CHAPTER 8

20 4 0
                                    

Judgementals
________________

Chelsea's POV

Agad akong bumaba ng biglang may tumawag sakin sa phone. Si mommy. Pumunta daw ako sa office ni dad dahil 'mag-uusap' daw kami.

Ewan ko kung bakit pero kinakabahan ako. Paniguradong sesermonan nanaman ako like 'ratatatatatatatatat bogshhh bang bang booom bogshshhshhssh'

Hanggang ngayon ay 'di parin ako makamove on sa sinabi kanina ni auntie. Masyadong unexpected and unbelievable!

Siguro mamaya paguusapan din namin ang tungkol sa pagtatransfer ko at kung saan ako lilipat. Hindi parin ako sure kung paano ko sila macoconvince!

Anyway it's night already at buong araw lang akong nakakulong sa kwarto para isipin kung anong sasabihin ko. Bumaba lang ako kaninang lunch at wala pa sila sa bahay non kaya ngayon palang kami mag-uusap.

Pagbaba ko ay nagsi-bow pa lahat ng servants pero 'di ko sila pinansin. Snob ako e. Pumasok ako sa office ni dad at nandun na nga silang lahat at ako na ang pinakalate!

Agad akong tumabi kay mommy at nasa harap na couch namin naman si auntie nakaupo at si daddy na kaninang nasa table niya ay tumayo at lumapit sa amin at umupo sa tabi ko.

"Naayos na namin ang papers mo pati na rin ang mga kaibigan mo at kinausap na namin ang principal about your case at mukhang... pabor pa sa kanya ang desisyon ko." Si auntie. Halatang may disappointment sa tono ng pananalita niya at nalungkot naman ako dun.

Pero kinausap niya daw ang friends ko? Kaya ba alam nila agad?

"About sa behavior mo... malaking disappointment ito sa pamilya nating 'tinitingala'. Kung gaganyan ganyan ka then you shouldn't be honored by everybody." Agad naman akong nakaramdam ng inis sa sinabi ni tita. It's not just my fault! Kasalanan naman ng students iyon dahil wala naman akong ginagawa sa kanila. Manenermon na nga lang, 'di pa inalam ang buong kwento.

"Anyways as your principal said, madalas ka daw na mapasama sa gulo at pakikipag-away. I thought you are strong. But why is that you appears to be 'weak' and 'immature'."

Yes. I am strong. But I am not immature. Kailanman ay hindi ako napasama sa gulo na ako ang may kasalanan. Maldita ako pero 'di ako warfreak!

"I never asked the whole story just like everybody does because the important thing is... to know the issue without knowing the story behind it. Katulad nalang ng schoolmates mo." She paused for a little and raised her eyebrow then continued.

"It doesn't matter what's behind every little things. What matters is what you did they thought for bad."

People nowadays... are toxic. Very judgemental.

She's right. Ganun ang iisipin ng lahat dahil sa ginawa ko. Kahit mapa-bussiness partners pa ni daddy. Nakikita lang nila ang ginawa mong masama na akala nilang masama at ijajudge ka nila base sa nakita nila at hindi base sa katotohanan.

Ang alam ng lahat sa school ko... I'm an immature warfreak but they never know I do things for a reason.

Maldita ako sa mga feeling maldita.

Sigh. People will judge you kahit di nila alam ang tunay na kwento dahil akala nila, you did it para lang sa wala.

Pero now I get it kung bakit ganun siya magsalita kanina. Ipinapamukha niya sakin kung pano magisip ang mga tao ngayon dahil sa mga ginawa kong kamalditahan na di naman ako ang nagsimula.

"A-anak... ganun naman kasi sila talaga mag-isip. Maaaring hindi ikaw ang nagsimula pero dahil may ginawa kang nakaagaw ng atensyon ng lahat, lahat ng kilos mo malilimitan dahil ikaw pa ang magiging masama." Si mommy.

Napabuntong hininga ako. So anong gusto niyong gawin ko? Eh eto na ako. Hindi naman pwedeng hindi ako lumaban. Pagod na akong magpaapi. Pero hindi ibig sabihin non ay ako na ang mangaapi. Dinedepensahan ko lang naman ang sarili ko. Akala ko it never matters sa kung anong iisipin ng iba pero mukhang naging malala naman yung epekto ng desisyon ko. Si mommy na ang nagsabi.

Sa bagay. Hindi sa nagmamayabang pero bahala ka shabuhay mo. Malaki naman talaga ang pangalan namin. Hindi ko naman naisip na masisira ang reputasyon namin dahil older people are matured to think na hindi ako nagsisimula ng away. Pero sa pinakita ni auntie, 'masama ako' talaga ang iisipin ng lahat.

"Marie remember... you should care about our big name dahil hindi lang ako ang makikinabang niyan. Pati na rin ikaw sa mga future plans mo." Ngumiti sakin ng sarcastic si auntie.

What does she mean by that? Future plans? What plans?

"I contacted Joseph about the school head and teachers. They can't discipline a student. Papalitan na sila." Biglang sabi ni dad at nagulat naman ako.

Si uncle Joseph Fortaleza. Couz ni dad at siya ang may-ari ng school ko... errr... ex school.

"Bukas... kami na ulit ang magaayos ng papers mo sa school na lilipatan mo."

"Saang school ako lilipat?!" I shouted out of curiosity and nervousness.

Kanina ko pa gustong malaman kung saan ako ililipat ng school. Baka sa public school dahil iniisip nila na madidisiplina ako ng mga dirtih students doon na mabababa ang taste and standards. Eww!

"Sure you wanna know? Ha ha ha!" Prangkang yanong ni tita.

"Y-yes tita." Kinakabahang sagot ko.

"Better if you shouldn't know... for know." Sagot ni daddy at bumagsak naman ang balikat ko. So anong gagawin ko bukas? Tutunganga dahil di sure kung ireready pa ang pamatay na maldita linesko dahil baka di naman babalik sa dati kong school.

But wait an eternity...

What if ayaw nilang malaman kung saang school ako lilipat dahil gusto nilang isurprise ako na babalik ako ng dati kong school?

Ang dating 50/50 ay naging 51/49 na.

Ililipat nila ako sa dati kong school.

If you wait an eternity.

*
Pagkatapos naming kumain ay nagayos agad ako at tumungong bedroom.

Humilata ako sa kama at gumulong gulong sa inis.

"Ayaw nilang sabiheeeen! Huhuhu."

Pinaghahagis ko ang mga unan ko. Bahala na kayong magayos basta naiinis ako.

What if it's just a what if?

If you consider all the possibilities,

Ayaw nilang sabihin ang magiging new school ko dahil ayaw nilang ngumawa ako ng ngumawa dahil maririndi sila. For sure magrereklamo ako dahil di ako babalik sa school ko before.

Baka dabugan ko lang sila pag nagkataon.

Soooo, mas pipiliin nilang ayusin muna ang papeles ko then sasabihin nila ang magiging school ko para wala na akong magawa dahil enrolled na ako.

"Bwisit! Bwisit! Bwisiiiiiiiiiiiit!" I said the magic word at biglang may tumawag.

*tininiw tininiw tiniw tininiw*

Agad kong kinuha ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag.

Unknown number

09*********

Sino 'to?

An unknown number is calling me in tininiw tiniw?

Kadalasan ay wala pang 5 seconds ay pinapatay ko na kung di ko kilala pero this one is different. Parang may kung anong di ko alam ang meron dito pero I'm just curious for no reason.

Decline....Accept

Sasagutin ko ba?

■■■

To be Continued...

You should really wait for eternity dahil baka di na talaga makatransfer sa dati niyang school. Paano na ang revenge niya?

The Good Nerd Turns Into Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon