CHAPTER 4

22 4 0
                                    

Escape plan
_____________

Chelsea's POV

Hanggang ngayon ay 'di parin ako maka move-on sa nalaman ko. Diyos ko maldita lang ako pero bat naging action ang story ko? Kaya ngayon tulala ako habang nagdi-discuss. Ayos lang matalino naman ako.

Pero buong akala ko talaga ay mag-mamaldita lang ako pero may pa mystery mystery pa pala. Arte mo author.

Mamaya na nga lang kami mag-usap ni nerd. Baka mag-diwang dahil palagi kong iniisip. Mahirap na baka mag-assume.

Salita ng salita ang teacher naming pogi daw? Saan banda? Paki ko sa pogi? Kadalasan sa mga pogi, manloloko!

Ok I'm not bitter but that's a fact! Puro ganong tweets nalang ang palagi ko ng nakikita sa twitter.

"So guys go to your assigned groups and do your work silently are we clear?"

"YESSS." Sagot nila maliban sakin. I think group activities are lame. Like duh? I prefer doing things alone para at peace naman. Less stress.

Kahit labag sa kalooban ko, nag-model ako papuntang groupmates ko. For sure aasa nanaman sila sa matatalino. Stupid students.

Ang subject namin ngayon ay Values Education. Hindi bagay sa personality ko. For sure babagsak nanaman ako dito. Pero ang mas kinaiinisan ko, ay about 'pagpapatawad' ang topic namin. Like ugh. Pinapatamaan ba nila ako ha? Ang malas ko pa dahil hindi ko kagrupo si Krizel.

"Guys I need your cooperation ha." Pagpapa-alala ng bida bida kong classmate na sipsip sa teacher at fame seeker din na si Kayla. Kung maka sipsip parang ang ganda nung pangalan. Eh mukha namang bubuyog dahil sa suot niya ngayon.

Bida bida starter pack:

1. Sipsip sa teacher
2. Iiyak pag di masaway ang kaklase
3. Ponytail
4. Feeling magaling
5. Sagot ng sagot kahit mukha ng ewan

Oh baka naman gusto mo ding sumipsip? Kung gusto mo, nandito lang ako para ubusin ang lahi niyong bida bida.

"So like mr. Collins said, gagawa tayo ng essay about forgiving someone and moving on. Give me any suggestions. Faster!" Sige patamaan mo pa ako. Teka nga, 'di naman siya yung leader bakit napaka feelingera neto?

"Honey, gusto mo bang hagisan kita ng bee hive para naman makasama mo na ang mga kauri mo? Mukha ka kasing kawawa dahil wala namang nakikinig sayo. Kung nananaginip ka, wag mong dalhin sa reyalidad. Ilang layer ba ng powder ang linagay mo sa mukha mo? Ang kapal eh. Bitch, tandaan mo kung sino ako dito. Don't be so bossy kapag ako ang kaharap mo. I'm Chelsea the queen bitch and whether you like it or not, you'll be the bitch who'll treat me like a queen."

Take that bitch. Napaka bida bida mo kasi. Nasample-an tuloy kita.

"Me? Treat YOU like a queen? Bakit? Sino ka ba sa akala mo? Hindi ka nga maganda, maldita pa. 'Di hamak na mas maganda at mas mabait pa ako sayo. And don't you dare compare mo to insects!"

"Why? Kasi 'di mo tanggap na isa ka lang bubuyog na umaaligid sa bulaklak kong korona? Sa mukha mong 'yan, nagagandahan ka pa. Buhusan kaya kita ng tubig para matanggal ang mumurahin mong make up. Sabagay mukha ka namang payaso. Buti pa ako maganda na, maldita pa. Eh ikaw... pangit na, bida bida pa."

Napanganga naman siya. Unexpected noh? Emphasize na emphasize yung last sentence.

"Excuse me lang ha. Kesa naman sayo na sobrang light ng make-up. 'Di ka marunong? Yuck so cheap."

"Oh babee, that's what you call natural. Ayoko kasi sa fake eh. At baka gusto mong ipalunok ko sayo ang designer make-ups ko. Nahiya naman kasi ako sa lip tint mong full face make-up."

The Good Nerd Turns Into Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon