Mahal
Mahal:
love; pagmamahal(1)Mahal:
expensive; mataas ang presyo(2)These two Filipino words are homonyms.
When it comes to prices, there are three things that usually come to mind: yung mahal(2), mura at libre.
When it comes to life, there are three things that usually come to mind: yung mahal(2), mura at libre.
'Yung mga murang price tags ay kay sarap titigan, pagkat alam natin na abot-kamay natin sila. Abot ng ating kinakaya at kapag ating binili iyon, mayroon pa tayong matitira pa sa ating sarili.
'Yung mga libre naman ay isa sa mga lubos na nagpapasaya sa atin pagkat nararamdaman natin ang pagmamahal ng iba, ang kanilang kusang binibigay sa atin pagkat alam nilang mas kailangan natin iyon.
Maaari rin iyon maging isang regalo na walang hinihinging kapalit. Ngiti lang ng nakatanggap ay sapat na.
Pwede din iyon dahil sa awa, sa kagustuhang baguhin ang buhay ng iba upang sila'y guminhawa rin.
Mayroon ring mga libre na ibinigay lamang pagkat hindi na nila iyon kailangan o kaya't dahil luma na o sira na ang mga iyon. Kahit ito man ang rason kung bakit tayo binigyan ng kahit ano, kailangan parin natin magpasalamat pagkat hindi basta-basta kayang ibigay ng isang tao ang mga bagay na nagpasaya sa kanya, mapaluma man o mapabago. Nagkaroon siya ng mga alaala kasama ang bagay na iyon at napalapit na rin iyon sa kanyang buhay.
Subalit ang pinakamahirap kamtan sa lahat ay ang (pagma)mahal(1,2) pagkat ito ang ating totoong pinaghihirapan, pinagpapawisan at pinagpupuyatan. Ginagawa natin ang lahat upang ito'y makuha.
Di gaya ng mga libre, kahit ito'y luma na o nasira na ay hindi dapat pinkakawalan pagkat hindi tayo sigurado kung magugustuhan ba ito ng iba o hindi. Hindi gaya natin na ibibigay ang lahat makasama lang ito.
Karaniwan ay ating binubuhos ang lahat para dito na di gaya ng mga mura. Minsa'y wala na rin tayong itinitira sa sarili.
Higit sa lahat, kapag sinimulan mo, wag kang magsisisi. Pwede kang masaktan pero pag mahal(2) mo talaga, hindi ka matatakot.
Hindi ka matatakot kahit maging parang regalo nalang ang iyong pagmamahal. Pagmamahal na ibinibigay kahit walang kapalit.
YOU ARE READING
T^2M^2 qms
RandomRandom things I observed with words, mapa-Filipino, English, etc. No worries, though. I have written their meanings. However, some of these ideas are not mine. Since they're often seen in quotes and more, you probably would recognize them from those...