Chapter 34: Danger

12 0 0
                                        


Samie’s POV


Pagtapos ng eksena nangyari nung nakaraang linggo sa classroom, magsisimula na ang Basketball tournament ng school namin laban sa Oxford university, balita ko ay isa sila sa matinding rival ng school namin. Pero mas lamang umano ng panalo ang school namin kumpara sa kanila.

“Good morning kuya” Bati ko

“Goodmorning princess, come let’s have breakfast.”

Umupo na kami at nagsimulang mag almusal.

“Samie, kamusta training mo? Hindi ka ba hinika ulit? Nahirapan huminga? Nahilo? Na—“

“Kuya okay lang ako, wag kang mag alala napaka lakas ko na kaya” pinutol ko na ang sinasabi nya dahil alam kong punong puno ng kaba at pag aalala ang puso’t isip nya ngayon kaya kahit paano kailangan bigyan ko sya kahit kaunting assurance man lang.

“That’s good know then, sige aalis na ako may pinapalakad sila mom sakin sa company.” Tumayo siya sabay halik sa noo ko, napaka sweet ng kuya ko diba?
Nagsimula na akong magprepare at maya maya lang dadating na si Justin para sunduin ako sabay na kasi kami laging pumasok sa eskwela.

*Beep Beep*

Speaking of the pogi (Yes naman hahaha) si Justin na iyon. Kinuha ko ang bag ko at nagsimula na maglakad palabas ng bahay.

“Good morning wifey!” Bati ng gwapong nilalang na nasa harapan ko

“Good morning hubby!!” Masiglang bati ko at niyakap sya ng mahigpit hay ang bango talaga ng boyfie ko huhu

Pagdating namin ng eskwelahan diretso kami pumasok ng classroom at naabutan na namin ang beaches at BL. Nagpaalam na samin ang BL dahil simula na ng laro nila mamaya. Syempre bilang suporta pupunta kami ng beaches sa gym para icheer ang black lions.

“This is gonna be exciting! First time natin sila mapapanood na maglaro.” Saad ni Gillian

“I know! Hahaha gawa kaya tayo ng banners? Hahaha para full support!” Suhestiyon ni karla

Kahit kalian talaga tong si Karla Oo! Hahaha

“Yuck ha! Ang cheap naman natin nun!!” sabi ni denice

“Tama na yan bumalik na kayo sa mga upuan nyo nariyan na si Ma’am.” Untag ko

Dumating na ang guro namin saka nagsimulang magturo. Hay, namimiss ko na si Justin, nasanay kasi ako na lagi kong nasa tabi yung lalaking yun. :3

-Breaktime-


Lunch break na naman magkakasabay kaming bumaba ng beaches para mananghalian habang kumakain nakarinig na naman kami ng mga hiwayan ng mga babaeng estudyante rito. Sa di kalayuan may naaninag akong grupo ng mga lalaking palapit sa amin. Jusko eto na naman ata sila zach! Iniwas ko ang tingin ko para magkunwaring hindi ko sila nakita.


“Kayo ba ang campus crushes dito?”  Sambit ng lalaking kulay gold ang buhok

Pag lingon ko hindi sila zach ang nakita ko, ano bagong grupo na naman? Ano ba kasi yang campus kuru na yan too much hassle na ang dulot samin ng mga kaibigan ko.

“Hindi, baka nagkamali lang kayo.” Ani ko sa lalaking nagtanong

“Paanong hindi? Eh dito kami tinuro ng mga babae kanina.” Sagot pa ng isa

“Eh hindi nga kasi kami yun okay? Wala kaming alam sa sinasabi ninyo.” Ani ni Jesella na halatang naiinis na.

“Hindi ako naniniwala, wala naman akong ibang makitang ibang magaganda dito kundi kayo lang, so I think tama naman kami ng nilapitan ayaw niyo lang aminin. Lalo na ikaw (sabay hawak sa mukha ko) napaka ganda mo. Anong pangalan mo?”

itinabig ko ang kamay niya. Aba’t bastos tong lalaking to ah!

“Bastos. Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Close ba tayo?” Naiinis na sabi ko

“Edi mkikipagclose kami diba boys?” saad niya

“Yes. Tyler, ang gaganda nila no? ikaw anong pangalan mo?” pagtukoy niya kay Karla

“I’m miss no name. asshole”

“Ang sungit nyo naman! Halika nga” sabay hila sakin dahilan para mapatayo ako sa kinauupuan ko.

“Sht. Let go of me! Ano bang kailangan nyo?!” galit na tanong ko

“What do we need? Well, gusto lang namin kayo makadate kaya wag na kayong umarte tara na.” pinipilit nya akong hilain ganun ang iba pa nyang mga kasamahan sa mga kaibigan ko.

“P*cha! Sabi nang bitawan nyo kami e!! aish!” galit na galit si Denice habang sila ay patuloy padin kaming hinihila

“Ano ba nasasaktan na ako! Let me go! You ugly moron!!” sigaw ni Gillian

“Ugly? Nakita mo bang nagtitilian mga babae pagpasok namin? And you dare to call me ugly??” untag ng lalaking humawak sa braso ni Gillian

“Yes ugly! Hindi nakakagwapo ang pangbabastos sa babae para sa kaalaman mo!” aniya

Patuloy parin sila sa pagkaladkad samin palabas ng campus

“Ano ba bitawan mo ko nasasaktan ak---“

“You better let go of that hand or else I won’t think twice to kill you Tyler.” Nangilabot ako sa narinig ko isang nakakatakot na boses ang nagsalita. Paglingon ko nakita ko si Justin kasama ang Black lions.

“Adams! Long time no see! Hiramin muna namin chix nyo ah? Babalik din namin hahahaha” pang-aasar nung tyler

“Fck you Monverde! Let go of my girl!” galit na sabi ni Justin

Mukhang mapapaaway na naman sila dahil sa amin. What to do??

“Nagagalit ka kagad! Masyado naman kayong gigil Black lions hahaha, maaring di namin kayo matalo sa basketball pero sa tingin ko, makuha lang namin mga gf nyo solved na kami. Lalo na tong isang to? Ang ganda pakiss nga” akmang hahalikan ng isang lalaki si Denice

“Bullsht! Bitawan mo ang girlfriend ko Blued! I swear if you did anything bad to denice I’ll kill you!!” galit na sigaw ni Blake kina tyler

“Bakit di kayo magpakalalaki? Hilig nyo magtago sa palda ng babae, tch!” bulyaw ni brent

Nararamdaman ko ang tension sa pagitan ng dalawang grupo na ito. Sinusubukan parin naming makawala para sana hindi na lumaki pa pero ang lakas talaga ng tyler na to! Kailangan kong gumawa ng paraan para makawala dito. Samie Ottoke Ottoke?

“Hay nako Justin, hindi ka parin nagbabago napaka mainitin parin ng ulo mo. Bakit kasi di mo nalang ipahiram samin tong chix nyo? Isang araw lang naman! Kayo naman lagi nakaka score sa mga to eh. Lalo na tong gf mo Justin, Ang kinis na ang ganda pa. sana lahat ng babae ganito para di tayo nag aagawan sa isa lang hahahaha. Ang bango ng gf mo fck, She’s turning me on. Hmm..”

akmang aamuyin nya ang leeg ko sht di pwede I need to do something!! Palapit na ang labi nya nang bigla kong kagatin ang braso.

“Ahhhhck” Fck! Damn! Manang mana ka sa boyfriend mo! Eto bagay sayo!” Sinikmuraan ako ni Tyler dahilan para manghina at mahilo ako

“Hayop ka Tyler! I’m gonna kill you! Fck you!!!”


Pasugod na ang BL sa grupo nila tyler ngunit biglang nanlabo paningin ko and everything went black.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Started With A DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon