniwla sa akin? then go! magpaniwala ka doon sa manloloko at babaerong iyon at tandaan mo wag na wag kang lalapit sa akin na umiiyak dahil sinaktan ka niya" sabay alis niya sa kwarto ko at isinarado nang malakas ang pintuan, napaupo nalang ako sa kama ko habang iyak nang iyak, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

nagising nalang ko nang maramdaman kong tumutunog ang cellphone ko, "Hello?" walang gana kong sagot, "hello Ella? anong nangyari sayo bakit ang tamlay mo?" tinignan ko ang screen nang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Clyde, "ah,kakagising ko lang kasi eh"palusot ko, "uhhmm.. Ella free ka ba ngayong araw?" tanong niya, "hindi,naman bakit?" sagot ko, "puwede ba tayong lumabas?" "sige,kita nalang tayo sa mall" at ibinaba ko na ang tawag niya.

"oh,anak saan ka pupunta?"tanong ni mama pagkababa ko, magkakasama sila mama,papa at kuya sa lamesa, binati ko si kuya ngunit parang hindi manlang ako nito narinig at patuloy lang ito sa pagkain, "uhhmm, may kikitain po kasi ako sa mall", "ah, sige pero kumain ka muna" sabi ni papa, "hindi na po pa,duon nalang po ako mag-aalmusal" sabi ko pumayag naman sila at ako ay umalis na.

-

-

-

-

"kanina ka pa diyan?" tanong ko noong naabutan kong kumakain si Clyde sa isang fastfood na pagkikitaan namin, "hindi naman, anong gusto mo?" tanong niya, at pumili na ako.habang hinihintay ko yung order ko ay tinanong ko na siya kung bakit niya ako gustong makipagkita sa kaniya, "ano palang kailangan mo Clyde?" tanong ko sa kanya, "uhhmm.. may sasabihin sana ako eh",medyo hindi na siya mapakali sa kaniyang upuan, "ano iyon?"tanong ko,

"puwede ba akong manligaw sa'yo?" halos hindi ako makagalaw sa inuupuan ko dahil sa sinabi niya, "ano?bakit ako? anong nagustuhan mo sa akin?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya, "hindi naman kailangan may dahilan kapag may gusto ka eh, basta't naramdaman mong gusto mo siya, gusto mo siya and that's it"mahabang paliwanag niya sa akin, hindi ako makapaniwala sa sagot niya, walang nagsasalita sa aming dalawa at mabuti nalang ay dumating na ang order ko.

hanggang sa matapos namin kumain ay wala paring nagsasalita awkward tsk. -_- "uhhmmm.. Ella alam kong mahirap sa iyo magdesisyon pero tatandaan mo kahit anong sagot mo liligawan parin kita" sabay ngiti niya sa akin nang malapad..

LAME'S POV.

"BE THE BEST MAN WIN" sabi niya at saka umalis, at ito ako hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko para akong galit na nagseselos, sa kaniya pala nang-galing ang flowers na iyon mabuti nalang naitapon ko na yung bulaklak na iyon bago dumating sila Ella, gagawin ko ang lahat para makuha ko si Ella tatalunin kita CLYDE MONTENEGRO, at tinungga ko ang alak na nasa tabi ko,

habang tumutungga ako may tumawag sa akin, at pagkatingin ko ay si Ashley lang pala, "anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya pagkasagot ko nang cellphone, "hi dear,did you miss me?" naiirita talaga ako sa boses nito, "nope, you're not important to me kaya bakit kita mami-miss?" sagot ko sa kaniya.

"why you're so rude to me?" tanong niya "i'm not rude to you, i'm just iritated when i hear your voice" sagot ko sa kaniya habang nagbubukas nang panibagong alak.

"you know what? wala akong kinalaman kung bakit tayo nasa sitwasyong ito.hindi ko naman pinilit kila mama na makipag-sundo na gumawa ng marriage contract para sa atin" mahabang paliwanag niya sa akin. "wala akong pakialam kung may kinalaman ka o wala,tandaan mo ito ashley gagawa at gagawa ako nang paraan para hindi lang magpakasal sa isang katulad mo" sagot ko sa kaniya at saka ibinato ang aking cellphone sa pader dahil sa sobrang inis ko.

nooong naubos ko na ang aking alak ay pumunta na ako sa aking kwarto.

-

-

-

"Lame?" may tumatawag sa aking isang babae na hindi ko makita ang kaniyang mukha pero bakas sa kaniyang mukha ang kasiyahan, "who are you?"may pagtataka kong tanong, ngunit hindi ito sumagot sa aking tanong at nagpatuloy lang ito sa paghila sa akin hanggang sa makapunta kami sa isang pamilyar na lugar.

"natatandaan mo ba ito?" tanong niya sa akin habang nakangiti, "oo naman, halos araw-araw akong nandirito at ito ang pinaka-espesyal na lugar para sa akin" sagot ko sa kaniya, ngumiti lang ito at paunti-unti siyang lumapit sa akin at nakita ko ang isang pamilyar na kwintas ngunit hindi ko alam kung kanino ko ito nakita .kahit hindi ko makita ang kaniyang mukha alam kong maganda siya. paunti-unti siyang lumalapit sa akin habang ilang agwat nalang ang aming mga mukha sa isa't-isa.

"hindi ba dito tayo ikakasal?" tanong niya, hindi ko alam kung bakit parang may-sarili ang aking bibig para sumang-ayon sa kaniyang sinabi. inilapat niya ang kaniyang labi sa akin upang maramdaman ko ang kaniyang malambot na labi tutugon na sana ako sa kaniyang halik ngunit unti-unti siyang naglaho hanggang sa maging madilim ang lugar.

naramdaman ko nalang na may dumidila sa aking pisngi at idinilat ko ang aking mata, panaginip lang pala ang lahat. nakita ko ang aking alagang aso na si Chewy na nasa tabi ko at patuloy akong dinidilaan. "sino kaya ang babaeng iyon?" tanong ko sa aking sarili sabay pagdampi nang aking mga daliri sa aking labi na parang nararamdaman ko pa ang kaniyang malambot na labi.

napangiti nalamang ako dahil sa panaginip na iyon at ipinagpatuloy na muli ang aking pagtulog.  


ELLA'S POV.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-move on sa nalaman ko kanina,  nandirito ako ngayon sa aming terrace at lumalanghap nang sariwang hangin. kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Lame ngunit hindi pa ito tumatawag. siguro nakatulog na iyon. habang akong nagmumui-muni ay may biglang tumawag.  sinagot ko agad ito at nagbabakasakaling siya na ang tumawag ngunit nagkamali pala ako si Clyde lang pala.

"oh?gabing-gabi na ah, anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya, "wala lang, gusto ko lang marinig ang boses mo bago aako matulog" sagot niya, ewan ko sa sarili ko pero parang wala akong nararamdamang kilig kapag siya ang kausap ko. isa lang ba siyang kaibigan para sa akin? o mas higit pa? "nasaan ka ngayon?" tanong niya, "nandito ako nagyon sa terrace nagpapahangin"sagot ko sa kaniya. 

"alam mo Ella, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag nasa paligid kita, yung parang nauutal ako kapag kausap ka, gusto kita laging kasama, ang sarap sa pakiramdam nito at parang ayaw ko nang mawala pa" pagkukwento niya sa akin. 

"ewan ko Clyde kung ano ang dapat isagot ko sayo pasensiya na" paghingi ko nang despensa. "No, it's okay hindi naman kita pinipilit na sagutin agad ako eh, ang gusto ko lang malaman mo na gusto kita at maiparamdam sa iyo ang nararamdaman ko" sagot niya. hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya iniiwas ko na ang usapan namin. 

"uhhhmm, Clyde? tinatawag na ako ni mama at matutulog na raw, good night kitakits tayo bukas bye"pagpapaalam ko, "si-sige Ella good night din bye" at ibinaba ko na ang kaniyang tawag. pumasok na ako sa aking kwarto at nahiga na.



N/A: sorry guys kung ngayon lang ako nakapag-update..

"THE GIRL WHO CAN'T BE MOVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon